Take (39): Kasalan <3

457 16 2
                                    

3rd Person's POV

Nag simula na ang kasalan nila Ashley at John. Lahat ng panauhin ay inaanyayahang lumahok sa banal na misa. Matapos isaayos ang mga magulang, ninong ninang, abay at ikakasal, sila ay naglalakad nang marahan patungo sa altar kasabay ng pagtugtog ng organista.

Namumuno: Magsitayo ang lahat para sa pagsisimula ng pagdiriwang.

Pari: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Minamahal na Ashley Delos Reyes at John Cruz ang Diyos ay pag-ibig at sa kanyang dakilang kapangyarihan at pagmamahal ay pinagsama niya kayo sa pag-ibig. Binigyan niya kayo ng kalayaan upang palaguin ang pag-ibig na ito. Ang Diyos din ang tutulong sa inyo upang pagtibayin ang kinabukasan ng inyong pag-ibig kung inyong ibabahagi at kusang-loob kayong magmamahalan at gumagalang sa isa't-isa sa kaginhawahan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan, sa panahon ng mabuti at masama sa isang tipan na sa ilang sandali ay inyong tatanggapin.
Ngayon, mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo'y maging marapat sa banal na pagdiriwang.

Nagkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na umamin sa nagawang kasalanan

Pari at Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kristo, kaawaan mo kami.

Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Papuri sa Diyos sa kaitaasan.

Pari at Bayan: At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka naming, dinarangal ka naming, sinasamba ka naming, ipinagbubunyi ka naming dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapangkat ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang O Hesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pari: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa ipinagdurugtong na buhay ni Ashley Delos Reyes at John Cruz, na ngayo'y umaako sa banal na tipan ng kasal nawa'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Namumuno: Manatiling nakaupo para sa pag-iisang dibdib. Sisindihan ang kandila sa magkabilang gilid ng luruhan ng ikakasal.

Mr.Good Boy Meets Ms.Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon