Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

Nasasaktan akong makita siyang ganito. 

"Why? Did something happened?"  Pabulong kong tanong dahil baka magising ang ibang natutulog na sa dorm na to. Umusog ako at umupo ng tuwid.

Umiling siya. Sinisipat ako. "Wala. I just came to check up on you. Matulog ka na." 

Halong pag-alala at nahihirapan ang mukha niya. He look pained.

"No, you tell me." Pagpipilit ko. Hindi naman siya pupunta dito ng yon lang dahilan. Imposible. My blanket slipped to my lower thighs ng subukan kung umalis sa kama para maharap siya.  

My thighs showed dahil sa ikli na nitong daster, isang dangkal nalang kita na panty ko. Pero wala na akong pake.

 I need to comfort him.

Wait. Ang sama. It's normal right? Or have I already become that filthy girl bestfriend who grabs any chance she can-

Natigilan ako dahil sa iniisip before I could do anything, he stopped me from moving, his hand on my back. He grab the hem of my blanket carefully, respectfully- and put it up to my shoulders.

Unti unti ay humiga nalang ako.

Kahit yong galaw niyang yon nasasaktan ako, ang ingat niya sa'kin. Para bang alagang pangkapatid. Ayaw ko. Napasimangot ako. 

I looked at him. His sad, I know him. What could've happened? 

He tucked me to bed. Inipit ang kumot sa bawat gilid ng aking katawan. His sad for whatever reason yet he's still minding me. And I feel guilty na oobliga siya sa'kin. 

"Matulog ka na. Call me kung sumakit man sakale ang tiyan mo." He said straight at me.

"Is it about... ahm.. Jenierva?" I probe.

The mention of her name was like a trigger. His eyes slowly started to well up while staring at me. "No, let's not talk about it, Saf. It's not about her-"  

"Aba't tumatanggi ka pa. Wala ng taong mas halata pa sa'yo. Ano na naman ba nangyari? Ano may ginawa bang kabalbalan ang babae mo-?" Nag-init ang ulo ko sa kung ano-anong naiisip kong nangyare para magkaganito siya. Para masaktan siya ng ganito. Kasi kung ako yan-

"Saf" May bagbabanta sa tinig niya.  Salubong ang kilay at mukhang pagod na pagod.

"Huwag mo akong pagsinungalingan, Bryan. Kung hindi siya ang problema, edi sino? Panalo ka  naman sa championship game niyo, edi ano?" Nakikita ko na ang inis sa kanyang mukha pero inis din ako kasi... kasi kung ako yan I will drop everything and give it to him basta masaya lang siya.

"Hindi ako nag sisinungaling, Saf. Hindi siya problema! Huwag mo lang pagsalitaan ng ganyan si Jen lalo pa't wala dito yong tao, mas lalo sa harap ko."  Napipikon niyang anas pero ramdam ko ang pagpipigil. Napabuga siya ng hangin. 

Tama naman lahat ng salitang ginamit niya pero naiinis a-akong tama siya at mali ako. Parang ang babaw ko. 

Parang kinurot ang puso ko sa sama ng loob dahil napagsabihan. Tinitigan ko siya at nakita kong kinakalma niya ang sarili, hilot ang sintido. Kanina lang nasasaktan siya pero ngayon mas galit na ang nangibabaw dahil ayaw niya sinisira ko ang girlfriend niya. 

He truly loves her, that's for sure.

"I'm sorry-" Agap ko habang nangingilid ang luha sa sobrang seryoso niya.

"You don't have to be- just don't do it again. Mabait si Jen, Saf. Wala siyang ginawang mali. If you two don't get along, I'd understand. But please respect her." Putol ni Bryan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anyone of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon