CHAPTER 1

3 0 0
                                    

"HELLO, Yan? Busy ka ba ngayon?"

Nagtaka si Aiyana kung bakit napatawag si Graciella o Grace sa kanya isang Sabado ng umaga. Wala silang pasok nang araw na iyon at wala rin silang usapan na magkikita kaya nasa bahay lang siya. Katatapos lang niyang gawin ang isang activity sa Engslih 3 nila nang tumunog ang cellphone niya't mabungaran ang boses ng isa sa apat niyang bestfriends.

Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya?

"Hindi naman. Bakit?" sagot niya na nakataas ang kilay.

"Pwede mo ba akong samahan kina Gene?"

Muntik na niyang mabitawan ang kanyang cellphone nang marinig ang pangalan ng binata.

"I'm sorry, pakiulit nga?" natatawang tukso niya sa kaibigan.

"Pupunta ako kina Gene para sa project namin," defensive na sagot nito. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang nakasimangot ito dahil alam na nito ang magiging reaksyon niya. "Ayokong pumunta roon nang mag-isa," mariing pahabol nito.

"Why not?" patay-malisyang tanong niya.

Si Gene ang isa sa mga engineering students sa university na pinapasukan nila na naging classmates nila sa Physics 41 at noon nga'y classmate na rin ito ni Grace sa Programming 121. Schoolmates din ito ng bestfriend nilang si Kristell at boyrfriend nitong si Rey. Nahalata nilang may gusto si Gene sa kaibigan nila kaya tinutukso nila ito kay Grace.

"Why not?" ulit nito sa kanyang tanong. "Hello? Ako lang kaya ang babae sa grupo namin. I'm sure magiging pulutan na naman ako ng mga classmates ko lalo pa at mainit ang issue namin ngayon ni Gene, thanks to you," mataray na sagot nito. Silang apat nina Chuvie, Kristell, at Frelienne ang tinutukoy nito.

Lihim siyang natawa. "Wait. We didn't tell those guys about you and Gene. Walang lumabas among the four of us tungkol sa mga pinag-uusapan natin tungkol sa kanya," depensa niya sa akusasyon nito.

"Then I guess, pareho kayo ng mga iniisip."

"Maybe Gene is too obvious."

"Ano ba? Sasamahan mo ba ako o hindi?" tila naiinis at naiinip na tanong nito. "Kung hindi, eh iba na lang ang isasama ko."

"As if may ibang papayag na sumama sa iyo lalo na kina Gene," pang-iinis niyang lalo sa kaibigan.

Hindi ito sumagot. Natawa siya ulit sa naiisip niyang busangot na hitsura nito.

"Alrigh, pick me up. Maliligo lang ako. Bye."

"Talaga?" sigaw nito sa napakasiglang boses. "Yehey! Thanks, Yan! You're the best! Mwah!"

Natatawa pa ring pinatay niya ang kanyang cellphone. Mukhang exciting ang mangyayari sa bahay nina Gene mamaya, isip niya.


KABIBIHIS lang niya pagkatapos maligo nang marinig ang humintong sasakyan sa tapt ng bahay nila. Nang sumilip siya mula sa bintana ng kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, nakita niyang bumaba mula sa isang taxi si Grace. Agad itong sinalubong ng kanyang ina para papasukin. Nagmadali naman siyang mag-ayos at bumaba na.

"Mom, sasamahan ko lang si Grace sa classmate niya na gumawa ng project nila. Baka kasi hanapin ng daddy niya at hindi pa maniwalang gumawa lang ng project," paalam niya sa kanyang ina.

"Nagpaalam ka ba naman ng maayos, ha, Grace?" paninigurong tanong ni Martha.

"Yes po, Tita. Si Mommy na ang bahalang magsabi kay Daddy. Sabi ko kasama ko si Aiyana. Malakas kasi 'to sa daddy ko, eh," sagot nito sabay akbay sa kanya.

Another Complicated Love StoryWhere stories live. Discover now