Kabanata 10

181 5 1
                                    

"HINDI NA..." Tinanggihan ko ang t-shirt na inabot niya nang makaahon kami nang tuluyang dumilim. "Malapit lang ako, mas kailangan mo 'yan. Saan ka ba nag-i-stay?"

Umiling siya at pilit na inabot 'yon sa akin.

"Sabay lang tayong papasok sa resort, kaya isuot mo na 'yan."

Nagparte ang labi ko. "Guest ka rin?"

Tinabingi niya ang kaniyang ulo. "Parang gan'on?"

"So, saan ka nga?"

"Same lodge mo?"

"Ha?" Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Libre lang 'yong room ko." Sinuot niya ang polo na kinuha niya sa pinag-iwanan namin kanina. "Ang work ko kasi ngayon, i-feature ang resort ng family ni Kim sa blogs ko."

Literal na nalaglag ang panga ko. "So, ikaw ang writer?" tanong ko.

"Culprit, 'di ba?" Natawa siya.

Nanatili akong namamanghang nakatingin sa kaniya.

"Nagta-travel ako pero kadalasan sa Pilipinas lang, tapos magsusulat ng review ng mga lugar na napuntahan ko at mga pagkaing gusto nilang i-feature. Ibang case lang 'to. Sabi ko pabalik-balik ako, 'di ba?"

"B-bakit?" tanong ko.

"Hindi pa tapos 'yong blog, e. Hindi ko pa napa-publish sa website. Actually, hindi ko ma-publish kasi nakukulangan ako."

"'Yong pictures..."

Ngumisi siya. "Yep, documentary purposes."

Naiwan sa utak ko ang isang tanong. Siguro, natural lang naman na masali ako sa shots niya.

"Tara na?" tanong niya.

"W-wait." Mula sa pagtingin sa buhanginan, tiningnan ko siya. "Kilala mo... I mean... si Kim."

Umasta siyang nahihiya. "Kilala ko."

Mahina akong napamura.

Hinanap ko siya kay Kim.

Siguradong aasarin ako ng pinsan ko kapag nalaman niyang si Cyd ang hinahanap ko kanina.

"May problema ba?"

"W-wala." Nagpanggap akong natatawa. "Gulat at amazed lang."

Tumango siya nang may naudlot na ngiti sa labi.

"Baka i-publish mo ang pictures ko, ha? May earnings kaya 'yan? Dapat may share ako, ha." Tumawa ako kahit malayo sa saya ang nararamdaman.

Pilit siyang natawa. "Hindi ko ilalagay kung ayaw mo?" Nahalata niya yata 'yon. "Kung uncomfy ka—no hard feelings—hindi ko babalakin." Hindi siya tunog galit kundi nag-aalala.

"Kaso lang kahit umayaw ako kapag nalaman ni Kim, walang bisa ang opinyon ko. Ipapalagay niya pa rin 'yan."

"Tumitiklop ka sa pinsan mo, 'no?"

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon