One : game talk

19 0 0
                                    

cassiopeia florin pov

" YEAH! nabalitaan ko yan! diba next week na ire-release ang game na yan? " 

napaigtad ako sa lakas ng boses ni harlem

they're talking about the virtual game na ilalabas next week

"excited na ako shit!" pa-tiling saad naman ni louie habang inaayos ang kanyang yellow dress na bahagyang nagusot

"napanood ko na nga iyong trailer ang ganda ng graphics" pagmamayabang ni loki

" gago sinong niloko mo? bukas pa ilalabas yung trailer ng TMS , bobo ! " saad naman ni david

" tanga sabay naming pinanood iyon ni kirk may kakilala kasi siyang nagt-trabaho sa East Garden gaming company na mag r-release ng tms kaya ayon alam niyo na " itinaas baba pa ni loki ang kanyang kilay habang nakatingin kay david

Ang lahat ng kasama ko sa lamesa ay napatingin sa gawi ni kirk na napatigil sa pag simsim ng kape

paano niya napasok ang kape sa loob ng library?

" fuck you kirk bakit hindi mo kami niyaya na manood ng trailer?! "  inis na bulyaw ni harlem , may pagka amazon talaga ang babaeng ito. 

itinaas naman kaagad ni kirk ang dalawang kamay sa ere at ngumiti ng alanganin

napairap ako sa komusyong ginagawa ng mga kasama ko for Pete's  sake kanina pa kami tinatapunan ng masamang tingin ng mga tao dito sa library?

" remind ko lang kayo guys , nasa library tayo para mag review dahil may exam tayo tomorrow " sarcastic kong saad

" oh dear cassiopeia thank you for spoiling the moments" .saad ni harlem bago umirap sa kawalan

napairap akong muli dahil sa epic nilang mukha ng maalalang may exam kami bukas

Well pre-test lang naman ang exam namin but dito nakasalalay kong saang section kami mapupunta ngayong 1st semester bilang 2nd year college

Gusto ko silang maging kaklase ulit ngayong year kayat inaya ko silang mag aral

ang nakakainis lang pag dating talaga sa gaming napaka competitive at ang gagaling nila pero pagdating sa acads ang tatamad naman!  kesyo mamatay na daw nag embento ng pag aaral

pasimple kong sinulyapan ng tingin ang librarian na kanina pa masama ang tingin sa amin , ang lalakas naman kasi ng mga boses ng mga baliw kong kasama , Hindi talaga magandang idea ang isama silang mag review

" guys seriously! kailangan niyong mag review especially you harlem! 10 lang yung score mo sa basic mathematics nung 4th quarter natin last year!  "

Harlem shrug her shoulder bago mag salita

" god! cassiopeia  at least naka 10 pa ako kasi
ni isa sa mga questions wala akong alam " depensa nito sa sarili

" ms.florin and 
friends OUT! "

napapikit ako sa lakas ng boses ng librarian at ang malala kilala pa ako nito dahil madalas talaga akong tumambay dito sa public library para mag basa at manghiram ng libro ,

ibinalik ko sa aking tote bag ang dalawang librong hiniram ko bago ito isinabit sa aking balikat at lumabas ng library , ramdam ko naman ang pagsunod nila sa akin

huminto ako at hinarap sila pilit kong pinapakita na galit ako pero di kalaunan ay natawa na lamang ako tulad nila ugh being angry with them is useless

" I hate you all lagi nalang itong nangyayari! from now on hindi ko na kayo isasama sa library " pagtataray ko sa mga ito na tinawanan lamang nila

inakbayan ako ni harlem at louie habang naglalakad at pilit akong pinapatawa , mga sira talaga

The monster slayer ( virtual game ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon