KABANATA 1

47 3 5
                                    

Kabanata 1

Baril

Alas nuebe palang ng umaga ay niyayaya agad kami ni Ella at Gladys sa Mall. Hihintayin na lang nila kami ni Archie sa harap ng entrance. Pinauna ko na sila roon at mag ikot-ikot muna sila dahil tulog pa si Archie ng pumunta sila dito sa bahay. Napuyat sa kaiiyak kagabi sa kakahanap sa nanay. Maging ako... ay napuyat sa pagtatahan sa kanya. Until now... hindi pa tumatawag ang nanay at kahit text man lang. I tried to call her several times pero hindi niya sinasagot. Maging reply sa text ko sa kanya na may pupuntahan kami ay wala rin akong nakuhang reply.

Napabuntonghininga ako at saka lumingon sa katabi kong batang tulog.

Tumayo na ako para magluto ng agahan. Pag bukas ko palang ng pinto ay biglang nagsalita si Archie.
Lumingon ako sa kanya.

"Tita," aniyang kinukusot ang mata.
Lumapit ako sa pwesto niya at naupo sa gilid ng kama.

"I'm sorry," sambit niyang naiiyak na naman.

Hinaplos ko ang buhok niya.
"Hussh! It's okay... Don't say sorry... binilin ka sa akin ni Mommy, to take care of you."

Tumayo siya sa kama at saka niya ako niyakap sa leeg.

"Tara na sa kitchen? Magluluto ako ng breakfast," saad ko. Naramdaman ko siyang tumango. Kinalas niya ang pag kayakap sa leeg ko saka siya tumalon mula sa kama. Pinanood ko siyang sinuot ang kanyang pares na tsinelas.

Pagkababa namin dumiretsyo na kami ng kusina. Mabuti na lang at nakapag pakulo ako ng mainit na tubig kagabi para pagtimpalahan siya ng gatas.

Pinaupo ko muna siya at saka ko binigay ang natimplahang gatas.
Kinuha ko muna ang laptop ko at binuksan ito at hayaan ko muna siyang manood ng cartoons para hindi siya mainip.
Mayamaya ay nagprito na lang ako ng nuggets, hotdog at spam... Hindi na ako nagluto ng kanin dahil makailang tunog na ang cellphone ko dahil paniguradong nagaantay na talaga ang dalawa.
Nang nakapagluto na ako ay nilapag ko na sa lamesa ang mga prinito ko saka ako kumuha ng plato at tinidor saka nilagyan na ito ng kakainin ni Archie.
Nilapag ko sa harap niya ang pagkain at saka umupo ako sa tapat niya.

"Let's eat na." sambit kong ikinalingon niya sa akin.

"Thank you, tita." ngumiti ako.

Tinuhog na niya ang nuggets na nasa plato saka niya kinagat 'yon.

Pinapatay na niya sa akin ang laptop para daw makakain siya ng maayos.

Mayamaya ay natapos na kaming kumain. Pinauna ko nang maligo si Archie. Sabi niya ay kaya na niyang maligo mag isa kaya pinabayaan ko na lang.
Niligpit ko na ang nagamit namin saka ko ito hinugasan.

"Titaaaa!" sigaw niya sa loob ng banyo.

"Yes?"

"I'm dooooone!" sigaw niya ulit.

"Okay," kinuha ko 'yong sarili niyang tuwalya. "Here!" Sisilipin ko na sana siya sa likod ng pinto at iabot sa kanya ang tuwalya...

"Close your eyes tita and don't peek."

Aba' t?

"Paano kita bibihisan niyan?"

"I'm a big boy na po."

"But... you are still baby," sambit ko.

"No. I'm a big boy na po."

Okay fine. Sorry makulit lang.

Napabuntonghininga ako.

Lumabas siyang nakatapis sa buong katawan niya ang tuwalya saka siya tumingala sa akin.

Even If My Heart Would BreakWhere stories live. Discover now