CHAPTER 3:

174 7 7
                                    

Hi! Welcome to another chapter.

FLORENCE'S POV.

"Hindi ba pwedeng layuan mo ako? Kanina ka pa nagbabantay sa gilid ko pero hindi mo man lang tinitignan yung iba na nakaupo nalang?!" Inis na sabi ko dahil kanina pa ako binabantayan ng President ngunit wala man lang emosyon sa mukha nito.

"Shut up. Just do your task." Malamig nyang tugon. Umirap ako sa hangin dahil sa inis. Hindi ko alam kung bakit kailangan ay bantay sarado ako nito.

Tsk.

"Florence Ezikiel Chloros.."
Agad akong napataas ng tingin sa nakatayo nyang bulto ng tinawag niya ang buong pangalan ko.

"What?" I asked. Tumingin siya saakin at napakalamig ng titig nito.

"Nice name." seryosong sabi niya.

Ano bang problema ng lalaking to?

"Excuse me ah, Mr. President. Alam mo bang pwede kitang ireklamo? Eh stalking na ata tong ginagawa mo." Nakataas na kilay kong sabi. Natawa ito at inismidan ako.

"Me? Irereklamo mo ako? Kanino? Sa head mistress? I think you're joking. Ako ang naatasan para asikasuhin ang mga taong may bad feedbacks about sa students at sa school. At masyado kang assuming, iniisa isa ko ang mga estudyante dahil kailangan kong ilagay sa observation file ang performance ng bawat isa sainyo." Taas kilay niyang sabi. Para akong binuhusan ng tubig dahil sa kahihiyan.

Ang assuming ko naman kasi!

"Okay." Puno ng sarkasmo kong sabi at saka nagpatuloy sa pag pupull up sa hanging bars. Nangangawit na ang likod ko at hindi ko na alam kung namamanhid na ba ang braso ko.

"Kanina ka pa nasa hanging bar, bat hindi ka lumipat?" Tanong nanaman ng president. Napaka kulit talaga ng lalaking ito. Nakakainis na.

"Lumayo ka nga sakin. Wala akong panahong makipag usap sa mga kagaya mo." Malamig kong sabi sakanya.

"Cant you even show me some respect? You're a newbie here and you're not even respecting your senior." seryoso sabi niya habang pinupunit  ang kung ano sa observation file na nakapangalan sakin.

"Bakit ba ang hilig nyong gamitin laban samin ang salitang 'newbie'. Everyone should be treat here fairly!" Padabog kong sabi.

"Ms. Chloros. Wala ka pang alam tungkol sa paaralang ito. Mapapahamak ka kung papairalin mo ang pagiging mataray mo." Banta nito saakin. natigilan ako sa sinabi nito pero pinagsawalang bahala ko na iyon.

"Here," sabi niya at iniabot saakin ang papel na pinunit niya. "Reflect to yourself and better luck next time." sambit nito at saka naglakad paalis sa harap ko. Nang tignan ko ang papel ay nanlaki ang mata ko nang makitang naka ekis lahat ng nasa performance task ko.

Fuck!

"PRESIDENT!" Sigaw ko mula sa malayo. Alam kong naririnig ako nito ngunit hindi ito lumingon at nagtuloy tuloy na paalis ng gymnasium.

Ano bang atraso ko sa lalaking yon at lagi nalang ako pinupuntirya?!

"Hi Ms. Chloros," tawag saakin ng kung sino. Nanaman. Nakakainis na.

"Ano nanaman?!"  Sigaw ko dahil sa inis. Akala ko ay ang President nanaman ito ngunit nagkamali ako. nanlaki ang mata nito at iniharang sa harap niya ang dalawang kamay.

"Chill.. you're far too wild for a lady," sabi ng Vice President. Bumuntong hininga nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sorry, nadala lang. ano bang kailangan mo?" Agad na tanong ko dito. Mahina itong natawa at umupo sa harap ko dahil nandoon ang bench.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

God's AcademiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon