Chantal's POV
"Really ba? Huwag mo 'ko paasahin Mathel, ha? pasasabugin ko car mo!"
Hindi ko pinansin ang matalim na tingin nito sa 'kin, mas natutuwa pa nga ako kasi makakapunta ako sa concert! I do not know if fan din ba siya or talagang sasamahan lang ako, but even so, ang importante is that she's willing to accompany me for two nights!
I genuinely smiled at her. "Thank you, Mathel. You don't know how happy I am because of what you just said..Thank you," I clasp my hands gesturing her how thankful I really am as I showed her my perfect-set of teeth na talagang alagang-alaga ni mommy mula noong bata pa ako.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng tenga nito as she turned her back and went to the bathroom without saying a single word.
Nagkibit-balikat ako't malayang humiga sa kama niya.
Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko ngayon, all I know is that I will definitely cry when they're already performing.. right in front of me..
I mean, who wouldn't?
This is such a dream come true and I can't wait to fulfill it with Mathel! I'm pretty sure na she's gonna enjoy rin kasi my gosh, apat na dyosa na ang makikita namin! Imposibleng hindi siya matuwa, ano!
"Will you stop smiling like an idiot?"
Napaupo ako dahil dito.
"Will you staph acting laykan idiyit?" Pang-aasar ko rito. Ang ganda ng accent niya.
Gosh, I'll do anything para lang makuha 'yung gano'ng accent.
However, my mouth agape the moment she ignored me at nagpatuloy lang sa pag punas ng buhok niya. She's drying her hair gently using her towel, of course. Naligo pa pala siya.. all of a sudden? Akala ko ay naligo na siya kanina.
"Would you like to sleep here?" She asks.
Gusto ko ba? Wala namang masama 'di ba? matutulog lang naman atsaka bahay ko naman ito.
Tinanguan ko ito at tumakbo papunta sa sariling kwarto para kunin ang phone ko at pillow na lagi kong yakap-yakap since I was a baby pa. I call it my baby rin actually.
HINDI ako makatulog.
Mahigit isang oras na ata akong nakatitig lang sa buwan na sumisilip sa bintana.
Nang hindi makayanan ang pagkainip ay bumangon na ako't sinilip si Mathel. Doon ko lang din napagtantong nagp-phone pa pala ito. Kunot na kunot ang noo at parang hindi niya napansin na bumangon ako mula sa pagkakahiga.
I cleared my throat to get her attention.
Ngunit hindi man lang siya lumingon sa 'kin. Titig na titig pa rin sa phone niya at do'n ko lang din napansin na nakasuot ito ng earphones. Anong pinapanood nito at kaunti na lang eh mag dikit na mga kilay niya?
Dahil hindi naman ako nito napansin ay dahan-dahan ako umusog palapit sa kaniya at sinulyapan ang pinapanood nito. Natigilan naman ako sa nakita.
Nanonood siya ng music videos ng isang girl group.
Hindi lang 'yon, ang girl group na pinapanood niya ay ang paborito ko! She's watching Blackpink's Forever Young dance practice video! Oh my???
Is she trying to memorize their songs from their debut up until now? Para ba alam niya na kapag nag-punta kami sa concert? omg!
I nibble my lower lip as I try to stop myself from smiling. I couldn't believe it!
Anong oras na.. ngayon pa talaga niya naisipan 'yan? pwede naman niya ako sabihan bukas at kahit buong araw pa namin pakinggan ang mga kanta ay hinding-hindi ako magrereklamo!
BINABASA MO ANG
Mathel Silvestre(GXG - ON-GOING)
RomanceHi, babies! This is a girlxgirl story so if uncomfortable ka mas better na huwag mo na lang basahin. Thank you! Date started: August 05, 2022 Date published: October 16, 2022 Date finished: -