Ace Pov.
Hay sa wakas nakauwi na rin ng bahay pero kailangan pa rin mag ingat dahil sariwa pa yung sugat sa loob pero masaya na atleast nasa bahay na ako .
Hala si insan dito pala natulog mukang pagod ah.
Makapag luto na nga.hindi ako marunong magluto pero madali lang naman mag luto ng pancake saka basa basa din ng instruction.Natapos din.
"Shiela shiela gising na! kain na tayo."Hirap naman gisingin nito teka maka kuha nga ng kaldero.
Pang! pang!
"Ano bang ingay yon!?"
hahaha nagising din."Shiela kain na tayo."Mukang mangangain hala.
"Ikaw insan ha." dahan dahan syang lumapit.
sabay kiniliti ako.
"Ahhhhh shiela yung sugat ko!" para akong kinurot sa loob ng katawan ko grabeh sakit.
"Ay insan sorry nakalimutan ko"
"Ok lang" naalala ko tuloy nung bata pa kami ako laging gumigising sa kanya gamit kaldero at maiinis sya at kikilitiin ako.
"insan sorry talaga nawala sa isip ko na may sugat ka papala sa likod"
"Tara kain na nga tayo" Medyo masakit pa din nahirapan tuloy ako mag lakad.
Umupo na kami sa hapag kainan .
"Insan bakit ganto ikaw ba nag luto?"
"Oo eh pero masarap yan"
Kumuha na kami ng tag isang pancake mukang nandidiri sya. eh hindi naman kasi talaga ako marunong eh si mama kasi wala sa bahay dalawa lang kami ni insan.
"Ano bato insan sunog yung ilalim hilaw yung ibabaw .yuck! ayoko na nito insan." Ano ba naman kasi wala sa instruction na kung ilang minuto bago baliktarin.
biglang may kumatok
"Shiela ikaw na mag bukas"
Binuksan ni shiela yung pinto .
"Ahhhh K.J. ikaw pala tara pasok""Shiela kilala mo sya" Pano nya yun nakilala.
"Nung tatlong araw kang tulog sa hospital dumadalaw sya sayo nun at dun ko sya nakilala. Ang Bait nga nya eh. " Wow ha kasundo kagad sa bagay mabait naman talaga si K.J.
"Ace kamusta kana ito pala oh pag kain baka kasi magutom ka nag text kasi yung mama mo na hindi sya makakauwi galing trabaho kailangan ata mag bawe sa mga absent nya nung nag bantay sayo" Pati si mama kilala na din sya.Wow bilib na talaga ako kay k.j. ah.
"Salamat K.j. nag abala ka pa nag luto naman ako eh. "
"Kadiri kaya insan!"
"Mukang masarap naman ah.teka may gagawin ako"Kumuha sya ng kutsilyo at hiniwa hiwa nya yung mga sunog na parte.
"Hoy shiela inubos mo na yung pag kain ko!"
"Ace ok na" Tinikman nya yung pancake with smile pa
"K.j. yuck kinain mo yung luto ni insan " Ang ano naman nito ni shiela.
"Masarap kaya. Tikman mo Ace. subuan kita" Hala nakakahiya
"Ako na K.j. kaya ko naman kumain"Nakakahiya naman kung susubuan pa ako hindi naman ako lumpo.
"Hindi gusto ko subuan kita eh."Kulit naman nito
"Kaya ko na nga po" Buti pa si shiela relax habang kinakain yung pag kain ko.
"Isa Ace pag di ka nag pa subo mag tatampo ako" Hay naku kulit
"Oo na baka umiyak ka pa.hehe"
Sinubo nya sakin yung pancake. Wow sarap nga ."Sarap nga. Ikaw naman subuan ko.Hahaha.Bawal humindi mag tatampo ako"
"Oo na lang"
"Ayieeeeee si insan Sweet.hahaha"
hindi naman ako apektado sa tingin ko nawala ngayong araw ang oag katorpe ko Minsan lang kaya to sa history ng Torpe.Hahaha. Minsan kung enjoy hindi namin napapansin ang hiya at nadadaan namin sa biro.(A/N Now you Know. hehehe )
Natapos din kami kumain
"Shiela pano bayan tapos na tayo kumain sino kaya mag huhugas.Si K.j. bisita ako masakit tagiliran ko" Parinig pa more hahaha
"Oo na insan ako na ,ako na!" Wala naman talaga un magagawa.
Total mukang masaya naman ako ngayon lubos lubusin ko na.Yayaan ko na lang sa mag movie Marathon.
"K.J. gusto mo mag movie Marathon tayo?" with puppy eyes hahaha.
"Sige okay lang ." Yes ayus ano kaya maganda.
HMmmmmm Yun Comedy"Shiela tapos kana ba dyan tara nuod tayo ng movie." Sigaw ko
"Sige lang insan mag cocomputer ako sa taas mamaya kayo na lang manuod dyan."Sigaw dim nya habang nag huhugus ng pinag kainan namin.
Nag simula ng yung palabas at syempre Comedy kaya tawa kami ng tawa.
Habang na tawa si K.J. napatingin ako sa mukha nya.
Ang Cute nya pala pag natawa yung tipong parang walang problema sa mundo.
Yung mga mata maamo,Yung Labi nya parang."Hoy Ace bakit ka nakatingin sakin?" tanong nya habang nakangiti.
"Ha? a-anong tinitignan ka dyan.Hinahanap ko yung unan nandyan lang pala sa tabi mo."
Palusot.Com.Ph nanaman tuloy ako."So unan tinitignan mo?" mukang alam naman nya sya tinitignan ko.
"Oo na ikaw na tinitignan ko"
"Bakit mo naman ako tinitignan?" Ang kulit naman nitong babaeng to.Masabi na nga lang nang matapos na.
Sasusunod papatanggal ko na tong matang to e tingin ng tingin kung saan saan."Wala Cute kasi yung mukha mo yun lang Period." Para di na mangulit.
"Thank you.hihihi." sabay yakap sa braso ko.
Hala ka my heart.
Tug tug,tug tug,tug tug,
Hinayaan ko na lang sya sa pwesto nga hanggang sa matapos yung palabas.Nakatulog na pala sya sa braso ko.
Ang amo talaga ng mukha nya."Kung ikaw lang sana yung naging girlfriend ko suguro araw araw mo akong pasasayahin.Kung pwede lang sana.Basta ang alam ko lang Pinasaya mo ako ngayon."Bulong ko habang natutulog sya.
Binuhat ko na sya papuntang kwarto.
Opss syempre hindi kami mag katabi noh.dun ako matutulog sa kwarto ni Mama habang nandun sya sa kwarto ko.End of Chapter 13
--------------------
Grabeh ang tagal ko rin di nakapag update.
Busy kasi eh.Sana tuloy tuloy pa rin po yung pag babasa nyo.
BINABASA MO ANG
Torpe Love Story
Novela JuvenilIsang Love story ng Isang torpe Pano nga ba mainlove ang Torpe? Pano Masaktan? Paano mainlove ulit? Pano Maging kaibigan? Pano Maging Boyfriend? Kung sa totoo lang Torpe ang pinaka magulong love story . Kaya subaybayan nyo ang istoryang ito an...