ONE SHOT :)
Nagulat ako ng biglang ipatong ng lalaki ang kamay niya sa legs ko, may mahinang pag pisil pa ito. Jusko naman Lord ba't naman tinabi mo ako sa dalawang manyak.
Parang gusto ko na tuloy umiyak, tanga ba sila? Hindi ba nila halatang bakla ang pinag papantasyahan nila o sadyang malibog lang sila?
"Babe are you okay?" Nagulat ako ng marinig ito sa lalaking ngayon ay may hawak ng legs ko.
Nakita ko ang tingin ng isa ko pang katabi sa kamay nitong si kuya na naka hawak sa legs ko.
Tinignan ko siya ng may takot sa mga mata, kinakausap niya ako gamit ang mga mata niya. Grabe ang galing ng mga mata niya expressionism naintindihan ko ang gusto niyang iparating.
Tumango lang ako bilang sagot. "Gusto mo ba palit tayo ng pwesto? Gusto mo dito sa may bintana?" Tanong pa nito sa 'kin.
Tumayo siya at pinalipat ako sa pwesto niya, sa bandang bintana kasi siya.
Jusko kuya kung tulong ang intention mo, maraming maraming salamat. 'Yung katabi ko kasi sa kabilang side ko e, pasimple ang himas sa binti ko.
Kes'yo kunwari nahulog ang ballpen niya at kakaskas ng kamay niya sa binti ko. Panay rin ang titig sa legs ko, panay baba rin tuloy ako ng short ko.
Hindi naman ako makapag reklamo, bukod sa nakakahiya, natatakot din ako. Feeling ko kasi mapapahiya lang ako kapag bigla kong inaway ang lalaking ito. Baka itanggi niya lang at pag tawanan ako ng mga tao rito sa eroplano.
S'yempre, bakla ako ang iisipin ng mga 'yan na ako pa ang nang tsatsansing sa panget na lalaking ito.
Nang makapag palit na kami ng pwesto, nakita ko ang pagtitigan nila ng panget na lalaki. Katakot beh, baka mag sapakan bigla.
Ang gusto ko lang naman ay mag vacation ng tahimik at walang aberya, kaso itong si satanas sinusundan ako ng malas niya.
Hindi pa rin inalis nitong si kuyang pogi ang kamay niya sa legs ko, nasiyahan na ata si kuya. Matapos ang mala saksakan nilang titigan nung panget na lalaki, sa 'kin naman niya binaling ang tingin niya.
Wow kuya ah, nakakatakot ka tumitig pero nakaka laglag panty din ahe!
Ngumiti lang ako sa kanya bilang pasasalamat, agad ko ring iniwas ang tingin ko at ibinaling sa bintana.
Naka salamin si kuyang pogi at naka t-shirt na white. Naka short lang ito na kulay cream, naka tsinelas din siya na kakulay ng short niya.
Bagpack lang ang bitbit niya rito, siguro ang ibang bag niya ay nasa itaas. (Yung lalagyan ng mga luggages sa uluhan sa eroplano. Basta ayon hahahahaha)
Samantala ako, naka short na white, naka polo light blue and white na tsinelas. Mag isa lang kasi akong mag vavacation, wala trip ko lang.
At mukhang ganon din si kuyang pogi. Nilingon ko siya ng may ibulong siya sa 'kin.
Grabe beh, tumaas buhok ko sa bandang leeg sa pagbulong niya. Sa bandang leeg ah, hindi kung saan saan iniisip niyo.
"Huh? Sorry hindi ko narinig, lunod kasi ako sa mga iniisip ko e." Aniya ko rito.
Lumapit siyang muli at bumulong sa tenga ko, nakita ko ang pag lingon ng panget na lalaki sa gawi namin. Mukhang badtrip ang panget na 'yon.
"Bakit kasi ganyan ka-iksi ang short mo?" Bulong ni kuyang pogi sa 'kin. Shit beh! Lalong tumindig balahibo ko sa batok.
Ang sarap ng boses ni kuyang pogi, ahe! Harot ko letche! Lumayo ako ng bahagya pagkatapos ng bulong niya, inayos ko ang suot kong salamin at sinuklay ko ang buhok kong blonde.
YOU ARE READING
Alternative Universe (One Shot Different Story of ViceIon)
أدب الهواةAlternative Universe of Vice and Ion. If ViceIon is not Vice as Vice and Ion as Ion. will their love and life's are meant to eachother? Hi. Welcome to Alternative Universe ng ViceIon. I hope you will enjoy reading, and please if you don't like. You...