Take (1): First Day Of School <3

4.4K 105 15
                                    

John's POV

"Justine! Bilisan mo! Late na tayo ng 5 minutes!" Sigaw ko kay Justine dahil 6:00 ng umaga ang pasok namin at late na kami ng 5 minutes. First day of school late na agad kami ang bagal kasi ni Justine ang layo pa naman samin ang school namin at traffic pa sigurado dahil first day of school.

By the way i'm John Cruz 14 years old pinsan ko si Justine 15 years old pero hindi ko tinatawag na kuya si Justine dahil isang taon lang naman ang pagitan namin dalawa, nag aaral kami sa lakandula high school.

Bumaba na si Justine after 5 minutes. Pano nag papapogi pa sa salamin pogi naman siya. Habang bumababa siya ng hagdan nag sasalamin parin siya habang inaawi ang buhok niya na inaalagaan talaga niya.

"Bilisan mo Justine! Late na late na tayo! First day of school late agad tayo! Ang bagal mo kasing kumilos papogi ka kasi ng papogi sa salamin pogi ka na naman." Galit ko sabi. Pano totoo naman ang bagal niya kumilos.
Totoo naman na mabagal siyang kumilos dahil nag papapogi pa siya sa salamin pogi na naman siya.

"Syempre pinsan first day of school kailangan pogi para mapansin ng girls." Sabay hawi ng buhok niya at nag papogi pose pa.

"Naku pinsan! Di lang mukha tinitignan ng girls ang ugali mo din! Tara na late na tayo!" Sabi ko sa kanya. Sumakay na kami sa kotse para umalis na.

Ilang minuto lang nasa school na kami tumakbo agad ako sa first subject namin nang bigla akong pigilin ni Justine.

"Pinsan sandali lang!! Wag ka ngang tumakbo!! Masisira kapogian ko sayo nito ei!!" Sigaw niya sakin sabay hawi ng konti sa buhok niya.

"Bilisan mo kasi pinsan!!" Sigaw ko sa kanya at huminto sa pagtakbo at hinintay siya sa kinatatayuan ko ngayon.

Nang makarating siya sa kinatatayuan ko nag lakad na kami pakayat sa room namin sa first subject. Hindi lang kaming dalawa ang nalate meron tatlong babae na magaganda ang nalate din.

"Good morning ma'am, good morning classmate sorry where late!!" Sabay-sabay namin sabing lima.

"Sige pumasok kayo!! Next time bawal na kayong malate okey?!" Sigaw ng teacher namin. Bago kami tuluyan pumasok nag salita muna kami ng "okey po ma'am" At pumasok na kaming lima at umupo sa bakanteng upuan sa likod.

"Ikaw kasi ang bagal mong kumilos nagpapogi ka pa." Sumbat ko kau pinsan.

"Sorry na insan don't worry bibilisan ko na magpapogi." Ani niya na puro papogi parin ang alam.

Di ko na lang siya pinansin dahil puro papogi lang alam niya. Kung di ko lang to pinsan sinapak ko na to pormang-porma naman kasi jusko! Kaya lagi kaming nalelate sa school sa pagpapa-pogi niya.

"Okey class sino yung limang late?" Sigaw ng teacher namin habang nakatingin sa class record.

"John Cruz at Justine Cruz po!" Sagot ko. At sinabi din ng tatlong late ang mga pangalan nila.

"Okey! Get your notebook and copy all this!" Turo niya sa blackboard na may nakasulat na lesson namin ngayon first day.

Nagsikuhaan kami ng mga notebook at ballpen para magsulat. Habang nagsusulat kaming lahat nagle-lesson na ang teacher namin isa-isa niyang pinapaliwanag lahat ng naka sulat sa blackboard. May isa akong babae na kanina ko pa tinititigan ang Ganda niya kasi pero... Para ang taray at ang sungit niya.

"Huy! John sino ba tinititigan mo jan ah?" Pang-gugulat sakin ni Justine. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

"Ahhh... Ehhh... Wala naman natulala lang ako." Pag dadahilan ko sa kanya.

"Sus! Wag ako insan! Ayun ba tinititigan mo?" Sabah turo niya sa tinititigan kong babae. Kilala siguro to ni Justine.

"Uhmmm... Oo eh ang Ganda niya kasi." Ani ko.

"Jusko pinsan! Badgirl yan si Ashley ex ko ang katabi niya sa kanan silang tatlo badgirl." Sabi ni Justine sakin habang ako nakatitig parin sa kanya.

"Ah ganun ba? Okey lang yan basta gusto ko siya!" Sagot ko kay Justine

Hanggang pag-uwi kay Ashley lang ako nakatitig inaasar na nga ako ni Justine na baka daw matunaw si Ashley sa titig ko. Hindi ko kasi mapigilan na wag tumitig sa ganda niya e.

"Ashley!! Sandali lang may papakilala ako sayo!" Sigaw ni Justine. Lahat ng tao halos napatingin sa ginawa niyang pag sigaw.

"Hoy! Walangya ka talaga! Wag na Tara na umuwi na tayo marami pa akong gagawin!" Pagpipigil ko sa kanya.

"Ano ka ba sandali lang naman papakilala lang naman kita sa kanya." Ani ni Justine.

"Okay na insan kilala ko na siya di ba nagpakilala kanina alam ko na nga na Ashley pangalan niya eh." Pagdadahilan ko.

"Wag ka ng maarte. Lika na!" Hinatak niya ako pababa papunta kila Ashley.

"O bakit? Sino ba papakilala mo ha?" Mataray nitong tanong.

"Ang taray mo talaga kahit kailan ka no! Pinsan ko papakilala ko sayo." Sagot ni Justine.

"Wala kang pake kung mataray ako! Sige na ipakilala mo na at aalis pa kami."

"Si John Cruz ang pinsan ko, 14 years old, Pogi like me, mabait, matalino, at loyal katulad ko." Tumatawa naman sila Ashley habang sinasabi ni Justine yun. Bakit kaya sila nagtatawanan?

"Hahahaha... Seryoso? Pogi at loyal na tulad mo? Okay sabi mo e." Natatawang sabi ni Ashley. "By the way, nice to meet you John." Pahabol niya bago umalis at nginitian niya ako kaya lalo akong na inlove ng makita ko ang mga ngiti niya.

"Okay ba pinsan? Ang taray no? Tara na di ba may gagawin ka pa." Sabay akbay ni Justine sa akin at nagtungo kami kung nasan ang kotse.

Hanggang sa makauwi kami si Ashley ang nasa isip ko masyado akong kinilig nung nginitian niya ako. Umakyat ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop para mag-facebook at para gawin ang unang assignment namin. Habang gumagawa ako ng assignment siya parin nasa isip ko kaya nga nasulat ko ang pangalan niya sa sinusulatan ko. Ang buong akala ko kasi talaga ta-tarayan niya ako pero mali pala ako may mabuting puso parin pala siya kahit paano.

Mr.Good Boy Meets Ms.Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon