Episode 3: Good Times. Bad Times

10 1 0
                                    

TANGHALI na nang gumising si Alexa. Napasarap ang kwentuhan nila ni Derek kagabi. Hindi niya akalaing aabot sila ng ganoon katagal sa paglalaro lang ng video game. Noon lang din niya nasubukang maglaro nun at naenjoy niya ng sobra.

Agad siyang bumangon para magluto ng makakain. Walang nagdeliver ng pagkain kaya naman ibig sabihin ay magluluto siya. Inilabas niya ang karne mula sa ref at pinalambot ito. Magluluto siya ng adobo. Sa totoo lang ay hindi siya mahilig magluto. Pare-pareho ang putaheng niluluto niya. At sinisigurado niyang madali lang itong lutuin.

Narinig niyang tumunog ang kanyang doorbell habang nagbabalat ng patatas na ilalagay sa niluluto niya. Agad niya itong binuksan ang pintuan ng makitang si Derek ang nakita niya doon. Agad din siyang bumalik sa kusina at sumunod ito sa kanya. Umupo agad ito sa bar stool at pinanonood siyang magluto.

"Anong niluluto mo?" pang-uusisa nito.

"Adobo," tipid niyang sagot ng hindi ito tinitingnan man lang. Kailangan niyang magpokus sa kanyang niluluto.

"Masarap ba 'yan?," tanong ulit nito.

"Pwede na."

"Wala pa bang namamatay diyan?"

Parang may mali sa narinig niya. Napatigil siya sa paghiwa ng mga patatas at tiningala ito.

"Joke ba 'yun?" balik na tanong niya dito.

"Seryoso ako. Wala pa talagang namatay?" tanong ulit nito sa kanya.

"Gusto mong ikaw ang una?"

"Busog pa ako."

"Tumahimik ka muna. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko," marahang utos niya dito. Pagkakulo ng karne na naunang nilagyan na niya ng pampalasa ay isinunod naman niya ang patatas na ilagay. Hihintayin na lang niyang maluto ang patatas bago alisin sa kalan.

Sinundan niya ng tingin si Derek ng tumayo ito at kumuha ng pinggan pati kutsara't tinidor. Kumuha na rin ito ng kanin sa rice cooker. Umayos ito ng upo sa harap niya na ang tanging nasa pagitan nila ay ang marmol na nakapaligid sa kusina niya. Dahil mag-isa lang naman siya ay hindi na siya naglagay ng lamesa. Tanging bar stool lang ang nilagay.

"Anong ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Kakain. Bawal?"

"Hindi ba busog ka na? Alis na."

"Gustom pa ako. Hindi ako nabusog dun sa inorder kong pagkain."

Ads by OffersWizardAd Options


Ads by OffersWizardAd Options


"Bahala ka. Kapag namatay ka huwag mo akong sisihin," sabi niya dito na may halong pagbibiro sa boses. Habang hinihintay na maluto ang niluluto niya ay tinungo niya ang bintana at tumingin sa labas. Inilibot ang paningin sa paligid. Madalas ay giangawa din niyang magmasid sa labas. Itinatala sa ang lahat ng mga nakikita niyang maaring makapagpaganda sa . Halos lahat ng nasa na iyon ay nagawa na sa resort.

"Anong tinitingnan mo diyan?" tanong nito na malapit sa kanyang tenga. Hindi niya kayang lingunin ito dahil nasa likod lang niya ang binata.

"Nothing," at lumayo na siya dito para tingnan ang niluluto.

"May napapansin lang ako." Sumunod ito sa kanya.

"Ano 'yon?"

"Lagi kang nasa binata. May inaabangan ka ba?"

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon