Take (3): Pag Papakilala Sakin Ni Justine <3

1K 55 3
                                    

John's POV

Habang naglalakad kaming lahat para bumaba tinititigan ko si Ashley nakilala ko siya dahil kay Justine at ng mag pakilala isa isa. At bigla kong na alala na papa kilala ako ni Justine kay Ashley kaya bigla akong kinabahan.

"Ui! Pinsan okey ka lang? Tinititigan mo na naman si Ashley naku mamaya malaglag ka sa hagdan kakatingin kay Ashley." Sabi ni Justine ng naka ngiti at pag tapos niya yun sabihin biglang siyang tumawa.

"Ang ganda talaga kasi niya nakaka-in-love. Ang sarap niyang titigan hindi nakakasawa mukha niya." Sagot ko kay Justine habang naka titig parin kay Ashley.

"Ashleyyyyy!! Ashleyyyyy!! Sandali lang!" Sabay sigaw ni Justine.

Nakuuuu!!! Buset talaga tong si Justine sumigaw pa talaga nakakahiya ang dami-daming tao oh. At mas nakakahiya pa nung hinatak niya ako pababa para mabilis kaming makababa tinulak-tulak na niya lahat ng tao kaya ang dami ng nagagalit samin dalawa sa ginawa niya. Pag dating namin sa harap nila Ashley hingal na hingal kami dalawa.

"Bakit? May problema ba?" Pagtatanong ni Ashley.

"Pinsan ko nga pala si John Cruz, pogi katulad ko, mayaman, mabait, matalino, at loyal yan! kanina pa siya titig ng titig sayo gusto ka kasi niya eh!" Diredirecho niyang pagpapakilala sakin.

"Ah okey ayun lang ba? Sge no time for that! At alam kong may gusto siya sa akin kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin sakin kala ko nga may dumi sa mukha ko nagagandahan lang pala siya sa akin." Sagot niya na naka-taray samin.

"Wala pang isang hi o hello man lang jan Ashley?" Paghiling niya kay Ashley na sabihin sakin yan.

"Hello. And good bye!" Sabi niya sakin. Kinilig ako kahit na ang taray ng pagkakasabi niya atleast kahit hello lang napansin niya ako.

"Juskooooo! Namumula ka pinsan ah? Kinilig ka no? Tara na napansin ka na niya at napakilala na kita dahil dyan man lilibre ka ah!" Pang-aasar niya sakin. Sino ba naman hindi kikiligin pag pinansin ka ni crush di ba? Ikaw ba di ka kinilig nung pinansin ka ng crush mo?

"Oo na ang dami-dami mong pera magpapalibre ka pa sa kin! Sa Jollibee lang kita lilibre ah! Di ko pa nakukuha padala sa akin nakalimutan kong kunin kanina late na kasi tayo at dahil sayo yun!" Sagot ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa parking lot kung saan nakaparada yung kotse namin.

"Ang kuripot mo talaga kahit kailan pinsan!" Galit na sabi niya sakin. Hahahaha!! Kada lilibre ko kasi siya sa Jollibee o MCDO ko lang siya nililibre minsan lang sa mahal na restaurant pag gusto ko ng masarap na pagkain. May pinag-iipunan din kasi ako.

"O edi wag na lang?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Sige na okey na yun babawiin mo pa eh! Tara na gutom na ako!" Sigaw niya sakin. Halatang galit na siya kaya tinatawanan ko na lang siya.

Nagdrive na ako papunta sa jollibee malapit sa school namin. Pagkarating namin siya na ang umorder ng kakainin namin dalawa at talaga ang mahal ng binili niyang pagkain kaya naging mahal kasi ang dami niyang binili para sa kanya. O di ba timawa lang

"Eto na pinsan tara na uwi na tayo para makakain na tayong dalawa alam kong nagutom ka din sa pagpapakilala ko sayo kay Ashley eh." Pang-aasar ng mukha niya sakin dahil nga marami siyang binili pagkain para sa kanya. Ganyan yan si Justine eh walangya di ba?

"Leche! Timawa ka talaga no?! Akin na yung sukli ko?" Sabay batok ko sa kanya.

"Di naman gutom lang talaga ako grabe ka sa akin pinsan ah! Nandyan sa bulsa kunin mo." Pagpapatuloy parin niya sa pang-aasar sakin. Kuniha ko ang sukli ko sa bulsa ng pantalon niya at ang sukli na lang ay 30pesos.

30 minutes

Pagkauwing-pagkauwi namin kinuha agad ni Justine lahat ng sa kanya at binuksan sabay kain agad sa mga pagkain niya. Kumain na din ako para pagtapos kong kumain magawa ko lahat ng assignment namin. Grabe first day of school ang daming assignment agad.

Umakyat agad ako sa kwarto ko para gawin ang mga assignment ko na sobrang dami hindi na nga ako nagbihis para gawin lang agad tong mga assignment ko. Binuksan ko ang laptop ko para magsearch ng mga assignment ko na to at para na din magsound trip hindi kasi ako sinisipag pag walang music kaya laging may music pag gumagawa ako ng mga assignment at report ko.

Yung feeling na hanggang sa paggawa ko ng mga assignment namin si Ashley parin ang nasa isip ko. Lalo't pinakilala ako ni Justine mas kinikilig tuloy ako pag-iniisip siya. Ewan ko ba bakit siya pa ang nagustuhan ko maganda lang naman siya at matalino pero badgirl siya at parang mahirap siyang ligaw sa ugali niya. Pero hindi ako mabilis sumuko kaya liligawan ko siya kahit mahirapan pa ako o kahit pahirapan niya ako.

Halos tatlong oras na akong gumagawa ng assignment namin sa sobrang hirap humanap ng sagot halos dumugo na nga ilong ko kakasagot dito wala man lang kasing sagot kay pareng google. Buti na nga lang natapoa ko na assignment namin report ko na lang sa tatlong subject at dalawang project. Siguro kung isa ako sa mga tamad sa school namin walang magrereport sa amin, paano ba naman kasi first day of school ang daming assignment at project tapos magpapareport pa ang hirap talaga maging masipag.

"Insan?!!" Sigaw ni Justine habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Bakit na naman?! Ano na namam kailangan mo?! Marami pa akong ginagawa!!" Sigaw ko habang nakatutok parin sa laptop.

"Tatanong ko lang sana kung may gawa ka na ng assignment sa math at science?" Tanong niya.  Sure mangongopya yan e.

"Wala pa bakit mangongopya ka na naman?" Pangunguna ko sa kanya.

"Alam mo naman pala magtatanong ka pa. Tapusin mo na insan ah? Pakopya." Sabay baba niya para manood ulit ng TV.

"Ang tamad talaga ng bwiset na yun." Naiinis kong sabi.

Paano ba naman kasi kada may assignment lagi lang siya nangongopya sa akin sinong hindi maiinis di ba? Kaya sa inis ko hindi ko na tinuloy ang ginagawa ko tinapos ko lang ako report ko at nagfacebook na lamang.

Mr.Good Boy Meets Ms.Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon