Kabanata 37

52 7 0
                                    

Chapter 37

Forgive



"Are you proposing to me right now?" Mahina akong tumawa habang patuloy kong pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi.


Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay muli niya akong niyakap ng mahigpit. Oh god, this man really cried for me! Making me question myself again what I did to even deserve him.


Ever since I got engaged in those romantic stuff, I never envisioned myself that a too-good-to-be-true man like Isagani would be my boyfriend. Ang akala ko ay ang nababagay lamang sa akin ay 'yong mga may ugaling katulad ko lamang. Hindi pala. That a person who has the opposite character of you would make you believe that love has no boundaries.


Kahit sino ay pwede mong mahalin at pwede kang mahalin.


Falling in love with Isagani was really unexpected. Hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako sa kaniya at wala sa mga plano ko 'yon. Yeah, I can admit that he is attractive, but his attitude before turned me off.


But, once you fall in love with this certain person. Walang pangit sa kaniya, magiging perpekto siya sa paningin mo.


Para sa akin, perpekto si Isagani. He is the perfect piece that would complete the remaining space in my life. Siya lamang ang tanging makakabuo nito.


Naramdaman ko ang mabagal at may diin niyang paghalik sa aking noo at sabay bigkas ng mga salitang hindi ako magsasawang pakinggan paulit ulit.


"I love you."





"Kaya ko ba 'to, Isagani?" Panglima kong tanong sa lalaking abala sa pagmamaneho habang nakahawak ang isang kamay sa akin.


Magmula nang magbyahe kami ay hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Ngayong araw kasi kami nagpasyang bumisita sa Buenavista upang makausap si Tita Anna at makapamasyal na rin. Kanina pa ginugulo ng mga 'paano kung' ang aking isipan.


Paano kung ngayon ay hindi na pabor si Tita Anna sa akin para sa kaniyang anak? Anong dapat kong gawin? Hindi naman ako papayag na basta na lamang sukuan ang lalaki.


We've faced a lot of challenges, and we won't let this one to once again ruin everything we've built as a couple. Kung may paraan man upang muling maayos ang relasyon namin ni Tita Anna ay hindi ako magdadalawang-isip na gawin ito.


Marahan niyang pinisil ang aking kamay, "You don't need to worry about it. In fact, nanay's really excited to see you again."


That made me somehow feel at ease, but I can still stop thinking of how to apologise for what my family and I caused to them. Malamang ay hindi lamang ang negosyo nila ang naapektuhan at pati na rin ang mga sarili nila. I can still remember what Catalina said about Tita Anna's worry when that issue occurred. I can't imagine how her genuine face would turn into a stressful one.


Sa buong tatlong oras naming byahe ay malalim lamang ang pag-iisip ko habang tinatanglaw ang bawat kapaligiran sa likod ng mga bintana ng sasakyan. Tsaka lamang bumalik ang kabang nararamdaman ko nang lumiko ang SUV sa isang makalumang bahay na may malawak na bakuran sa unahan.

Fall Into His Waves (Morfia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon