EPISODE 2: Friendship

5 1 0
                                    

NAISIPAN ni Derek na maglakad-lakad sa may dalampasigan. Hindi mawaglit sa kanyang isipan nang makita niya ang babae sa palapag kung saan din siya tumutuloy. Ito pala ang umuukopa sa pinakamalaking kwarto sa hotel. Anong trabaho nito at ganoon na lang ang kinuha nitong kwarto?

Sa dami ng tanong niya ay tila nadaragdagan pa sa paglipas ng oras. Sobra-sobra na rin ang pag-iisip niya tungkol sa babae. Bakit nga ba gusto niya itong makilala? Sino ba talaga ito at ganoon na lang ang pagkaasam niyang makilala ito?

Napadako ang tingin niya sa palapag kung nasaan ang kwarto niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ang kwarto ng babae ang tinitingnan niya. Sa terrace ay nito ay makikita ang isang babaeng nakatayo doon. Nakasuot ito ng mahabang palda at gumagalaw sanhi ng malakas na hangin. Pinakatitigin niya ito na baka namamalikmata lang siya. Pero hindi siya nagkamali ng nakita. Isang babae ang nakatayo sa may terrace. Hindi siya sigurado kung ito ang babaeng nakita niya sa may dalampasigan dahil na rin may kadiliman ng mga oras na iyon.

Lumingon-lingon ang babae sa paligid. Naramdaman siguro nitong may nakatingin dito. Natigil ito ng mapalingon sa kinaroroonan niya. Agad itong pumasok sa kwarto nito at isinara ang pintuan ng terasa.

Sa loob-lob niya ay nahihiya siya. Pakatitigan ba naman kasi niya iyong babae. Ngayon ay baka isang stalker na ang tingin nito sa kanya.

Hindi ka na nadala. Tinakbuhan ka na nga noong una di ba?

Palihim niyang binatukan ang kanyang sarili. Napansin niyang may ibang taong nakatingin sa kanya kaya nagmadali siyang bumalik sa hotel.

Ngayon naman akala nila siraulo ka. Magtino ka nga!

Pumasok siya sa hotel para sa kwarto na lang niya kumain. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili at nawalan ng lakas ng loob na kumain sa labas. Habang padaan siya sa may reception area ay nagring ang telepono doon. Binagalan niya ang kanyang paglalakad. Narinig niyang hahatiran daw ng pagkain sa kwarto ng babae.

Mabilis niyang tinungo ang elevator para makarating sa kanyang kwarto. At doon ay tumawag siya sa restaurant na nasa loob ng hotel at nagpahatid ng pagkain. Kung suswertehin ay magkakasabay na darating ang pagkain nila ng babae.

Nagpapahangin si Alexa sa kanyang terasa. Dito ay makikita niya ang dagat pati na rin ang bundok. Dito makikita niya ang lahat ng dapat makita. Nakatayo siya sa may riles nito habang pinagmamasdan ang mga alon. Isama pa ang preskong hangin na dulot nito.

Okay na sana kung hindi lang niya naramdaman na tila may nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ay kinikilabutan siya kapag pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Hinanap niya ito para kung sakaling kilala niya ay mapapanatag ang kalooban niya.

Napatigil siya sa paghahanap ng makita ang isang lalaki sa may dalampasigan. Naalala na naman niya ang lalaking tinakbuhan niya. Pinakatitigan niya itong dahil malayo ito at nakumpirma niyang nakatingin sa gawi niya ang lalaki.

Gosh!

Nataranta siya at patakbong pumasok sa kanyang kwarto.

Na naman? Ano bang nangyayari sa'yo Alexa? Magtino ka nga.

Sumilip siya sa may bintana para tingnan ulit ang lalaki. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na niya ito makita sa paligid. Anong nangyayari sa kanya at ganoon na lang ang reaksyon niya dito?

Lumapit siya sa may lamesa para kunin ang librong binabasa niya bago siya pumunta sa terasa. Hindi siya komportable sa lugar na gusto niya ay aalis na lang siya at lumipat sa ibang lugar. Kasalanan ito nang lalaking iyon. Bakit ba kasi sa gawi pa niya ito tumingin? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar na lang ito tumingin?

Binuksan niya ang pintuan ng dumating na ang kaniyang pananghalian. Nagluluto naman siya minsan ngunit kapag nasa resort ang kanyang ina ay laging nagpapahatid ito ng pagkain sa kanyang kwarto. Kagaya na lang ngayon. Nalalaman niyang nandoon ang kanyang ina kapag umaga pa lang ay may naghatid sa kanya ng pagkain.

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon