Chapter 1
"Anong nangyare?" Bungad saken ni Monette pagdating namin sa kiosk bitbit namin ang nagkakapalang textbooks ng mga kaklase namin, with her doe eyes she looked at me intently, observing.
She's in a longsleeve knitted black top and chekered pencil skirt hugging her curves nicely. While I'm in my white button up shirt slightly big on me, corset on top, paired with black pants.
Student-Teacher's Week ngayon at pareho kaming naatasan ni Monette mag turo sa isang linggo pamalit sa mga gurong pumili samin para irepresenta sila sa klase, ako sa Philosophy at STS naman kay Monette. Kaya ngayon lang siya nag karon ng tyansang itanong sakin to.
"Sila na. Baket? Inakala mo bang may tiyansang hindi siya sagutin?" Kasi ako kahit alam kong sure na sure ng maging sila, may parte pa din saking inisip na posible pang magbago ang isip ni Bryan. O baka yun ang gusto ko, na wag niya nalang ituloy ang plano niya.
"Hindi din." Walanghiyang sagot ni Monette.
"Gusto ko lang iconfirm, baket ba? Kahit naman nung di pa sila, nagliligawan pa, halata naman na, dun din yun papunta." Alam ko naman yon sa loob loob ko.
"Tsaka gusto ko lang itanong kung kumusta ka? Kaya pa ba?" Tiningnan niya ako na para bang alam niya kung gaano kabigat ang puso ko. Tingin na parang nanghehele ng umiiyak.
""Oo naman, tsaka last na to no." Nangungumbinsi kong sabi.
"Sus alam ko na yan, maya isang kalabit lang sayo bigay at gawa ka kaagad."
"Pero iba na ngayon Mon, may girlfriend na." Ngumiti ako ng bahagya, ngiting hindi abot hanggang mata.
"Aysus" Tudyo niya.
"Totoo nga! Dati hindi ko mahindian dahil gusto kong mas mapalapit, mas may mapag-usapan kami. Alam kong di na pwede yung ganon ngayon."
"Hindi tayo magpapakababa for today's videow." Dagdag ko. Tiningnan ko si Monette at kita ko ang duda but I also sensed that she's proud of me. My decision.
"Basta alam mo na naman yan. Just don't cross the line, Saf. You're never no. 2, choose your battles." Striktang banta ni Mon. She tend to have this side of her and I understand she loves me that's why. Sinalubong ko ang seryosong mata niya.
You don't have to rub it on me. I know.
"Anong no. 2? Impossible. Sa klase nga nangangain pag recits, matalino sa matalino, nangunguna, sa ganyan pa kaya." Jia came. Timingala ako ka kanya and stared at her very pale skin. She's has the lightest complexion. She's in our usual uniform, wearing her nonchalant facade. She winked at me wearing her reassuring smile.
"Tayo na mga miss-ma'am. Ano to hindi kayo kakain? Regular student lang ang role ko ngayon di ako unli lunch time." Dagdag ni Jia na nakatayo at nakapamewang lang sa likod ko, hindi tuluyang umupo sa kiosk.
"Yan kasi pa tanggi tanggi ka pa." Si Mon.
"Eh sa hassle nga. Lika na kayo, don tayo sa Arrupe Hall, rami daw food carts ngayon." Tumalikod na si Jia at sumunod kami.
Lumipas ang ilang linggong di na kami gaanong nagkikita ni Bryan. Paminsan nagkakasalubong at nagkakamustahan.
Kung minsan namay nababalitaan ko ang estado ng relasyon nila sa mga kaklase o schoolmates bilang sikat naman ang dalawa- si Bryan Basketball captain at yung isa maganda naman.
BINABASA MO ANG
Anyone of Us
RomanceNagmahal ka na ba ng sobra? Sobrang tagal. Sobrang bagal. Sobrang hulog na hulog. Sobrang mapagpasensya. Sobrang bigay na bigay. Sobrang sakit. Maaring mangyare din sayo to. Maaring nangyayare sayo ngayon. Minsan iniisip natin na tayo lang nagkakar...