Episode 1: Say Hi

13 1 1
                                    

Nakatanaw si ALexa sa kanyang bintana at pinapanood ang mga taong naliligo sa dagat at pati na rin ang mga nagbibilad sa ilalim ng araw. Nakakatuwang isipin na madami silang bisita. Ang mga cottages malapit sa dalampasigan ay laging puno kaya naman ang iba ay sa hotel kung saan siya nakatira pumupunta ang iba.

Napalingon siya sa may pintuan ng bigla iyong bumukas at nakita ang inang pumasok doon. Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa may bintana para salubungin ito.

"Alexa dear, you have to go out," panimula nito.

"Hello, Ma," saka ito hinalikan sa may pisngi. Pati ito ay humalik din sa pisngi niya.

"Hindi ka ba nababagot dito sa kwarto mo?"

"No, Ma. In fact, maganda nga dito dahil makikita mo ang kabuuan ng resort." Bumalik ulit siya sa may bintana para umupo. Sinundan naman siya ng ina at umupo sa couch malapit sa bintana.

"Pero kailangan mo pa ding lumabas."

"Look, Ma," turo niya sa labas ng bintana. Sumilip naman ang kanyang ina para tingnan ang tinuturo niya. "Mas gusto ng mga tao na sa cottage sila malapit sa dagat. Mas maeenjoy nila ang summer kapag ganon."

Napahawak ang kanyang ina sa baba nito at tila may iniisip.

"Wala ng space para sa cottage," saka bumalik sa couch.

Pinakatitigan niyang mabuti ang kanyang ina na prenteng nakaupo.

"Pwede namang patayuan dun sa mga pagitan ng puno. Sa ganoong paraan ay mas presko pa ang hangin."

"Masikip."

"Seryoso ka, Ma? Ako talaga ang sinasabihan mo niyan?"

"Kung gusto mong mangyari ang sinasabi mo ay ikaw mismo ang magsabi sa kanila ng mga balak mo."

"Mas may alam ka sa parting iyan, Ma. Nagsa-suggest lang ako."

Natigil ang pag-uusap nila ng magring ang telepono nito. Lumayo ito mula sa kanya para sagutin ang tawag. Nang matapos itong kausapin ang tumawag ay nagpaalam ito agad sa kanya.

"Remember, kailangan mo ring lumabas sa lungga mo," pahabol nito bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.

Lumalabas naman ako ha. Kapag wala na nga lang masyadong tao. Sabi niya sa loob-loob niya sa sinabi ng ina. Tama. Lumalabas naman talaga siya. Hindi nga lang nito alam dahil sinasabihan niya ang mga empleyadong nakakakita sa kanya na huwag sabihin sa kanyang ina.

Natapos ang araw ni ALexa ng puro pagbabasa ng libro at panonood ng mga tao sa labas mula sa kanyang bintana. Ganoon na ganoon natatapos ang araw niya. Pagsikat ng araw hanggang sa paglibog ng araw ay nandoon lang siya nakaupo at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar. Hindi nakakasawang tingnan ang mga nasa paligid.

Sa pagsapit ng gabi ay mas makikita pa ang kagandahan ng lugar. Salamat sa mga nakasabit na ilaw sa mga puno at maging ang mga ilaw ng poste ay tila mga bituin kapag titingnan ito mula sa malayong lugar. Hindi naman sa pagmamayabang ay ideya niya ang bagay na iyon. May mga taong mas gustong nasa labas kapag gabi at ninanamnam ang katahimikan ng lugar.

Hinihintay niya ang oras kung kailan siya dapat lumabas. Hindi siya komportable sa mga taong hindi niya kilala. Mula pa noong una ay inihiwalay na niya ang kanyang sarili sa ibang tao. Kung gusto siyang maging kaibigan ng mga ito ay dapat ang mga ito ang lumapit sa kanya. Ngunit sa lahat ng oras ay lumalayo siya sa mga ito. Mga pagkakataong mas gusto niyang mapag-isa. Mahiyain ba siya? Hindi. Ganoon lang talaga niya pinalaki ang kanyang sarili.

Mula pagkabata ay lagi siyang mag-isa. Meron nga siyang mga magulang ngunit hindi naman niya nakikita ang mga ito. Umaalis ng maaga at tulog na siya kapag umuuwi na ang mga ito. Ibinibigay naman sa kanya ng lahat ng mga kailangan niya ngunit hindi naman iyon mahalaga. Ito ang mga kailangan niya at hindi mga material na bagay.

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon