Hi :)
Long time no update. Sorry for super lateeeee update AUniverse. I'll make bawi na lang :(
For the meantime enjoy reading this (maiksing) update.
--
First face to face class namin ngayon, I'm so excited but a little bit nervous.
"Ken!" Pagtawag sa 'kin ni Dahlia. Siya pa lang din kasi close ko sa mga classmates ko. Noong online pa kami, yung iba kong kaklase mga nakaka usap ko lang kapag nakasama ko sa groupings or what.
Pero si Dahlia, siya yung una kong nakausap at naka close pa. Meron din namang isa, si Harry. Ayon naman minsan ko lang maka chat, pero masasabi kong kaibigan ko siya.
Hindi lang kami ganon kadalas mag usap, pero kapag may gala sumasama siya sa'min ni Dahlia. Kaya masasabi kong kaibigan ko sila.
"Nakita mo na ba si Harry?" Tanong ko rito nang makalapit ako sa kanya. Umiling naman siya sa'kin.
Nasa bench kami ngayon, dito muna kami pinapunta kasi sisimulan ang program maya maya. For sure i-welcome ng school ang pagbabalik iskwela ng mga estudyante.
"Nasaan na kaya ang lalaking 'yon. Sabi ko pa kagabi sabay tayong tatlo."
Hindi pa nag tagal ay dumating din si Harry sakto lang dahil uumpisahan na ang program.
Nauna ang pagbati sa aming mga students, flag ceremony at marami pang kagawian tuwing umpisa ng klase. Pagkatapos ay dumaretso na kami sa aming classroom. Hindi pa namin kabisado ang school at mga rooms, kaya inassist naman kami ng aming adviser.
--
Nagsimula na ang klase namin at dahil ngayon lang ulit kami nakapag face to face class, may 'introduce yourself' pang nalalaman ang aming teacher. Sa lahat ba naman dito ako kinakabahan.
I mean, wala naman kasing ibang interesting sa'kin atsaka hindi naman agad matatandaan ako ng mga classmate ko sa ganon. Maliban na lang sa name ko s'yempre!
Sa aming tatlo, si Harry ang mauuna dahil Hilario ang surename niya. Sunod naman si Dahlia na Smith ang surename, at ako na Viceral.
"Hello, I'm Harry Hilario. 20 yrs old, dancer at ang motto ko in life, 'Don't panic it's organic' thank you po!" Pag introduce nito sa sarili. Well, dancer naman talaga siya at ayon talaga ang motto niya sa life.
Sumunod na ang iba ko pang classmate bago si Dahlia. "Hiiiii, I'm Dahlia Smith. 18 yrs old, singer. But, Ken said I'm not."
Natawa naman ang mga classmate ko sa sinabi niya. Hala si gaga, self proclaimed talaga siya oh! Dinamay pa'ko hmp!
Inirapan ko siya na ikinatawa naman niya, "anyways, ang motto ko in life 'time is precious and me too'." Nagpa cute pa siya sa mga classmates namin bago bumalik sa upuan niya.
Tinawag na 'ko ni ma'am kaya pumunta na 'ko sa harapan. Pakiramdam ko lahat sila nakatitig sa 'kin at hinuhusgahan ako.
"My name is Kenneth Viceral. 21 yrs old, I have no talent Miss. Motto in life 'respect my privacy tutal private school naman 'to'." Ngumiti ako at umalis sa harapan.
Nagsitawanan naman ang mga classmate ko, ganon din si Bb. Flor, teacher namin.
"Okay. Nirerespeto ko ang privacy mo, Viceral." Ako ang last na nag introduce dahil ako ang huli sa list.
But I think mali ako, may humabol.
"Bb. Flor, pasensya na po kayo kung hindi ako nakarating sa tamang oras ng inyong klase. Humihingi po ako ng paumanhin at pang-unawa." Aniya ng late naming classmate.
"Ikaw si?" Tanong naman ni Bb. Flor sa kanya. Pumasok na siya ng tuluyan.
He's,
"Ravi Perez po Bb. Flor" sagot nito.
My ultimate crush!
"Hmm. Sige na, Perez. Ipakilala mo na ang iyong sarili sa iyong mga classmate."
Lumakad siya papunta sa harap, bawat galaw niya ay siya namang sunod ng mga mata ko. Nang makarating sa harapan, nilibot niya ang paningin sa loob ng klase. Ngumiti siya at nag pakilala.
"Hello, my name is Ravi Perez. 20 yrs old, matatawag namang talent ang pagiging pogi right?"
Yes, omg! Ikaw lang ang bibigyan ko ng pribilehiyo na gawing talent ang kagwapuhan. Kinikilig ako sa loob loob ko. Akala ko absent siya ngayon, late lang pala.
Wala na, hindi na maalis yung ngiti sa mga labi ko. Si Ravi naman kasi parang tanga na babakla tuloy ako. Ay, bakla pala talaga ako hihihi.
"Motto in life, hmmm." Umakto siyang nag iisip 'shit ang pogiiiiii'
Agad ko namang inayos ang sarili ko unti unti na kasing lumalambot ang expression ko. Nag papanggap pa naman akong cold-mysterious person, tinatanggalan kasi ako ni Ravi ng angas e.
'sana ibang bagay naman itanggal niya sa'kin hihihi'
"Ah! Motto in life, 'kung mang aakit akit ka, p'wede bang sa akin, akin lang'." He said and wink at me.
'HE FUCKING WINK AT ME!!'
Vote | Comment| Follow
It is appreciated :)At first super hesitate akong ipublish 'to kasi matagal na siya sa drafts ko kasama ng iba pang OS 🙆🏻♀️
Tsaka ang iksi kasi niya para maging pambawi sa tagal ng pag publish ng another OS. 😭Nyways, enjoy reading.
Shaloms! :)
YOU ARE READING
Alternative Universe (One Shot Different Story of ViceIon)
FanfictionAlternative Universe of Vice and Ion. If ViceIon is not Vice as Vice and Ion as Ion. will their love and life's are meant to eachother? Hi. Welcome to Alternative Universe ng ViceIon. I hope you will enjoy reading, and please if you don't like. You...