eight: get the bomb

4 0 0
                                    

cassiopeia florin pov

••••••••••••••••••••••••••••• 
virtual world
 
"ADAM! - sorry im late " hinihingal kong saad , napasandal ako sa braso nito dahil sa hingal na nararamdam

"' bakit ba kasi ang layo layo mo sa guild ano bang ginagawa mo dito sa helix garden? ang  layo tuloy  ng tinakbo ko oh! '" reklamo ko dito ng makabawi sa hingal na nararamdam

"' I'm asking you kong nasaan ka para mag teleport na lang ako sayo kaso iyan trip mo e ang hindi ako reply-an '" napalabi naman ako sa sinabi nito

"' galit ? sorry na '" hinarap ko ito at nag pa cute dito ngunit hindi ako nito pinansin bagkus ay inilabas lamang nito ang mission paper at iniabot sakin

_____________________________

'robo monsters

Mission's
• kill all the robo monsters
•  ruin the robo chip

Where : binary forest
Prizes : 500,000 coins , 400,000 diamonds

_____________________________

pag angat ko ng aking tingin nakasakay na si adam sa itim na kabayo , inilahad nito ang kanyang kamay sa akin na kaagad ko namang tinangap at bumwelo para sumakay

muli kong tiningnan ang mission paper ng makaupo na ako sa unahan ni adam

"' adam? '" pagtawag ko sa kanya

"' hmm? '" hinawakan nito ang tali ng kabayo kaya't nakulong ako sa bisig nito

isinandal ko ang aking likod sa dibdib ni adam at tumingala sa kanya

"' monsters yung nakasulat dito ibig sabihin more than one ang kalaban natin '" saad ko bago muling ibinaba ang aking tingin sa mission paper

"' scared? '" tanong nito at inihiling ang kanyang baba sa aking balikat

marahan akong tumango , sa tinagal tagal naming nagsasama ni adam ay para bang nakampanti na kaming dalawa sa isat-isat, para kaming asot pusa na away bati pero ramdam ko pa rin yung sweetness niya at sa bawat araw na magkasama kami lagi ko ring sinasabi sa sarili ko na wag mag assume dahil wala kaming label at higit sa lahat nasa virtual world lang kami , so  for now im enjoying each moments when I'm with him . 

"' parang nakakalimutan mo ata kong sino itong partner mo? '" napawi ang pigil kong ngiti sa kayabangan nito

"' oo nga pala ikaw nga pala si adam ang rank one sa game na ito, nahiya naman daw ako bigla '" sarcastic kong saad

"'shit adam! '" tili ko ng patakbuhin niya ng mabilis ang kabayo na aming sinasakyan

mahigpit akong napakapit sa braso niya dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako

"' come on mikey ilang beses ka ng nakasakay sa kabayo at sa lahat ng iyon kailan ba kita pinabayaang mahulog?'" bulong nito sa aking tenga , nag init ang mukha ko ng maramdamang marahan nitong kinakagat ang aking tenga

"' adam stop it! '" saway ko dito , para naman akong nabunutan ng tinik ng tumigil ito sa pagkagat sa aking tenga, rining ko pa ang mahina nitong pagtawa na dahilan ng pagtaas ng aking balahibo, damn this guy !

inihinto ni adam ang kabayo sa labas ng binary forest , hinawakan nito ang aking kamay at naglakad kami papasok sa loob ng  nakakatakot na gubat, pigil akong napatili ng may narinig akong mumunting ingay sa paligid

"' Adam? '" kinakabahan kong pagtawag kay adam ng magsimula ng dumilim ang buong paligid

nilukob ako ng kaba ng bitawan ni adam ang aking kamay ngunit nawala rin ito kaagad ng maramdaman kong ipinalibot nito ang kanyang braso sa aking bewang

The monster slayer ( virtual game ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon