40

970 29 0
                                    

🔒 @sittie • 3s
my gf pala siya? wow

┗ 🔒 @sittie • 3s
gago dapat di ako nasasaktan, fan lang ako e

gisikasoho

12:34 AM

Victoria

san kana? @sittie

di pa tapos ah

Sittie

labas

papahangin

lakas ng sound dyan sakit na ng tenga ko HAHAHA

Victoria

u sure?

Yeli

my girlfriend pala si drav?

gago

banatan ko yun

di man lang chinika satin

Maye

baka lowkey lang sila?

Victoria

di naman lahat kailangan sabihin satin ni drav

Sittie

guys uwi na ata ako

Maye

huy dito kaa

mamaya na

dun kana matulog sa hotel

***

"Okay ka lang? bakit ka nandito?" Miss gi approach me.

Napatingin naman ako sakanya. "Ingay dun sa loob, di ako sanay." Sabi ko na lang.

"Hinahanap ka ni Dravis." Sabi niya kaya naman napatingin akong muli sakanya. "Tara sa loob." Sabi niya at hinatak ako papasok.

"Oh dito ka pala Gi eh." Sabi ni Chan at napatingin sakin. Ngumiti ito at tumingin kay Gi parang nag uusap sila sa mata. Napatingin na lang ako sa paligid dahil sa pag kailang.

"Uy ikaw yung girlfriend ni Drav diba?" Sabi nung Tristan kaya napatingin naman samin 'yung ibang player ng Wild Dogs. "Yun oh eto naman pala girlfriend ni Captain eh." Sigaw nung isa at nag hiyawan sila.

"Huh?" Sabi ko na lang.

"Ikaw 'yung girlfriend ni Dravis? Kelan pa kayo?" Tanong nung Coach nila. Hindi ko alam 'yung isasagot ko dahil hindi naman kami kaya napatingin na lang ako kay Dravis.

"Stop asking her, Coach your making her uncomfortable." Sabi nito at lumapit sa'kin.

Dahil sa sinabing 'yun ni Dravis ay nag hiyawan ulit 'yung team mate niya. Kinalabit ko na lang siya at tumingin sa labas hindi ako sanay sa ganito sobrang nahihiya ako.

Agad naman siyang tumingin sa'kin at mukhang nakuha naman ang ibig kong sabihin. Hinawakan niya 'yung kamay ko at tsaka umalis doon.

May mga sinabi pa 'yung ibang team mate niya pero hindi na lang niya pinansin. Nang maka labas kami ay agad siyang nagsalita. "I'm so sorry Sittie."

"I'm sorry if i make you uncomfortable." Sabi nito.

"Okay lang medyo nakahinga na din kahit papano, akala ko may girlfriend ka talaga." Sabi ko at tumawa. "Tapos ako daw pala 'yun."

"Pwede din naman, ikaw na 'yan e aarte paba ako?" Bulong ko

Napatingin naman 'to sa'kin. "May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ko na lang at nginitian siya.

notice me, sir dravisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon