TOKYO
"HUWAAAAH PUTANGINA!" Umalingawngaw ang malutong na mura ni Moon sa buong horror house kaya imbes na matakot ako ay humagalpak pa ako sa tawa.
Tinuloy ko talaga ang masama kong balak at saka sila hinatak lahat papasok dito sa loob ng horror house and I must say, sobrang realistic ng mga panakot nila dito. May three doors and sa three doors na 'yon may three themes rin like zombies, ghosts, and worst itong hallucinations.
Ang thrill kasi dito, di namin alam if alin ba sa tatlo yung napasok namin and ito na nga, dahil para na rin akong nahahallucinate dito ay napagtanto kong hallucinations ang theme dito sa napasukan ko with Talia.
Si Ashiro naman ay ang kasama ni Moon dahil nung pinatayan kami ng ilaw kanina bigla na lang kaming nagsipagscatter.
Itong kasama ko naman ang pangit ka-bonding dahil chill lang katulad ko, tinititigan pa niya yung bungo sa tabi niya tas pag may lalapit sakanyang mananakot tititigan lang rin niya hanggang sa yung mga nananakot na ang nailang at umalis.
"For all the years that I've been entering this horror house, palagi na lang ako sa hallucinations napupunta." Kwento niya bigla, hala narinig niya ata iniisip ko.
"Si Ashiro ba palagi rin nandito?" Umiling si Talia.
"She's scared of ghosts but here I don't know, I think not? Because she's aware na tao lang rin naman ang mga nandito."
Magsasalita na sana ako nang may sumitsit. Nung una hindi ko pinapansin kaso biglang may binulong ito na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Pst. Tokyo." Binulong nito yung pangalan ko at hindi ko madistinguish yung boses– meaning hindi ko talaga kilala. Hindi pwedeng sila Sasha o Nikki o kahit pa sila Ashiro dahil kabisado ko mga boses nila.
Nang mapatingin ako kay Talia, mas natakot ako sa ekspresyon niya dahil nakatulala ito. "We have to go out," Bulong niya habang may tinititigan sa may bandang likuran ko. Lilingon sana ako pero hindi niya ako pinalingon.
Natatakot na ako realtalk.
"Talia–"
Agad niya ako hinila palabas at halos himatayin ako sa takot nang biglang may aswang na nagpakita, muntik na ako himatayin buti na lang hinawakan talaga ako ni Talia at hinila na palabas.
"Tokyo." Narinig ko nanaman yung bulong.
"Don't ever dare look back, Tokyo." Bulong ni Talia with a stern voice. "Or else you'll be in trouble."
Fuck.
Mas lalo akong kinabahan sa inaasta niya pero mas nanlamig ako ng may kumalabit sakin despite us running already.
Naiiyak ako, "T-Talia may kumalabit sakin."
"Ignore it malapit na tayo." Mabilis niya akong hinila at nang makita na namin yung palabas ay napansin kong parang umaliwalas ang ekspresyon niya.
Pagkalabas namin ay napasinghap ako. Tinitigan ako ni Talia at saka bumuntong hininga.
"When you go back to the apartment, change clothes and burn all of that." Tinuro niya yung damit ko at halos mapipe ako sa kaba.
BINABASA MO ANG
Ashiro Feizi's Roommate
HumorTokyo Takoma, an intelligent girl who received a scholarship from a State University where she would meet and be compared with the famous youngest billionaire, Ashiro Feizi. Tokyo, being overly confused as to why Ashiro Feizi, also a renowned chine...