72

986 36 2
                                    

"After ba neto diretso na tayong airport?" Tanong ko kay Tristan.

"Baka gusto mo munang mag palit diba mare." Masungut nitong sagot sa'kin. "Kung maka tingin naman 'tong mga taong 'to akala mo naman kinidnap kita"

Tumawa naman ako sa sinabi niya. "Ang tanda mo na kasing tignan." Sagot ko kaya lalong napa kunot ang noo niya.

Pag katapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa Condo ko at kinuha 'yung gamit ko. "Sure ka ito lang talaga dala mo?" Tanong niya sa'kin ng makita ang bag ko

Tumango na lang ako at ni lock 'yung Condo ko. Nang makarating kami sa sasakyan ay nag kwentuhan lang kami napaka daldal balak ko pa naman sana umidlip kasi medyo traffic pero hindi ako pinatulog ng bunganga niya.

Nang makarating kami sa airport ay nilabas niya lang 'yung ticket at dumiretso na kami sa seats na naka assign sa'min. Wala pang isang oras ay mag laland na kami.

Mabilis and smooth lang 'yung naging byahe namin gusto ko pa nga sanang mag pa iwan para makapag pa picture kung nasan ang mga piloto pero sabi ni Tristan baka maiwan daw kami ng shuttle.

"Ikalma mo mare pag tayo naiwan sa shuttle mas kawawa tayo." Sabi nito nang makitang naka sibangot ako. "Oo na." Sagot ko na lang sakanya.

"Tristan natatakot ako." Sabi ko sakanya nang maka sakay kami sa shuttle. "Bakit?" Tanong nito sa'kin.

"Ang daming what ifs sa utak ko natatakot ako baka i judge ako ng team mate mo, kasi diba huling kita kita namin pinakilala ako as Dravis girlfriend tapos ngayong mag kikita ulit kami ikaw ang kasama ko." Sabi ko sakanya.

"Sa tingin mo ba hahayaan lang ni Dravis na i judge ka lang nila? Baka mag wala pa 'yun pag narinig niyang sinasabihan ka ng hindi maganda." Sagot nito sa'kin.

"Alam mo ba nung pinost ni Jose 'yung video? sinabi samin ni Jose natakot siya kay Dravis kasi pinag bantaan siya kahit ako, nagalit sa'kin si Dravis." Dagdag pa nito.

Bumuntong hininga na lang ako at hindi na sumagot. Nang makababa kami sa shuttle ay nag check in na kami sa hotel. Akala ko nga ay parehas na kami ng room pero mag kahiwalay pala.

Nang makapag palit ako at nang makalabas ay bumungad sa'kin si Miss Gi. Halata ngang nagulat pa siya nung nakita niya ako. "Nandito ka pala Sittie?" Tanong niya sa'kin.

Nahihiya naman akong tumango. "Kasama ko po si Tristan." Sagot ko.

Tumango naman 'to. "Ah kaya pala late si gago sabi na't may plano eh." Sabi nito. "Tara sa pool nandun sila Chan." Sabi nito at hinatak ako.

Kahit ayaw ko ay nag pahatak na lang din ako sakanya para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Dravis na shirtless at may hawak na beer katabi naman niya si Chan.

putangina? ang hot. mama help

"Love." Tawag ni Miss Gi kay Chan kaya napunta sa'min ang atensyon nila. Kita ko ang pag laki ng mata ni Dravis ng makita ako.

"Sittie?" Tawag nito sa'kin. "Akala ko ba may thesis defense ka? Sinong kasama mo?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ako." Nabaling naman ang tingin ko sa likod ko ng may biglang mag salita, si Tristan. "Ako ang kasama niya." At inakbayan ako.

"Stop touching what's mine, Tristan." Sabi nito at hinatak ako palayo doon. "What was that Sittie? Pinag lalaruan niyo ba ako?" Tanong nito.

"Hindi ka naman namin pinag lalaruan, Dravis. Bakit ka ba nag kakaganyan? Bakit mo ako inaangkin? Diba hindi mo naman ako gusto, hindi mo ako pag mamayari." Sabi ko naman.

"Pwede bang linawin mo sa'kin? kasi naguguluhan ako, ano ba talaga Dravis? gusto mo ba talaga ako o hinahanap hanap mo lang 'yung presensya ko?" Tanong ko sakanya.

Parehas kaming natahimik dahil sa sinabi ko, ilang minuto ang lumipas wala pa ding nag tangkang mag salita sa'min nararamdaman ko na 'yung luha ko.

Tangina nito ni Tristan mukhang failed 'yung plano mukhang mas nasasaktan ako sa mga nangyayari. Akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko.

"I like you, Sittie." Sabi niya kaya tuluyan na akong naiyak.

"I'm so stupid to hurt you, i'm giving you mixed signals, narealized ko na hindi ko pala talaga kaya pag hindi pa ako gumalaw, araw araw natatakot ako kasi baka may relasyon na pala kayo ni Tristan." Sabi niya.

Bumuntong hininga 'to."Nag hihintay lang ako ng tamang oras, at sa tingin ko kung papalagpasin ko pa 'tong pag kakataon na 'to hindi ko na alam kung kelan pa." Sabi niya.

Ramdam ko ang nginig sa boses niya. Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako. "Can i court you, Sittie?" Bulong nito sa'kin.

Mas lalo akong naluha at tumango ng ilang beses. "Yes, yes Dravis."

notice me, sir dravisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon