cassiopeia florin pov•••••••••••••••••••••••••••••
virtual world" TAMA ba itong dinadaanan natin mikey? " tanong ni penelope sa akin habang pilit na binabalanse ang sarili sa isang bamboo na nagsisilbing tulay patungo sa bahay nila rico
" tama ang daan na ito " saad ko ng makatawid na sa tulay , muli kong ibinalik ang aking tingin sa mapa na ibinigay ni rico sa akin
" this is crazy , sinong matinong tao ang gagawa ng tulay gamit lang ang isang bamboo ? what if madulas ang tumawid diyan ede malulunod kasi hindi pala marunong lumangoy! " mahabang litanyan nito kaya napailing ako
" let's go pen malapit na tayo " aya ko na lamang dito at nagsimula ng maglakad
habang nasa daan ay may nakita akong parang maliit na templo at puno iyon ng mga taong nakaratay
mabilis akong pumasok roon at nang makita ko si rico sa loob ay kaagad ko itong nilapitan
" rico! " tawag ko sa pangalan nito kaya't napalingon ito sa akin at saglit na itinigil ang pagpapainom ng gamot sa mga taong nakaratay
" mikey? nakarating ka na pala " nakangiti ito ngunit may bahid ito ng lungkot
" anong nangyari dito? " mahina kong tanong habang tinitingnan isa - isa ang mga taong nakahiga sa sahig ng templo
" isang buwan ng nakaratay dito sa templo ang mga taong ito , sinukuan na sila ng kanilang mga pamilya at hinihintay nalang na sila ay mamatay sapagkat wala ng lunas ang sakit nila, tuwing uuwi ako ay dumadaan ako dito upang painumin sila ng gamot na gawa ng aking asawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman nila " paliwanag nito
" mikey! anong lugar ito ? " napalingon ako kay penelope na kakapasok lang at puno ng pagtataka ang mukha
" kaya mo ba silang gamutin lahat?" tanong ko ,
marahan itong umiling
" no, masyado silang marami but I'll try my best " wika nito bago lumapit sa dalawang npc na nakaratay at sabay na ginamot ang mga ito" tutulong ako na magpainom ng gamot sa kanila upang maibsan ang sakit na nararamdaman nila " saad ko habang tinitingnan ang mga npc na mahinang dumadaing sa sakit
iniabot sa akin ni rico ang maliit na banga na naglalaman ng gamot , iniabot din nito sa akin ang maliit na mangkok bilang pansalok
lumapit ako sa babaeng npc at pinainom ito ng gamot
naningkit ang mata ko ng makita kong muli ang itim na aura ng gamot kung hindi ako nagkakamali ito ay isang high graded potion na may halong dagta ng monster
'paano ito ginagawa ng asawa ni rico? pumapatay rin ba ito ng monster at inilalagay ang dakta ng napatay niyang monster sa halamang gamot na kanyang pinakukuluan ? '
nang matapos akong magpainom ay lumapit ako kay penelope
" ayos ka lang pen? " tanong ko ng makitang pawis na pawis na ito
" ang gamot na pinapainom niyo ay malaking tulong dahil pinapawi nito ang sakit na nararamdaman ng pasyente but six over twenty palang ang stable , kailangan ko ng tulong " saad nito
" I'll go and get mariel - "
" they are all poisoned, may isang itim na sugat sa leeg nila na kong saan nagsimula ang lason , I think related ito sa monster sabihin mo iyon kay boss " tumango ako bago mabilis na lumabas ng templo
kanina pa ako sa pagtakbo ngunit hindi ko pa rin makita si adam sa daan , gusto ko man itong i-message ay hindi naman kami friend
si mariel naman ay na i-message ko na at hinihintay na ako nito sa tower
BINABASA MO ANG
The monster slayer ( virtual game )
FantasyTitle: The monster slayer ( virtual game ) Date started: November 11, 2022 | 12:44 am this story is inspired by my favorite anime ( fairytale )