Kabanata 09

168 7 0
                                    

"LALIM," biro ko.

"Mas malalim dito?" tukoy niya sa dagat.

"Palalim nang palalim." Niyakap ko ang sarili at pinanood ang bangka na halos butil na lang sa paningin namin.

Marahan niyang binunggo ang braso ko. "Sagutin mo na! Hindi ko ipagkakalat kung hindi ka pa move on, promise!"

Umiling ako sa sarili. "Akala ko past lang namin ang pag-uusapan? Papunta na tayo sa present, ah?"

"Bakit? Bad ba 'yon?"

Bad ba 'yon.

Ang cute talaga.

"Hindi pero kadalasan kasi kapag pang present ang tanong tungkol sa 'min hindi ko alam ang isasagot. Siguro, dahil hindi ko na siya nakakausap."

"Paanong hindi na? Sa social media, hindi?"

"Hindi," sagot ko.

"Naka-block?"

Umiling ako. "Dati."

"Ba't mo in-unblock?"

Pinagdikit ko ang labi.

Kapag nalaman siguro ni Kim 'yon, iisipin niyang hindi pa ako move on.

"'Yong features kasi na 'yan sa social media platforms pakiramdam ko cage."

"Safety 'yon para sa iba," sabi niya.

"Hindi ko ini-invalidate. Ganiyan din ako, namba-block kapag feeling ko harmful 'yong accounts pero kasi..."

Nanatili ang paningin niya sa akin.

Nagpatuloy ako. "I mean, 'yong mga tao na naging parte ng daily life ko at nagkaroon ng conflicts kaya ko blinock, para hindi ko na sila makita o makaiwas ako at hindi na masaktan, or vice-versa, para hindi ko na sila masaktan."

Umawang ang labi niya.

"Bakit?" ani ko.

"Wala, wow lang. Very reasonable ka palagi."

"Ikaw rin kaya."

"Sorry, atin."

Natawa kami parehas.

"So, alin 'yong sa inyo ng ex mo roon?" tanong niya. "Para hindi ka na masaktan o hindi mo na siya masaktan?"

"Both."

"Paanong both?" Nagsalubong ang mga kilay niya, seryoso sa pang-uusisa.

"Noong fresh pa 'yong break up, hindi ko kayang makita mydays, posts, at tweets niya kaya blinock ko. Naaawa na rin ako sa sarili ko noon, e."

Hindi siya nagsalita pero unti-unting nagbago ang ekspresiyon niya.

"Lagi ko kasing naiisip na masaya siya kasama ang friends niya tapos nagpapakalasing. Minsan nakikita kong namumugto mga mata niya sa posts, pero may pagka-immature ako dati. Naiinis ako 'pag nakikita na parang nagpipilit lang siya na maging masaya at pinapakitang may nagbago sa kaniya."

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon