SPECIAL CHAPTER

978 33 7
                                    

"Mahal." Pag gigising sa'kin ni Dravis.

Laging ganito ang set up namin kahit ang aga aga kong matulog ang late ko pa ding magising.

"Breakfast is ready love." Sabi nito sa'kin at ramdam kong hinalikan niya ang aking noo. "I'm still sleepy love." Inaantok kong sagot sakaniya.

"It's 9am mahal." Sagot nito sa'kin. Hindi rin nag tagal ay bumangon na ako at dumiretso sa banyo para gawin ang skincare ko.

It's been 3 years magkasama na kami ni Dravis sa iisang bahay ngayon sa loob nang tatlong taon na 'yun ay hindi naging madali malala ang pag adjust na ginawa namin.

Pero i'm proud to say na lahat ng pagsubok na binigay samin ay nalagpasan namin. Our 4th anniversary is coming and wala pa din kaming plano.

Nung 1st anniversary namin ay pumunta kaming Korea, nung 2nd ay nag Boracay with friends lang at nung 3rd ay dito lang kami sa bahay we're trying to make babies na pero hanggang ngayon ay wala pa.

Napag usapan namin na huwag nalang pilitin at hintayin na lang dumating baka kasi hindi pa talaga oras para magkaroon kami ng Anak.

"Sittie, ano dyan ka na lang ba titira?" Rinig kong katok ni Dravis sa pinto. "Sandali lang!" Sigaw ko naman pabalik.

Nang makalabas ako ay nakahanda na sa mesa ang almusal namin at as usual siya ang nag handa.

"Tagal mo." Reklamo nito bago ako pag santukan ng pagkain. Napaka daming arte mamaya ka sa'kin.

"Baby our 4th anniversary is coming." Sabi ko sakanya. "Saan mo gustong mag celebrate?" Tanong niya.

"Wala akong maisip ngayon, mag search na lang tayo mamaya." Sagot ko at tumango na lang siya.

Pag katapos naming kumain ay ako na ang nag hugas, ayaw niya pang papigil pero nang tignan ko siya ng masama ay sumuko din naman at binigay na sa'kin. Hindi naman kasi puwedeng siya lang ng siya ang kikilos dapat ako din.

Pagkatapos ko doon ay dumiretso ako sa kuwarto para maligo na balak ko din kasing mag pagupit bago ang dinner date namin with the longsilong squad.

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong sa'kin ni Dravis pagkalabas ko sa Cr. Agad niya akong niyakap at hinalikan.

"Ang landi landi talaga." Sabi ko at pumunta sa Vanity table ko. Nag ayos lang ako nang kaunti para naman presentable.

"Hindi mo pa ako sinasagot, Sittie. Saan ka pupunta at naka ayos kapa ha?" Tanong nito at niyakap na naman ako.

"Diba sabi ko naman sayo lalabas kami ngayon ni Gi." Sagot ko sakanya at humiwalay sa pagkayakap niya sa'kin. "Saan ba 'yun hahatid kita." Sabi pa niya.

"Napaka clingy naman Mr. Adler! kaya ka inaasar nila Tristan eh." Reklamo ko sakaniya gantong ganto talaga siya kapag aalis ako or hindi kami magkasama akala mo laging mawawala eh.

"Moa lang kami okay? Tsaka susunduin ako ni Gi dyan sa gate." Sabi ko at tsaka kinuha ang bag. Paalis na.

"Still, Love." Pag pipilit pa niya.

Sinundan ako nito hanggang makarating kami sa pinto. "Wag kana makulit okay? I love you." Sabi ko sakaniya at hinalikan siya sa labi.

"Tagal ha." Bungad sa'kin ni Gi nang makasakay ako sa kotse niya. Inirapan ko lang 'to. "Hina ng aircon ha, init." Reklamo ko agad sakanya.

"Wow reklamador 'to si ate girl." Sagot niya at nilakasan ang aircon. "Hindi ka siguro pinakawalan agad ni lover boy." Pag daldal niya agad.

Binansagan nilang Lover boy si Dravis dahil kay Tristan, nakita kasi ni Tristan kung paano mag pa baby sa'kin si Dravis at dahil dun inasar na nila ng inasar si Dravis.

notice me, sir dravisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon