SIMULA

61 3 2
                                    

Simula

MAAGA pa lang kaharap ko na ang screen ng laptop. Tinitignan lahat ng nakuhanan kong litrato kagabi. Mabuti nalang at pinapasalamat ko 'yon na hindi masyadong engrande ang event ang napuntahan ko. Mga around three in the morning na rin akong nakauwi rito sa apartment galing sa isang event at ilang oras lang ang tulog. Ngayon ay panibagong pagsubok na naman ang aking kakaharapin.
Pakiramdam ko ay bangag na bangag ako sa ngayong araw na 'to.
Napahikab ako... and suddenly my phone rang. Tumayo ako and looked at who was on the screen.

Si Kiesha lang pala isa sa mga kababata ko sa probinsya.

"Hello," sagot ko.

"Beeees!" bungad niyang sigaw sa kabilang linya. Nailayo ko naman agad ang cellphone sa tenga ko.

"Aga ah, napatawag ka?"

"Hindi na ba pwedeng tumawag?" tanong naman niya. I smiled... Dahil alam kong kahit na sa cellphone lang kami naguusap ay nakabusangot na 'to. Nakakapag-usap rin kami sa videocall kahit na busy ako.

"Hindi naman... himala at di ka gumamit ng messenger ngayon."

She laughed.

"May ginagawa ako," pabulong niyang sinabi.

I sighed.

"May ginagawa ka pala, bat ka tumawag?"

"Hayyyys! Napatawag ako dahil dumalaw ako sainyo kagabi."

"Bakit?"

"Hindi ka makontak ng kapatid mo kagabi. Kaya ako yung tinawagan at pinapunta doon."

Naglakad ako pabalik sa kinakaroonan ko kanina. Umupo at humarap ulit sa screen ng laptop.

"Ano ba ang nanyare?" I asked. Saglit lang ay tumayo na naman uli ako at bumaba papuntang kusina para magtitimpla ng kape.
Lahat ng kailangan kong sangkap ay andoon na. Kapag trip ko mag gatas ay andoon na rin ang gatas. Kompleto ang gamit ng kusina hindi yun nauubusan dahil isa yan sa kasiyahan ko. Kumuha na ako ng tasa sa lagayan at nagsimula ng magtimpla.

May mga sinasabi pa siya but I didn't hear it.

"Dalaga na ang baby niyo!!!" aniya na parang kinikilig.

Napatigil ako sa paghahalo at kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Ayon... period things you know." natatawa niyang sagot.

Ngumiti ako ng abot tenga at napabuntonghininga.

"Talaga? Akala ko kung ano na..." natatawa kong sinabi.

"Umiiyak pa siya n'ong tinawagan ako. Antok na antok na ako n'on. Pahiga na ako sa higaan ko ng bigla siyang tumawag. Sinagot ko naman ang tawag niya tas sabay sabi sa kabilang linya na... Ate may dugo, may dugo." kwento naman niya tas pa tawa tawa pa.

"E anong sabi mo?" natatawa ko namang tanong.

"Well... syempre... tinanong ko kung saan ang dugo. Sinagot naman niya sakin kung saan.. Tapos iyak na ng iyak. Ayaw naman niyang sabihin sa Lola niyo. Nahihiya raw siya hahahahaha."

Natawa rin ako pero I don't feel like talking right now. Dahil hindi ang pakikipag-usap ang routine ko lalo na't kulang ako sa tulog.

"Salamat ah... Kapag nakita mo siya, sabihin mo tatawag ako mamaya."

"Okay, dokie! Madarm!"

"Sige," puputulin ko na sana ang linya ngunit muli siyang nagsalita. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

Even If My Heart Would BreakWhere stories live. Discover now