Chapter 2

9.2K 204 16
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa tunog at vibration ng phone ko na naroon sa ilalim ng unan ko, rason para maalimpungatan ako.

Kinuha ko iyon upang patigilin pero hindi ko pa man napipindot ay nagkusa na iyong tumigil. Isa lang ang ibig sabihin no'n— one message received.

"Iyong assignment ko, ah? Nagawa mo na ba?" Bigkas ko sa mensahe mula kay Mirko.

Walang hiya talaga ang lalaking 'to! Ang aga mambulabog para lang tanungin kung nagawa ko na ba ang assignment niya? Samantalang iyong akin nga ay hindi ko pa nagagawa sa kawalan ng oras.

Tsk! Kalaunan nang mapangiwi na lang ako, syempre gagawin at gagawin ko pa rin iyon kahit na tinatamad pa ako. Kapalit kasi nito ay pera, binabayaran ako para gawan ko siya ng mga assignments o projects niya.

Mirko is my long time friend, malakas mambully ngunit may pusong mamon. Siya ang dahilan kung bakit kahit papaano ay may dagdag allowance ako sa araw-araw na pagpasok ko.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko kung saan naka-display ang oras— eight forthy five o'clock. Kumurap ako at nang matanto ko kung anong oras na ay wala sa sariling napabangon ako sa kama.

Iyong kaninang akala ko ay umaga, mali pala ako kasi maagang-maaga na. Pa-tanghali na pero nakahilata pa rin ako sa kama. Na-realize kong wala pala ako sa bahay namin para umasal ng ganoong katamaran.

Shit naman, Tyra!

Mabilis na tinungo ko ang banyo upang maghilamos at mag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kwarto ni inay kung saan siya natulog kagabi pero naabutan kong wala ng tao roon.

Nakaalis na siya at ang masaklap pa roon ay hindi niya ako ginising para sumama sa kaniya. Ano ba naman itong si inay, may pasabi-sabi pang matulog ako ng maaga dahil may pupuntahan kami pero nang-iiwan naman.

Pambihira! May sapak talaga iyong nanay ko kahit kailan. Mabuti na lamang at hindi ko namana. Salamat talaga! Nilakad ko ang kahabaan ng hallway na iyon pababa sa unang palapag.

Nakita ko roon si Tita Carmen na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine. Kahit matanda na itong tingnan ay may poise pa rin talaga, hindi tulad ni inay. Tch.

"Hello po, magandang umaga. Umalis na po ba si Inay?" Pagtatanong ko rito nang makababa ako sa enggrande nilang hagdan.

"Oo, hija. Maaga siyang umalis at hindi ka na niya nagising dahil nagmamadali rin ito. Kumain ka na lang diyan, hija."

"Sige po. Salamat." Mahinang sambit ko.

Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko pa ang ilang mga maids na nag-aalmusal. Sabay-sabay na nag-offer ang mga ito ng makakain na siyang tinanguan ko.

Umupo ako saka nagsimulang kumain. Hindi tulad sa bahay namin dati na ilang pandesal at kape lang ang umagahan namin. Ngunit ngayon ay may itlog, hotdog, bacon at sinangag. Samahan pa ng mainit na gatas.

Iba talaga kapag mayaman, ano? Hindi problema ang gutom at kawalan ng makakakin. Baka nga sa isang araw ay apat o limang beses pa silang kumakain kumpara sa amin na dalawa, kung minsan ay isang beses na lamang.

At kung suswertehin sa pera ay nakakatatlo pa kami. Ganoon kami kahirap noon hanggang ngayon. Blessings na nga siguro na tumira kami ni inay dito.

Pagkatapos kong kumain ay nagdesisyon akong maglibot-libot muna dahil wala rin naman akong magawa at iyong assignment na tinutukoy ni Mirko ay mamaya ko na lang aasikasuhin.

Una kong pinuntahan ay iyong likod bahay nila kung saan naroon ang malawak na garden at sa kabilang side naman ay ang malaking swimming pool na mala-ulap sa pagkakulay asul.

One Night, One Pleasure (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon