"Saf, I have a favor." Pogi talaga nito. Sobrang bango pa, yung amoy lalaki na hindi sumisipa sa ilong, yung subtle masculine scent na milk? Hindi ko sure pero mabangong banayad lang, kung may ganun man.
"Sige, lets hear it out first." Adlib lang, 'lam mo namang payag ako lagi pag ikaw.
Minsan lang kung humingi ng tulong to pero minsan naiisip kong mas gusto ko yung palagi pero madali. Ito kasi ang hirap. Ang dalang pero kabigat.
"Help me plan my proposal for Jen?" Ay gago, sakit ha, Diinan mo pa kaya. Alam naman nitong gusto ko siya ah, bat parang lampake beh.
"Hala nako ka, wala akong alam jan Bryan. Marriage ba yan?" Iba nalang kaya, mayaman ka naman hire ka nalang event organizer oy.
"Sira, nililigawan ko palang, syempre, as a girlfriend." At nagawa pa mamula. Kala siguro nito natutuwa ako. Wala namang kaso sakin kung iba yung gusto pero ang isali pa ko? tama ba yon?
Syempre di ko pinahalata sa kanyang ayaw ko. Ngiti tayo. Plastic ako eh. At wala nakong masabe.
May kumalabit sa likod ko, kaya limigon ako at nagpasalamat na I am saved once again by this girl.
"Hi, Bryan. Kumusta na? Balita ko captain na ah? Congrats." Nilingon ko patalikod, napataas ang tingin mula sa pagkakaupo sa kaibigan kong nauna pa sa kin sa balita, as usual, updated to eh.
"Oy Salamat, Mon. Eto okay paren, medjo mas busy na ngayon sa basketball team pero hindi ko naman pwede pabayaan ang aral, kaya eto." He said in proud tone which appeared so humbled to me. Ewan lahat ng panget sakanya, ang pogi sa paningin ko HAHAHAH baket ba.
"Good to hear that, Bryan. Sorry din sa istorbo ha, parang may seryoso kayong usapan kanina eh." Aba't ng usisa ba.
"Ahh, oo, may pinakiusap lang ako dito kay, Saf. Pero kailangan ko na din magpaalam puntahan ko pa si Jenierva eh. Mauna nako sainyo." Sinipat niya ang kanyang relo na tila ba may muntik na siyang malimot sa oras.
"Safiya, hintayin ko sagot mo."
"Okay." Habang natango. He smiled then waved goodbye to me and Monette who's expression looks accusing and well pretty. All my friends are.
"At may pasagot? Extended ang Prelims, Mamsh?"
"Hindi. He's asking me to help him with his proposal for Jen." Nakasimangot kong saad.
"At pumayag ka na? agad?" May pagbibintang sa boses nito dahil kilala niya ko, hinidi ako maka-hindi basta gusto ko.
"Kaya nga may sagutan diba, edi hindi pa."
"Ahh... so papayag talaga?"
"Hindi ko sure. Ayaw ko namang tanggihan pero iba naman to. Ikaw? ano ba gagawin ko?"
"Ay bahala ka diyan, hindi ko alam, ikaw ba? ano sa palagay mo? kaya ba today? "
"Binabanas mo naman ako eh, seryoso nga."
"Ano bang gusto mong marinig sakin, eh kahit naman sabihin ko sa yong wag, hindi ka rin naman hi-hindi sa kumag na yon, ang sakin lang kung kaya mo push natin yan, pero pag sobra naman na sayo atras na beh. "
Ilang ulit pa kami nag palitan ng salita at nagsayang ng oras ni Monette hanggang tumunog ang bell hudyat ng susunod na klase.
"Saf? Narinig mo yon? She just said YES! Kami na. We made it, thank you for helping to pull this off." No, YOU both made it, walang WE, tayo, walang ganon.
"Yeah, dinig ko nga hehe." Hilaw ang ngiti naigawad ko at kung saan saan ko binabaling ang mata ko sa noo niya, Hinding-hindi ako yuyuko dahil baka may pumatak. At hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa mata dahil ayaw kong maiyak..pero sinubokan kong lumingon sa reaksyon niya at kita kong tila ba hindi nakuntento sa tugon ko.
Sa likod ng malapad niyang dibdib at brasong may mga katamtamang umbok na muscles, naroon ang girlfriend niya na ngayon at ang lamesang sinet-up namin sa rooftop ng Verdon Parc Condo.
"Tsaka congrats, you deserve each other... at I'm happy for you." Lumiwanag ang reaksyon niya sa sunod kong sinabe.
Naghanap lang pala ng validation amp. Tama ba yon?
"Sige balik ka na, enjoy the rest of the evening, baba lang ako sa unit mo para magligpit, uwi na din ako pagtapos." He held both of my hands heartily tila ba nadala sa sobrang galak and thanks once more and we bid goodbyes..
He slowly walked away and watched them from where I was, few meters away from their table. Nagkakahiyaan pa ang dalawa, he then turned to my direction with those eyes, as if it was a cue for me to exit.
Paano ba ko napunta sa kaawa-awang sitwasyon na ito? Ako lang ba? Normal pa ba to? Maybe its normal for people to do crazy things for people they love. Crazily painful.
Hindi, ganito naman talaga. It can happen.
It happens to anyone of us and I guess I'm living for it.
But everything really does come to an end. Natapos nalang agad, wala pa akong napala. I don't regret it though. Self-love nalang uli. Hindi naman pwedeng ganito ako palagi gayong may mas karapatdapat ng gumawa ng kakatuwa at kabaliwan para kay Bryan. May pumalit na. Back off na. Aatras!
Totoo ba?
******************************************************************************************
A: Thank you for reading luv<3
BINABASA MO ANG
Anyone of Us
RomanceNagmahal ka na ba ng sobra? Sobrang tagal. Sobrang bagal. Sobrang hulog na hulog. Sobrang mapagpasensya. Sobrang bigay na bigay. Sobrang sakit. Maaring mangyare din sayo to. Maaring nangyayare sayo ngayon. Minsan iniisip natin na tayo lang nagkakar...