nine: coincidence

5 0 0
                                    

cassiopeia florin pov

•••••••••••••••••••••••••••••
real world

MAG iisang buwan na at malapit na ang periodical exam kaya't busy ako sa pagbabasa ng mga libro habang nag t-take down notes , hindi lang kasi magsasagot sa paper ang exam naming mga med student ang exam ng major subjects namin ay practical performance such as; performing cpr, pulse counting and stimulation of how to draw a blood using syringe

at dahil nga practical ito ay gagawin namin ito sa totoong tao so bawal magkamali lalo na sa pagkuha ng dugo ,

mabuti nalang at mayroon kaming practice performance ng performing cpr, pulses counting at pagkuha ng dugo

at gagawin na namin ito in the following weeks before the exam

" cassiopeia chill , itabi mo muna yang libro mo like hello? it's lunch time kailangan mong kumain at irelax ang brain mo " saad ni louie kaya't napahinto ako sa pagbabasa

tingnan mo nga naman ang mga ito napakachill lang

" oo nga cassiopeia, relax ka muna " saad naman ni harlem habang kumakain ng strawberry pie na inorder nito sa cafeteria

naiiling akong tumayo at binitbit ang aking mga libro bago naglakad palayo

" uy cassiopeia saan ka p-punta? "rinig kong tanong ni louie

" somewhere kung saan tahimik" sagot ko

" hindi ka ba muna kakain? " tanong ni harlem

" later" sagot ko bago tuluyang lumabas ng cafeteria

naisip kong magpunta sa new library ngunit marami ang tao sa loob kaya't napagdesisyunan kong sa lumang library nalang magpunta dahil wala na halos studyanteng nagpupunta roon dahil mas pinipili nila ang bagong gawa na library

sa sobrang hectic ng schedule ko idagdag pa ang mga walang pakundangang mga prof na iniaasa sa akin ang pag c-checks ng mga quizzes and assignments ng buong klase dahil ako daw ang president kaya 2 weeks na akong hindi na nakakapag online and i miss playing tms

huminto ako sa pinto ng lumang library, halatang halata ang kalumaan nito dahil sa mga salamin na may basag at tinapalan lang ng duck tape , wala ring katao - tao sa loob at tanging mga shelves lamang na punong puno ng mga libro ang naroon

pumasok ako dito at dumaan sa science section, napangiti ako ng makita ko ang biology book na hindi ko mahanap sa bagong library ng school

i guess it's a good thing na nagpunta ako dito , bitbit ang libro ay naupo ako sa sulok na bahagi ng mga shelves at nagsimula ng magbasa at mag take down notes

napahinto ako sa aking ginagawa ng may naramdaman akong gumalaw sa kaliwang bahagi ng mga shelves

sa sobrang takot ko na baka multo ito ay napatakip ako sa aking mukha

" cass? "

dahan-dahan kong tinangal ang pagkakatakip ng aking kamay sa aking mukha at lumingon sa gawi ng nagsalita

" kiev? what are you doing here? " nakahinga ako ng maluwag ng malamang si kiev lang pala ito

" believe me or not but I really came here to study - " itinaas nito ang libro na nasa sahig
" pero nakatulog ako " dugtong nito

si kiev? nag aaral? for real? , tinatawag kasi itong ' the great kiev '  dahil lagi itong absent at papasok lang tuwing exam pero na - p-perfect  pa rin nito ang lahat ng exams at walang nakakaagaw sa spots niya as a rank 1 sa engineering department 

The monster slayer ( virtual game ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon