Chapter 24

171 8 0
                                    

Okay na kami ni Jacob ngayon. Almost one month na rin simula noong naging ayos kami. Nakausap niya na rin 'yong parents ko, okay na rin sila.



"I'm so happy for you, Cali." Fiona told me.



Rana laughed. "Oh, god. Do you guys remember when I told you na magpapabuntis ako kay Ethan kapag nagkabalikan kayo?" tanong niya. "I guess we'll do it! But we're not doing it dahil nagkabalikan kayo, 'no. We're doing it because we both want to."



I smiled at her. "Good for you, then," I said. "Well, since engaged na kayo, Fiona, may balak na ba kayo?"



She smirked. "Actually, we did it right away after the engagement."



Rana laughed at her. "Haha! I knew it! Hindi mo na natiis pagkatuyot mo, 'no?" saad niya. "Ako nga hindi mapakali kapag hindi nadidiligan kahit isang linggo, 'yon pa kaya 'yong ilang taon?"



Napairap na lang si Fiona. "Rana, kahit siguro inosenteng tao ganyan lalabas sa bunganga mo, 'no?"



"Sus, 'wag ka nang feeling inosente r'yan, Fiona." Rana said. "Ano? Malaki ba 'yong kay Julian? Ipag-compare kaya natin 'yong junjun nilang tatlo?"



I laughed. "Rana, stop! Oh my god, walang preno talaga 'yang bunganga mo."



"What? I'm just curious," she said. "Well, anyway, I'm so happy kumpleto na tayo ngayon."



"Me, too. Naaalala ko 'yong mga ginagawa natin six years ago." Fiona said.



Biglang nag-flashback sa 'kin lahat ng nangyari noon. 'Yong unang araw na nakilala ko si Jacob, no'ng nagsimula kaming mag-stay sa bahay nila, 'yong bonfire, 'yong unang beses na may nangyari sa 'min, and everything. Lahat naalala ko ulit, naalala ko lahat kahit 'yong mga malulungkot na alaala.



Tumabi 'yong mga lalaki sa 'min. Hinawakan ni Jacob ang kamay ko at sumandal naman ako sa balikat niya.



"Kailan niyo balak mag-anak? Ang tatanda niyo na, oh." sabi ni Jacob sa kanila.



"'Wag kang excited, Jacob. Gagawa na kami ni Ethan." sabi ni Rana. "Ninong ka, ha? Swerte ng magiging anak ko, may ninong siyang sikat. What if pasikatin mo rin anak ko?" pagbibiro pa niya.



Tinawanan lang siya ni Jacob. Ibinalik niya ang atensyon niya sa 'kin. He stared at me and he tucked my hair behind my ears. "I love you," he whispered.



"Lope, tara na." tawag ko sa kanya pagtapos niyang magpaalam kina mama. "Ma, alis na po muna kami."



Tinanguhan ako ni mama. "Take care," she said, smiling.



"Mama, where are we going?" tanong agad sa 'kin ni Lope pagsakay niya sa sasakyan ni Jacob.



"We're going to meet your daddy's parents. They're your grandma and grandpa, too." I said.



She nodded. "Okay po, mama." she said.



Actually, nakaraan pa ako inaaya ni Jacob na ipapakilala niya ako sa pamilya niya pero ako ang tumatanggi. Natatakot kasi ako na baka hindi nila ako magustuhan o ano. Pero bahala na.



"Are you okay?" tanong sa 'kin ni Jacob nang makarating kami sa bahay ng parents niya. "Don't worry, hindi ako aalis sa tabi mo."



Tumango ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Don't leave me, okay?" I said.



Tumango naman siya at mahinang tumatawa. "I'm here, 'wag kang matakot." sabi pa niya.



Nang makapasok kami sa loob, may mga tao na naroon. Panigurado ay ang mga kapatid niya ang nandoon at ang parents niya.



"Good afternoon po," sabi ko.



"Ma, Pa, this is Cali, my girlfriend," Jacob said. Ngumiti naman ako sa kanila. "And this is my daughter, Penelope." he added.



Their parents smiled at us. "Hi, hija," tumayo 'yong mama ni Jacob at lumapit sa 'min. "It's so nice to finally meet you." she said. Tumayo rin ang papa ni Jacob at binati rin kami.



Nang makapag-usap kami tungkol sa kung ano-ano, pinanood ko na lang si Lope na makipagkulitan sa lolo at lola niya.



"Hi, Ate Cali," napalingon ako sa kapatid ni Jacob. "I'm Alyah, by the way." she said.



I smiled at her. "Hi," I said. "Napag-usapan ka namin once noon."



"Really? Anong sinabi ni kuya about sa 'kin?"



"Well, he said you're strict sister--"



She laughed. "Yeah, I remember when I was always mad at him because he was bringing different girls every week into this house." Alyah said.



I sighed. "Yeah. His childhood friend mentioned that he was a player."



"Mas player pa sa player," saad niya. "Ikaw nga lang yata ang nagpatino ro'n, e. Ikaw ang bukambibig no'n noong tumawag siya sa 'min after one year siyang wala rito sa bahay."



"What about his ex? Hailey? I can't remember her name."



"Oh, pft-- That girl? Siya lang naman ang naghahabol kay kuya," she said. "I didn't like her. I didn't like her attitude as well. Masyadong maarte at bossy." iritang sabi niya. "Wait, don't tell me nagselos ka ro'n?"



I laughed a bit. "Nagselos ako kasi akala ko matagal silang nagsama ni Jacob. Hindi kasi nakuwento ni Jacob sa 'kin 'yon, e."



"Hindi niya kinukwento kasi wala naman siyang pakialam. Naaawa lang 'yon kay Hailey kaya pinatos niya," Alyah said. "Well, anyway, I'm happy for you and for kuya. I'm really happy to meet Lope, too."



Nang matapos makipagkwentuhan sa 'kin si Alyah, lumapit naman sa 'kin ni Jacob. Pinanood namin si Lope habang kasama ang grandparents at ang mga tito at tito niya.



"I told you you don't need to worry about them," he said. "They like you, Cali."



"I'm sorry, nag-overthink lang ako."



He smiled. "I understand. Okay naman na ngayon, 'di ba? Ayos na ang lahat." sabi niya at mahigpit akong niyakap.













Summer is my Favorite SeasonWhere stories live. Discover now