One week have passed, gano'n lang ang naging cycle namin. Though, hindi naman nakaka-boring kahit paulit-ulit lang. As long as Jacob and my friends are with me, hindi ako mabo-bored.
"So, are we going to bonfire tonight?" I asked Jacob.
He nodded. "Of course. It's fun," he said.
Tumango ako sa kanya at akmang babangon na pero hinawakan niya agad ako sa braso at hinila pabalik ng kama.
Hinalikan niya ako sa labi at tumugon naman ako sa bawat halik niya. Mahina ko na siyang itinulak bago pa mapunta sa kung ano ang ginagawa namin.
I chuckled. "We'll continue later," I poked his nose before I left him in the room.
It was already afternoon when we went outside. Some people are already going to the bonfire. We've decided to buy something to drink and eat for later.
I felt Jacob's hands around my waist when the group of boys were looking at me. This possessive man.
"What do you want to drink?" Jacob asked me.
"Anything," I said.
He bought a lot of chips and beers. Hindi ko alam kung ibibigay niya 'to sa mga tao sa bonfire o uubusin niyang mag-isa.
Nang bumalik na kami ay dapit-hapon na. Dumiretso na kami sa bonfire dahil sabi niya ay naroon na raw ang iba. Good thing Fiona and Rana are already in there too.
"Naks naman, may palibre," nakangiting sabi ni Fiona habang nakatingin sa mga hawak ni Jacob.
"Where's Rana?" I asked her.
She shrugged. "I don't know. Nag-uusap sila kanina ni Ethan. Hindi ko na alam kung saan pumunta," sagot naman niya.
"Eh, ako? Kailan mo ako kakausapin?" pagbibiro naman ni Julian.
Magmula noong nakaraang linggo, lagi na niyang kinukulit si Fiona. Sumasabay naman si Fiona sa mga biro niya.
"You can talk to me whenever you want, Jules. Takot ka lang kasi baka ma-inlove ka sa 'kin." sabi naman ni Fiona.
Hindi nakasagot si Julian dahilan ng pagtawa namin ni Jacob. Patuloy lang silang nag-asaran hanggang sa lumubog na ang araw.
Naglatag lang kami ng kanya-kanya naming tela at naupo. Sina Rana at Ethan ay nakabalik na kanina lang. Naglakad-lakad lang daw sila.
Marami nang tao ang nasa paligid kaya nag-uumpisa na kaming mag-enjoy. Nagsimulang uminom ng alak si Rana at sinabayan naman siya ni Ethan. Pipigilan pa sana akong uminom ni Jacob pero sinabihan siya ng K.J nina Julian.
"Let's play spin the bottle," Rana said. "Come on, guys."
Pumabilog naman kaming lahat at kumuha ng bote si Rana. Sinimulan niya 'yong ikutin at natapat kay Julian.
"Truth or dare?" Rana asked him.
"Truth," Julian said.
Rana stared at him, nag-iisip kung ano ang itatanong. "Do you like Fiona?" she asked.
Napalingon kaming lahat nang maibuga ni Fiona ang iniinom niyang beer. "Sorry!" sabi niya at pinunasan ang balikat ni Julian. Sila kasi ang magkatabi at kay Julian niya naibuga ang iniinom niya.
"It's fine," he said. "The answer to your question, Rana, is, yes. I like Fiona, no jokes." saad niya.
I looked at Fiona. Namumula ang pisngi niya at umiwas ng tingin. Napabaling naman ako kay Julian na pinaikot na ang bote. Tumapat 'yon kay Jacob kaya tumingin ako sa kanya.
He chose truth. "Hmm, kung may chance kang makapasok sa music industry, would you pursue it?" Julian asked.
Jacob looked at me first. "No," saad niya. Gulat naman ang reaksyon nina Julian at Ethan. "I'd pursue Cali." he smiled at me.
Naglaro kami lang kami nang naglaro hanggang sa matapat 'yon sa 'kin. They forced me to pick the dare, so I had no choice.
"I dare you to take off your shirt." Rana said.
"What?" I reacted.
Umiling agad si Jacob. "Nope. It's too cold out here, Rana. Iba na lang," sabi niya.
"Come on! Cali needs to flex her gorgeous body!" sabi pa ni Rana.
Ethan smirked. "Sus, takot lang 'yang si Jacob. Baka kasi maagaw," pang-aasar niya.
Napatingin sa akin si Jacob. Wala siyang choice kaya hinubad ko ang shirt na suot ko. It was oversized shirt. Itinakip pa rin sa akin ni Jacob 'yon.
"K.J talaga 'to! 'Wag mong takpan!" reklamo ni Rana.
"You only said to take off her shirt, not to show her body." seryosong sabi ni Jacob.
Nagpatuloy ulit kami sa paglalaro dahil masyado pa kaming bored. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil puro katuwaan ang sinasabi nila. I was now looking at Jacob. Siya na naman kasi ang natutukan ng bote.
He chose truth for the second time.
"Kung makabalik na tayo sa Laguna, babalik ka pa ba kay Hailey?" Ethan asked. Kumunot ang noo ko dahil wala siyang nababanggit sa 'kin about doon.
Salubong ang kilay ni Jacob. "What the fuck, dude?"
"What? I'm just asking. Before we left, I talked to Hailey. Sabi niya magpapahinga lang daw kayo, so--"
"No. Hindi na ako babalik sa kanya. I already have Cali," seryosong sabi niya. "Just change the goddamn topic, Ethan."
Tinawanan lang siya ni Ethan at nagpatuloy na ulit sa paglalaro. Nawala ako sa mood kaya naisipan kong bumalik na lang muna sa bahay nila.
"Where are you going?" Jacob asked.
"I need to pee," palusot ko. Isinuot ko na ulit ang oversized shirt ko at tumayo na.
Nagsimulang tumulo ang luha ko nang makalayo ako sa kanila. I started to overthink. There are so many "what if's" on my mind.
Like, what if he's just using me to forget the pain he's feeling? What if he's just using me to temporarily forget about his ex? And what if he leaves me one day because he's done using me?
YOU ARE READING
Summer is my Favorite Season
Romancethis story is lame btw (・ัω・ั) Caliah and Jacob met each other during their summer vacation. They dated for almost two months, and everything went well. Until one day, Jacob left without Caliah knowing. What was his reason for leaving? Would the...