OMB 7

106 8 8
                                    



Louise's POV

Hayy! Nakakabanas naman! Tsk!

Upo at tayo. Lakad dito Lakad doon ang ginagawa ko. Hindi pwedeng dito lang kaming dalawa no? Baka pagnasaan niya pa ang sexy kong katawan!

"Hoy Joon Kim! Ano? Uupo ka lang ba diyan? Akala ko ba astig ka? Tch! Wala ka pa lang magawa eh!" Sabi ko sa kanya habang naka-crossed arm pa 'ko.

Maldita ang peg?

Asar siyang tumayo at hinarap ako.

"Pwede ba 'wag kang umarte diyan! Kung ako lang, kaya kong makaalis dito. Pero dahil nandito ka pati diskarte ko nagugulo!" Sagot niya naman. Ano raw?

Napansin ko lang na masyado siyang malapit sa'kin kaya naman medyo umatras ako. Paghakbang ko paatras, siya naman ang lalong paglapit niya sa'kin kaya umatras ulit ako.

Ganoon lang ang eksena namin hanggang sa madikit na'ko sa wall.

"Hoy, a-ano bang ginagawa mo ha?" Pasigaw kong tanong kaya naman napahawak siya kunyari sa tenga niya para malaman ko na masyado malakas ang boses ko.

Bahagya pa niyang inilapit ang mukha niya sa'kin saka nagsalita,

"Yung necklace mo? Saan mo nakuha yan?" Tanong niya gamit ang kanyang mapang-akit na boses with matching angelic eyes pa.

Duh? Angelic eyes? Bakit ko ba nasabi yun?

"Anong nakuha? Anong palagay mo sa'kin magnanakaw?"

"Wala akong sinabing ninakaw mo yan Miss Han."

"Eh kasi naman yung tanong mo parang sinasabi mong ninakaw ko 'to! Atsaka bakit ba tanong ka ng tanong? Ano bang pakialam mo? Siguro naiinggit ka dito no? Ah! Alam ko na, bakla ka siguro! Sigu-"

=====

Joon's POV

"Eh kasi naman yung tanong mo parang sinasabi mong ninakaw ko 'to! Atsaka bakit ba tanong ka ng tanong? Ano bang pakialam mo? Siguro naiinggit ka dito no? Ah! Alam ko na, bakla ka siguro! Sigu-"

Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin niya dahil bigla ko siyang hinalikan.

Ako? Bakla? Tch!

Hindi siya nakapalag sa ginawa ko. Mas lalo ko pang idiniin ang mga labi ko sa labi niya kaya naramdaman kong nagpigil siya ng paghinga.

Wala akong mabasa ni konting pagtutol sa mga mata niya pero ang mga kamay niya ay nakahawak sa dibdib ko para pigilan na lumapat ang katawan ko sa kanya.

Nang iwanan ko ang mga labi niya nakita kong nakapikit na siya.

Tch! Nagustuhan naman.

Kaya naman hinalikan ko siya ulit but this time I just pressed my lips on hers. I feel her heart is pounding. Pareho kami. Hindi kaya gusto niya din ako?

"What are you doing here?"

We were both stunned nang makita namin si Wesley. Saglit kaming nagkatinginan ni Louise bago kami nag iwasan ng tingin. We were both looking for an answer.

Ano nga bang ginagawa namin?

"Against the Academy's Rules ang ginawa ninyo Joon Kim, Louise Han. Can you both explain kung bakit kayo nandito and .. Oh! I caught you too kissing!" Nakangising saad ng mayabang na si Wesley.

Kinuha ko yung mga gamit ko at akmang aalis na pero tinawag ako ni Louise.

"Hoy Joon Kim!" Agad ko siyang nilingon. Hindi dahil sa tinawag niya ko kundi dahil sa boses niyang nanginginig.

Nang lingunin ko siya nakita ko siyang umiiyak. Naalarma ako kaya nilapitan ko siya.

"Oh bakit ka umiiyak?" Nag- aalalang tanong ko.
Pero imbes na sumagot, pinalipad lang naman niya ang kamay niya sa mukha ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Nagulat ako sa ginawa niya.

"Walang hiya ka Joon Kim! Ninakawan mo ko ng halik! Ang kapal ng mukha mo para gawin yun! Hindi mo ba alam na first kiss ko yun? Walang hiya ka! Hindi kita mapapatawad!!" Nagsisisigaw siya habang pinagsusuntok ako sa dibdib.

Pilit kong ininda yung sakit nang paghampas at pagsampal niya sa'kin at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Ginusto mo din naman yun diba? Kasi hindi ka man lang pumalag!"

"Ang kapal mo talaga! Hindi kita mapapatawad!"

This time pumagitna na si Wesley.

"Ahh! Ninakawan mo pala ng halik ah! Huh! Akala ko pa naman puro basag ulo lang ang alam mo!" Nag-aangas na naman siya.

Tapos nagulat na lang ako ng bigla akong tumilapon sa sahig.

Shit!

Napahawak pa ako sa labi kong pumutok yata dahil sa pagsuntok niya.

"Para yan sa pagnanakaw mo ng halik kay Louise!"
Nang makabawi na'ko, agad akong tumayo para gumanti.

Hindi ko kayang palampasin ang pagpapaka-bayani niya sa harap ni Louise.

Isang malakas na suntok din ang ginanti ko sa kanya kaya bumagsak din siya sa sahig.

"Ano ka? Knight in Shining Armor? Pakielamero ka!"

"Tama na nga yan!" Awat ni Louise tapos ay tinulungan niya si Wesley makatayo.

Tila sinamantala naman yun ng gago para makaakbay kay Louise.

"From now on I want you to stay away from Louise!" Banta ni Wesley'ng gago.

"Hindi mo siya pag-aari Wesley."

"At hindi din naman siya sa'yo! And she will NEVER be yours! Keep that in mind!" Pagkatapos ng walang kwentang banta niya ay umalis na sila ni Louise.

Tsk! Sumama naman siya sa Wesley na yun!


Oh my Boy! (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon