Kabanata 05

251 12 0
                                    

"LESBIAN KA?" Bumilis ang naging pagtahip ng dibdib ko nang tanungin 'yon.

"Weird ba?" Sumandal siya sa backrest ng kinauupuan at ininom ang baso ng juice sa ibabaw ng lamesa.

"H-hindi." Umiwas ako ng tingin. Kinakabahan kasi ako nang sobra.

"Sanay ka pala sa presence namin?" Nanatili ang mga mata niya sa akin na parang hinihintay ang reaksiyon ko.

"Hindi naman kayo masamang tao, ah?" Tayo. "Okay na ngayon ang reputation ng mga nasa community. Hindi gaya noon na mapapatago talaga."

Hindi na tuloy ako makatingin nang diretso sa kaniya. Alam kong hinuhuli niya ang mga mata ko dahil may gusto siyang malaman.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ang namamangha niyang pagngiti sa akin.

"Tama," sagot niya.

"Ang cool kaya ng lesbians." Pasimple kong kinagat ang sariling labi.

Ang weird kasi unang beses kong magtago sa kauri ko—lalo na ngayong out na ako at tanggap na ang sarili. Sigurado akong hindi dahil nahihiya ako sa sexuality ko kaya gusto kong magtago. Iba ang rason at mas mababaw pero hindi ko maamin.

"Tingin mo?"

"Oo, may ang fashion sense karamihan sa kanila. Unique. Ikaw gano'n din. Kung hindi ka nagmumukhang photographer kakahawak mo ng camera iisipin kong model ka."

"Sobra naman 'yan!" Pinigil niya ang pagtawa.

"Deserve mong malaman na nakakabusog sa mata tingnan ka."

"Nakakabusog?" Hindi niya na napigilang humalakhak. Mukhang totoo ang sinabi niyang little happiness niya ako. "Grabe ang terms mo, nakakabaliw."

"Totoo!" sabi ko. "Halata tuloy na pinapanood kita. Kung show ka baka favorite show na kita. Kayang-kaya ko nga yatang gumawa ng libro na puro description lang tungkol sa 'yo, e."

"Naks, may novel kang plano? Balak mo bang gawing fiction 'yan tapos ako ang lead kahit nag-e-exist ako sa totoong buhay?"

"Dini-describe ko lang kung gaano ako natutuwa sa existence mo," pagtatanggol ko sa sarili. "Pero magandang idea 'yan, malay mo bumenta."

"'Di ba?" pagsang-ayon niya. "Para malaman natin parinig ng narration. Sample nga po, Madam?"

Huminto ako sandali para mag-isip, sineryoso ang request niya. Kailangan kong patunayan na sincere ako.

"Gaya ng tawa mo..." Doon na nagtama ang mga mata namin.

Mula sa nakangiti niyang labi, nauwi 'yon sa pagiging seryoso habang hinihintay ang sagot ko. Nanatili ang munting saya sa mga mata niya.

"Masarap sa tenga," dugtong ko. Marahan kong kinagat ang labi dahil sa tensiyon bago nagpatuloy. "At 'yang buhok mo, gusto kong hawakan kasi ang lambot sa paningin ko."

Pilya siyang ngumisi sa akin. "Ang weird ng part na 'yan, Madam."

Nagkibit-balikat ako pero mas piniling sundan iyon. "Matangos ang ilong mo at maganda ka kapag ngumingiti. Ang ganda ng posture at lakad mo, confident tingnan pero hindi nagmumukhang mayabang. Ang mga mata mo—"

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon