hi, this is tearsarcsm!

235 9 5
                                    

KUMUSTA?

Oktubre 1, 2022 noong maisip ko ang unang senaryo ng kuwento.

Sa unang kabanata, nagkita ang dalawang bida. Naroon ang pakiramdam ng pagiging misteryoso sa isa't isa habang sinusubukan ni Ericka na kilalanin si Cyd. Nasundan 'yon ng pag-uusap nila na para bang matagal na ang kanilang pinagsamahan.

I like it, strangerxstranger trope.

The idea of having someone to talk to. Hindi ka kilala at hindi ka mahuhusgahan. Malaya kang makakapagkuwento dahil walang sino mang nakaugnay sa inyo.

Gusto kong naroon ang pakiramdam na 'yon.

Hanggang sa ilang ulit kong ni-revise ang kuwento at nagtala ako ng iba't ibang wakas.

Alin ba ang realistic? Kung nangyari sa totoong buhay ang Takas, ano kayang kahahantungan ng kuwento?

Kaya sa walong buwan na proseso ng pagsulat na nagsimula noong Oktubre at nagtapos ngayong Mayo, naging pabago-bago ang aking desisyon kung ilalabas ko ang kuwento—o ibabasura na lang.

Buwan ng Marso noong naisipan kong ibasura ang kuwento, ngunit sa pagtatapos ng Abril may kung anong tumulak sa akin para ipagpatuloy ang pagsusulat.

Sa loob ng isang buwan, natapos ko ang Takas.


Parte ng consciousness ko sa mga bagay-bagay sina Ericka at Cyd, kung saan pinagalaw ko sila nang nakaayon sa aking puso (Ericka) at utak (Cyd) pagdating sa mga paksang kanilang pinag-usapan, walang katotohanan.

Ito ang unang beses kong magsulat nang puro usapan at tanungan ang laman na parang may sarili silang buhay at pinapanood ko lang sila, hinahayaang sila ang magsulat ng kuwento.

Marami akong mga salita at pangyayari na nilagay bilang simbolo kaya mas maganda kung babasahin nang mas maigi ang kuwento, pero salamat pa rin sa mga nagbasa kahit hindi na 'yon napagtuunan ng pansin.

This story should feel light. I hope it did. This will be the lightest out of all the stories I wrote. I hope this story made you feel the want to voice out your stories together with Ericka and Cyd.

Hanggang sa muli,
Aking Mga Kayamanan!

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon