Louise's POV
Nakaka-inis! Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko!
Alam mo yung feeling na parang may nakatingin sayo at tila binabantayan yung bawat kilos mo? Ang creepy di ba? Yan yung nararamdaman ko ngayon.
Paano ba naman kasi sa dinami-rami ng mga estudyante dito sa Buckston Academy si Joon Kim pa ang makakasama ko dito sa rooftop.
Hindi ko na talaga napigil yung sarili ko kaya nilingon ko na siya para naman malaman ko kung tinitignan niya nga ba ako.
Hindi naman ako nagkamali dahil sakto pagharap ko nakatutok na naman sa'kin yung camera niya. Pero agad niya din ibinaba yun. Tss! Akala niya siguro di ko siya nahuli!
"Hoy anong ginagawa mo? Kinukunan mo ba ko ng litrato?" Pasigaw yung tanong ko na yun dahil medyo malayo kami sa isa't isa.
Kahit medyo malayo siya at mataas ang sikat ng araw ay napansin ko pa din ang pag kunot ng noo at pag-irap niya.
" 'Wag kang feeling Louise Han! Hindi ikaw ang kinukunan ko kundi yung view sa east."
"View? Sa east? Sige lang Joon palusot pa more! Tss!" Naiiling na lang ako tapos bumalik na sa pagpipinta.
Nakakaasar! Lagi nalang nagpapalusot. Akala niya siguro hindi ko nababasa ang mga kilos niya!
=====
Joon's POV
That was epic! - Napangiti ako sa sarili ko.
Sinimulan ko nang ligpitin ang mga gamit ko dahil tapos naman na ako sa project ko. Bilis diba? Malamang magaling ako eh!
Bago ako bumaba sinulyapan ko muna si Louise. Nakita kong nagliligpit na din siya kaya nilapitan ko muna siya.
"Tapos ka na din?" Tanong ko nang makalapit sa kanya.
Saglit lang niya akong nilingon saka pinagpatuloy ang pagliligpit.
"Obvious ba?" Sabi niya.
"Dalian mo na diyan! Ang bagal mo naman!"
Huminto siya sa ginagawa niya saka ako hinarap.
"Eh di mauna ka na kung nagmamadali ka! Atsaka bakit ka ba naghihintay? Wala akong sinabi na hintayin mo 'ko! Close ba tayo?" Nakapameywang pa siya habang sinasabi yun.
Wala sa loob ko na mapatingin sa leeg niya, saglit kong natitigan yung suot niyang kwintas na parang pamilyar sa akin.
P-parang may natatandaan ako sa kwintas na yun.
"Saan galing yung kwintas mo?" Bigla kong naitanong.
"Ano bang pakialam mo? Psh! Tabi nga!" Sagot niya tapos ay nauna na siyang umalis.
"Sandali lang Louise!" Habol ko sa kanya. Pero hindi naman niya ko nilingon at dumiretso na siya sa pintuan. Nakita kong pinipilit niyang buksan yun kaya binilisan ko pa ang paglapit sa kanya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Ayaw bumukas eh! May nagsara yata ng pinto." Nang sabihin niya yun sinubukan ko din na buksan yung pinto pero tama siya, naka lock nga ito.
"Ba't naka-lock 'to?"
"Ewan ko. Di ba ikaw yung huling umakyat? Siguro ikaw nagsara nito 'no?"
"Bakit ko naman 'to isasara?" Naasar na'ko. May iba pa kasi kong lakad ngayon eh, pero dahil sa pesteng nag lock ng pintuan maaatras pa yata.
Tinadyakan ko yung pinto dahil sa asar ko. Pinihit pihit ko pa ulit yun pero ayaw talaga mabuksan.
"Ahh badtrip!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Oh my Boy! (Ongoing)
Novela JuvenilCelebrity wannabe's ! Interested? Add this on your library. Enjoy reading!