Nag-angat lang ako ng ulo nang marinig kong tapos na silang mag-usap ng mama niya. Nakita ko itong paakyat na ng hagdan, tindig at malalakas ang yabag ng kaniyang paa.
Psh. Tama bang paniwalaan ko ang first impression last? Kasi sa totoo lang, hindi maganda ang kutob ko sa kaniya. Don't get me wrong, ayoko lang sa nararamdaman ko.
Huminga ako nang malalim kasabay nang pagtatapos ng usapan nina nanay at Tita Carmen— iyon na lang daw ang itawag ko since dito na rin naman kami titira.
Ayoko sana sa ganitong desisyon ni nanay. Mas gusto ko pa kasi ang umuwi na lang kami sa probinsya at doon na tumira, ngunit wala naman na akong magagawa.
Inihatid kami ni Tita Carmen sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang napakaraming pinto, nagmukha iyong hotel na madalas kong makita sa mga movies.
Wow, tunay ngang napakarangya ng pamumuhay nila rito sa Maynila. Ibang-iba sa nakagisnan ko noong buhay sa probinsya.
Habang naglalakad sa hallway ay panay ang libot ko ng tingin sa mga kwartong nadaraanan namin, hanggang sa huminto kami sa isang pinto. May katapat pa iyong isang pinto na medyo may kalakihan.
"Hija, diyan ang magiging kwarto mo, okay." Pahayag ni Tita Carmen na siyang ikinalingon ko.
"Sa akin lang po? Paano po si Inay?"
Kung ako lang ang matutulog sa kwartong iyan ay baka hindi ko kayanin. Hindi ko kasi kayang mag-isa kapag natutulog, dapat lagi kong katabi si inay sa isang higaan.
Nasanay na ako sa ganoong gawain dahil pakiramdam ko ay safe ako kapag kayakap ko si inay. Lalo na't magmumulat ako sa umaga na siya ang unang mabubungaran ko.
Kahit na sa ganitong edad ko ay hindi ko pa rin maialis-alis ang mga pangbatang-gawain ko. Nasanay na kasi ako sa mga bagay na nakagisnan ko noong bata pa ako dahil sa totoo lang, parang si inay na ang buhay ko.
"Magkaiba kayo ng kwarto, hija. Doon siya sa kabila, katabi lang ng kwarto mo."
Napatingin ako kay inay at tiningnan siya nang nagmamakaawa na sana ay ma-gets niya at hindi siya pumayag sa gustong mangyari ni Tita Carmen.
Alam ni nanay kung gaano ko kagustong matulog kasama siya, pero mukhang siya ay ayaw na yata akong makatabi dahil hindi man lang ito nagsalita bagkus ay tumango pa ito sa sinabi ni Tita.
Wala sa sariling napanguso ako at bulgar na sumimangot kay inay.
"Sige na, anak. Pumasok ka na at ayusin mo nang mabuti iyang mga gamit mo. Matulog ka ng maaga mamaya dahil bukas ay may pupuntahan tayo." Sambit ni inay sa akin.
"Papatawag na lang kita kapag kakain na." Dagdag naman ni Tita Carmen.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumalikod na sila saka nagsimulang maglakad palayo sa kinaroroonan ko. Nakita kong huminto ang mga ito sa katabing kwarto at binuksan ang pinto.
Pumasok ang mga ito roon at naiwan akong nakatayo lamang sa hallway na iyon, nananatiling nakatitig sa pintong pinasukan nila.
Hay naku talaga si inay, parang teenager na nakikipag-bonding sa kaibigan niya na ngayon lang ulit nakita, pero hayaan na nga. Bahala na.
Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tiningnan ang pintong nasa harapan ko. Nag-iisip pa ako kung bubuksan ko ba iyon nang biglang bumukas ang pintong nasa likuran ko.
Mabilis na umikot ang leeg ko para lingunin iyon at gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang mukha niya. Ganoon na din ang kaba ko nang mapagtantong siya ang may-ari ng kwartong iyon na katapat ng magiging kwarto ko.

BINABASA MO ANG
One Night, One Pleasure (Published Under Dreame App)
General FictionBOOK 1. Hindi kailanman matutumbasan ng salitang "sorry" ang nangyari sa gabing iyon, na kahit ang pagluhod at pagluha ng dugo ay hindi nito mapapawi ang sakit na kaniyang naramdaman. Tyra Nicole Fajardo, isang simpleng babae na nagnanais makamit an...