Take (37): Bakasyon <3

216 12 0
                                    

Jonh' POV

Tulad ng pangako ko kay Ashley na papakilala ko siya sa parent ko sa bakasyon ngayon na iyon. Ayos na ang lahat ng kailangan namin tatlo kaya umalis na kami ng bansa.

Ilang oras lang nandito na kami kung saan ang perant ko. Ginising ko si Ashley upang sabihin na nandito na kami. Nagulat siya ng pag tilat ng mga mata niya kung nasan kami.

"Wow! Panaginip ba to!?" Sabi niya ng masaya at sinampal sampal ang pisngi niya.

"Hindi ito panaginip babe nandito talaga tayo sa korea. Sabi ko naman sayo magugustuhan mo kung nasan ang family ko." Sabi ko ng masaya sa kanya. Bumama na kami ng masaya habang si Ashley wow lang ang nasasabi niya sa sobrang tuwa at umikot pa talaga siya upang makita ang korea at mafeel niya.

Pumunta na kami sa mismong bahay ng magulang namin ni Justine. Pag pasok namin ng bahay nag good morning agad si Ashley pang galang ba sa kanila. Nag good morning naman sila mama at papa kay Ashley at pinag masdan nila si Ashley mula ulo hanggang paa kay medyo na hiya si Ashley. Si Justine naman kumiss sa mommy niya at umupo na agad sila sa table dahil oras na para kumain.

"Ganda ng napili mo anak a." Sabi ni papa habang nag lalakad kami papuntang table kaya si Ashley na hihiya-hiya. Kumain na kami ng sabay-sabay pag tapos namin kumain nag pahinga kami sa kwarto ko.

"Grabe!!! This is may wish!! May wish is come true!! At dahil sayo yun babe! Thank you! Thank you!" Pasasalamat nang sobra ni Ashley habang kinikiss ako sa pisnge. Grabe ang sarap sa feeling na di nasayang effort mo sa kanya.

"Sabi ko naman sayo magugustuhan mo kung saan tayo pupunta. Sige matulog ka na para pag gising mo aalis tayo nila mama mamaya gagala tayo parang bonding ba." Sabi ko sa kanya at ako naman ang kumiss sa noo niya.

"Sige babe! Thanks talaga babe! I love you!" Sabi niya sabay kiss ulit sa pinge ko at humiga siya ng sobrang saya. Nag palit muna ako ng damit sa CR at na tulog na din sa tabi ni Ashley.

Ilang oras lang na gising ako dahil may tumatawag sakin sa baba. "John!! Tara na aalis na tayo!! Gisingin mo na si Ashley!!" Sige ni Justine galing sa baba. Ginising ko naman agad si Ashley.

"Babe! Babe! Gising na aalis na tayo nila mama maligo ka na rin pag tapos ko!" Sigaw ko galing sa CR dahil na liligo ako. Pag labas ko ng CR naka upo lang si Ashley na parang inaantok pa at sobrang gulo ng buhok niya.

Pinuntahan ko siya at timungin ako sa mukha niya at may muta pa siya sa mata niya."Hey babe! May muta ka, maligo ka na at aalis na tayo nila mama." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang mga muta niya sa mata.

Pumunta na sa CR si Ashley para maligo. Pag tapos maligo ni Ashley tinawag niya ako dahil may pinapakuha siya sakin.

"Babe! Babe!?" Sigaw niya sakin. Lumapit naman ako ng konti sa pinto ng CR para mas marinig ko siya ng maayos.

"Ano yun babe!?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang belt sa pantalon ko.

"Pakuha naman ung towel ko sa loob ng bag na itim!" Sigaw niya. Hinanap ko naman ung bag na itim pag-kita ko sa bag na itim niya hinanap ko ang towel niya pag-kahanap ko dinala ko agad kay Ashley.

"Babe oh!" Sabi ko sabay abot sa kanya ng towel binuksan ni Ashley ng konti ang pinto ng CR habang naka tago ang buong katawan niya sa pintuan ang mukha lang niya ang naka labas at kinuha niya agad ang towel.

"Thank you." Sabi niya at sinuot ko na ang polo ko nang maayos. "Babe! Paabot naman ng bag na itim nandun kasi mga damit ko." Utos ulit niya sakin. Inabot ko naman agad sa kanya at nag pasalamat lang ulit siya.

Pag tapos kong mag bihis sakto pag labas ni Ashley nang naka bihis na din siya, mag hiheels na lang siya. Pag suot niya ng heels kinuha lang namin ang kailangan dalhin at bumaba na kami agad. Kami na lang pala ang inaantay nila.

"So let's go!?" Tanong ni papa samin.

"Let's go pa! Excited na rin si Ashley." Sabi ko kay papa sabay tingin kay Ashley at ngumiti lang siya dahil na hihiya siya na ipahalata ang excitement niya.

Umalis na kami ng bahay at nag libot sa korea. Nag malling lang silang dalawa ni mama at tita ng masaya at kaming boy's nag libot-libot sa mall.

"Mukhang close na ni Ashley si tito at tita ah?" Pang aasar ni Justine sabay ngiti sakin.

"Oo naman! Botong-boto ako jan sa Ashley! Una sa lahat ang ganda, Cute, Mabait na bata, maganda ang mga mata, maganda ang ngiti at marami pang iba." Pag mamalaki ni papa na boto siya kay Ashley.

"Buti naman pa at nagustuhan mo si Ashley." Sabi ko. "Ilang linggo ko rin niligawan, sinuyo, at nag effort pa ako para lang makuha ang matamis na oo niya." Habol ko pa kay papa.

"Ayaw pa niya sayo sa umpisa?" Tanong ni papa sakin. Tumingin ako kay Justine dahil siya ang dahil kung bakit ayaw ni Ashley sakin sa umpisa.

"Pano etong si Justine! Ung kaibigan ni Ashley na si Raquel ay niloko niya kaya ang akala ni Ashley lolokohin ko din siya!" Pasigaw na sabi ko kay papa habang naka tingin ako kay Justine at si Justine naman tunatawa tawa lang.

"Ay!! Kaya naman pala!" Sigaw ni Papa kay Justine na pabiro na natatawa tawa.

Pag tapos mag shopping nila Mama kumain na kami, sila Mama at Papa habang kumakain kami iniinterview nila si Ashley tunggol sa buhay nila ng pamilya nila. Pag tapos namin kumain umuwi kami agad sa bahay. Pag uwi sa bahay nag usap muna kami saglit nila Mama.

"So bukas aalis ulit tayo pupunta tayo sa mga magagandang place dito sa korea." Sabi ni Mama kay Ashley. At si Ashley halatang na excite siya sa sinabi ni Mama.

"Sige po." Sabi ni Ashley sabay ngiti at tingin sakin.

"By the way! Mama at Papa na din tawag mo samin. Tutal soon to be na naman kasal niyo dito sa korea di ba?" Sabi ni Mama kay Ashley. Naku naman itong si Mama! Secret pa nga lang namin yun! Ano ba yan!

"Soon to be po kaking mag papakasal dito?" Nag tatakang tanong ni Ashley sabay tingin sakin.

"Oo dito tayo mag papakasal kung papayag kang mag pakasal sakin?" Sabi ko kay Ashley hindi na ako nag dahilan pa.

"Oo naman! Payag ako lalo na dito pa sa korea!" Sigaw niya na parang excited siya. Buti na lang! Si Mama kasi e. Pag tapos namin mag kwentuhan nag punta na kami sa mga kwarto namin para matulog at mag pahinga na.

Mr.Good Boy Meets Ms.Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon