HINDI magawang lumabas ni Alexa sa kanyang opisina. Ang isipin palang na magkakasalubong sila ni Derek ay hindi na niya kaya. Dahil na rin sa sinabi niya kagabi sa event ay naubos lahat ng lakas ng loob niyang lumabas at harapin ito. Bakit ba niya kasi nasabi ang mga bagay na iyon?
Nasa resort pa rin ito hanggang ngayon at mukhang may balak na magtagal dahil umukupa ito ng kwarto. Ang kwartong tinutuluyan nito ng pumunta ito sa resort noon. Nalaman niya iyon ng tanungin niya sa may front desk ang tungkol dito. Nagmumukha na siyang stalker sa ginagawa niya. Narinig niya ang katok sa may pintuan at pinapasok ito.
"Miss Alexa, ito na po 'yung mga papeles na pinapahanap niyo," saka inabot sa kanya ang mga papel na hawak nito.
"Thank you," sabi niya ng hindi tumitinigin dito. Nasa ibang lugar ang utak niya sa mga oras na iyon. Kahit na paulit-ulit niyang sabihing magfocus siya ay hindi niya magawa.
Kinuha niya ang binigay ng sekretarya niya sa kanya. Kung itutuon niya sa ibang bagay ang isip niya ay baka kahit papaano hindi sumagi sa isip niyang nasa resort si Derek.
"Good morning!," iyon ang agad niyang narinig ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Si Erik lang pala ito. Pinanatili niya ito sa resort dahil na kay Derek. Kailangan niya ito para mapaniwalang boyfriend niya talaga ang kanyang kaibigan.
"Mamayang lunch time pa tayo magkikita," sabi niya dito ng hindi man lang nilingon ang binata. Kung gusto niyang makalabas ay kailangan niyang tapusin ang mga trabaho niya.
"Sabi mo libre ang pag-stay ko dito pero bakit sinisingil ako?," narinig niyang pagtatampo nito. Iyon ang kondisyong binigay nito para manatili muna sa resort. Aalis na dapat ito pagkatapos ng event ngunit pinigilan niya ito.
"Ano bang sinabi mo?," tanong niya dito na hindi parin inaangat ang ulo.
"Na boyfriend ako ng may-ari ng resort."
Ibinato niya dito ang gamit-gamit niyang sign pen. Nakaupo na ito sa mga upuan sa harap ng kanyang mesa. Kung hindi ba naman kasi ito nag-iisip ay talagang walang maniniwala dito. Ang alam ng mga tao ay wala siyang pakialam sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Alam na dapat nito iyon dahil maging ito ay nasampolan na niya noon.
"Hindi talaga sila maniniwala sa'yo kung 'yon ang sinabi mo. Ba't kasi hindi mo na lang sinabi na ako ang bahala ng lahat?," saka pinaabot ang sign pen dito na binato niya.
"Dahil boyfriend mo naman talaga ako 'di ba?," tila tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari.
"Papaano si Rachel?" Ang tinutukoy niya ay ang kasalukuyang kinahuhumalingan nito. Ang babaeng dahilan kung bakit hindi ito mapakali noong event. Ang babaeng kahit na anong gawin ng kaibigan niya ay tila hindi ito nakikita.
"Balang araw pagsisisihan niyang hindi niya man lang ako tiningnan."
Natawa siya sa sinabi nito. Kung siya ay nagagawa pa niya itong sagutin noong una silang magkakilala pero iba talaga si Rachel.
Nakahanap ka na ng katapat mo friendship. Lagot ka na ngayon.
"Hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?"
"Hindi pa. "
"Hintayin na lang kitang matapos," sabi nito at saka ipinatong ang paa sa kaharap na upuan.
"Hindi patungan ng paa ang upuan, Erik," paalala niya dito. Naglabas siya ng malalim na buntong hininga. Wala na talaga siyang magagawa dito. Sobra-sobrang perwisyo ang naibibigay nito sa kanya. Binilisan niya ang pagpirma sa mga papeles at nang makalarga na sila.
Tinawag niya ang kanyang sekretarya at ibinigay dito ang mga natapos na niya. Dadalhin na lang niya ang iba pa at titingnan ang mga iyon habang kumakain sila. O mas tamang habang kumakain si Erik dahil ito lang naman ang kakain.
BINABASA MO ANG
Heartbeat
General FictionMasaya na si Alexa sa buhay niya. Ngunit dahil sa lalaking nakita niya sa may dalampasigan ay biglang nabulabog ang mundong ginagalawan niya. Ang mundong binuo niya. Pinayagan niya itong pumasok sa mundo niya sa hindi malamang kadahilanan. Naging ma...