Hating-gabi na ngunit nananatili pa rin akong nakaupo sa dulo ng kama ko. Nakatulala sa kawalan habang may hinihintay na sign— sign na nariyan at dumating na si inay.
Anong oras na kasi at magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si nanay. Nag-aalala ako na baka naligaw iyon, ni hindi man lang kasi mag-text kung nasaan na siya.
Malay niya bang maling ruta ang napuntahan no'n, hindi pa naman siya ganoong matandaanin sa lugar, lalong-lalo na sa kalsada o eskinita. Isa pa, saan ba kasi nagpunta iyon?
Kung bakit naman kasi hindi ako ginising kaninang umaga para may kasama siya. Hindi sana ganito, hindi rin sana mangyayari iyong kasamaan ng hinayupak na lalaking 'yon.
Shit. Hanggang ngayon ay nabubwisit pa rin ako kapag naaalala ko kung paano niya ako isawalang respeto.
Huminga ako nang malalim saka naisipang bumaba na lang. May pag-iingat ang bawat hakbang ko dahil sa mga oras na ito ay natutulog na ang mga tao, pwera na lang doon sa guard na nagbabantay sa labas.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, hinayaan ko na lang din na nakapatay ang ilaw kaya naman ay halos magkandarapa ako sa kakakapa ng mahahawakan kong bagay, baka mamaya ay makabasag pa ako nito.
Nang alam ko ng nasa sala na ako ay saglit akong huminto. Pagak akong natawa nang matantong para akong magnanakaw sa ginagawa ko. Paano na lang pala kapag may nakakita sa akin at isumbong ako kay Tita Carmen?
Napakamot ako sa kilay ko dahil sa pinaghalong galit at iritasyon. Kung bakit naman kasi ginagabi iyon si inay? Baka napaano na 'yun. Jesus! Huwag naman sana, ano.
Dumako ang tingin ko sa malaking pintuan ng bahay nang marinig ko ang mahinang kaluskos doon, hudyat na may tao. Dali-dali akong nagtungo roon para malaman kung sino iyon.
Malamang naman na si inay na iyon, siya lang naman na ang wala sa kwarto nito, parang dalagita lang talaga. Tch, binuksan ko iyon sa pag-aakalang si inay pero nagkamali ako.
"Ay, putcha!" Hindi ko na napigilan kaya napasigaw ako sa gulat.
Nanlalaki ang matang hinawakan ko ang magkabila nitong braso para maialis sa pagkakayakap sa akin. Yuck! Bakit amoy alak ang hinayupak na ito?
Malamang Tyra, naglasing iyan!
Kadiri naman. Pinipilit ko itong itulak pero grabe ang laki ng katawan, sa kakatulak ko ay ako pa iyong natumba. Kaya ang ending, pareho kaming bumagsak sa sahig.
Take note na nasa ibabaw ko siya. Mahabaging Diyos! Patawarin niyo po kami.
Gustuhin ko mang sumigaw at gumawa ng ingay ay panandalian na lamang akong pumikit, pilit na pinapakalma ang sarili habang panay pa rin ang tulak sa katawan ng lalaking 'to.
Nang wala nang magawa ay malakas ko itong kinurot sa tagiliran, ngunit tanging paghilik lang nito ang natanggap ko dahilan para humalimuyak ang hininga nito sa mukha ko.
Sa pagkakataong iyon ay parang gustong tumiklop ng ilong ko nang maamoy ang mabahong amoy ng alak, masakit iyon sa ilong. Isama pa na sobrang dilim kaya hindi ko makita kung tama bang tulog siya o nantitrip lang.
Saktong bumukas ulit ang pintuan at halos gusto ko nang magpakain sa lupa nang maaninagan kong si inay iyon. Binuksan nito ang switch ng ilaw kaya ang labas, napatakip ito ng bibig habang nakatitig sa akin na luwa ang parehong mata.
"Inay, papangunahan na kita pero mali iyang iniisip mo." Mahinang pahayag ko.
Halos maiyak na ako kasi sa totoo lang, kanina pa ako nabibigatan sa hinayupak na ito. Kinakabahan din kasi baka kung ano na ang pumasok sa isip ni inay na hindi naman totoo.
BINABASA MO ANG
One Night, One Pleasure (Published Under Dreame App)
Ficción GeneralBOOK 1. Hindi kailanman matutumbasan ng salitang "sorry" ang nangyari sa gabing iyon, na kahit ang pagluhod at pagluha ng dugo ay hindi nito mapapawi ang sakit na kaniyang naramdaman. Tyra Nicole Fajardo, isang simpleng babae na nagnanais makamit an...