Episode 6: Happy Heart. Happy Life

3 1 0
                                    

NAKATITIG lang si Derek sa kanya habang kumakain sila. Laging ito ang kasama niya kapag tapos na ang trabaho niya. Bumalik na ang pagkakaibiganan nilang dalawa. May mga pagkakataong naiilang pa siya dito at hindi pa niya nasasabing hindi talaga sila magsyota ni Erik. Humahanap pa siya ng tamang panahon. Tila natauhan ito sa ginagawa nito ng magring ang kanyang cellphone.

"Hello," ani niya sa kabilang linya.

"Wassup, Lexa. Sorry ngayon lang ako nakatawag. Sobrang busy dito sa opisina," agad na litany nito. Tatawagan na niya sana ito pero maging siya ay mga ibang ginagawa rin.

"I'm great. Wala ka bang ibabalita sa aking maganda?," panunukso nito dito. Sa sinabi sa kanya ni Derek na nakita nitong kasama ito ni Rachel ay may nangyari sa dalawa.

"I'm curently courting Rachel. Hindi niya ma-resist ang charm ko."

"Oh really," tila hindi makapaniwalang sabi niya dito.

"For sure na siya ang hind mo ma-resist. Hinabol mo pa nga eh," natatawang sabi niya dito. Nakita niyang nakaamasid lang si Derek sa kanya.

"Of course not. Siya nga pala, balita ko bati na kayo ni Derek."

"Saan mo naman narinig 'yan?"

"I'll tell you when I get there. Susunduin ko lang si Rachel sa kanila at diretso na kami diyan."

"Gagawin mo na namang dating spot ang resort ko. Siguraduhin mo lang na magbayad ka. Hindi na kita ililibre."

"I know. Sige, bye."

"Bye," saka pinindot ang end button.

Nakatitig pa rin si Derek sa kanya. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ni Erik kaya hindi nito alam kung sino ang kausap niya. Sa klase ng usapan nila ng binata ay siguradong magagalit ito.

Pagkatapos nilang kumain at naghiwalay na sila ng pupuntahan. Kailangan din naman niyang bumalik sa kanyang opisina. Laging sumasagi sa kanyang isipan ang pagdating ni Erik at Rachel sa resort. Ano kaya ang mangyayari oras na makita ni Derek ang dalawa.

Naghahanda na siyang umuwi ng marinig ang kaguluhan sa labas ng kanyang opisina. Tumayo siya para tingnan kung ano ang nangyayari. Inaawat ng dalawang gwardiya si Derek dahil mukhang susugurin nito si Erik na tahimik lang na nakaupo at katabi si Rachel. Makikita rin ang dugo sa gilid ng labi nito. Agad niya itong nilapitan at tinanong kung ano ang nangyari.

Biglang sumugod si Derek dito at sinuntok si Erik habang kumakain ang dalawa. Kararating lang ng mga ito sa resort at dahil nagutom si Rachel ay naisipan ng mga itong kumain muna bago magcheck-in sa hotel.

Pinakuha niya agad sa kanyang sekretarya ang first aid kit para magamot si Erik. Siya ang may kasalanan kung bakit ito nasuntok ni Derek. Mukhang alam na rin ni Rachel ang nangyayari dahil hindi man lang ito nagulat sa nangyayari.

Pinaescort niya sa mga gwardya sina Erik papuntang hotel at ipinasama na rin niya ang kanyang sekretarya para agad na makapagpahinga ang dalawa. Si Derek naman ay tahimik lang na nakaupo sa loob ng kanyang opisina.

"Gaano mo siya kamahal para hindi man lang magalit sa gagong iyon?," mapapansin na nagtitimpi ito ng galit. Ngunit dahil hindi naman siya ang kinaiinisan nito ay pinipilit nitong kalmahin ang sarili.

"I should have told you this sooner. Erik and I are not together. We're just friends." Napapikit siya sa kanyang inamin sa binata.

Umupo siya sa harapang upuan at sinundan siya nito ng tingin. Wala siyang mabasang reaksyon mula dito. Kung galit ba ito o hindi?

Tumayo si Derek at umipo sa harapan niya. Hinawakan ang magkabilang gilid ng upuan. Pinakatitigan siya ng matagal na tila minememorya ang bawat parte ng kanyang mukha. Nailang siya sa ginawa nito kaya naman ipinilig niya ang kanyang ulo sa ibang direksyon. Pero hinawakan nito ang kanyang baba at ibinalik iniharap dito.

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon