Chapter 5

1 0 0
                                    

“What are you doing!” I turned to prince Ocuser because of his shout. 


Namutla si Hein. Moreen dahil lumitaw ang mga kasamahan niyang Heinukel. Tumalon siya mula sa puno at lumapit sa prinsipe. Nagpalipat-lipat ang mata ko sa kanilang lima dahil sa mabibigat nilang tingin.


"M-Magpapaliwanag ako." Yumuko si Hein. Moreen ngunit hindi siya pinansin ni prinsipe Ocuser.


Humarap sa akin si Hein. Vetel at tignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya kinagat ko na lang ang manipis kong labi.


“Even if you are a guest of princess Gail, you cannot leave the palace without permission,” he remarked. The peculiarity of his presence drove me to sweat.


Napalunok ako at yumuko, "May mahalaga lang sana akong kukunin. Patawad hindi ko alam na may patakaran palang ganun." Hindi siya nagsalita.


Prince Ocuser commanded, “Hanuis will go with you, and you must return to the palace within an hour.” His expression showed that he did not appreciate my action, which made me feel awkward.


"Masusunod po," sagot ko. Mukhang ang tinutukoy niya ay ang lalaking may mahabang buhok na hanggang balikat. Kulay lavander pero kapag titigan ko ng matagal nagiging dark purple.


Nandito rin si Hein. Aewe nanonood sa nangyayari habang nakapaskil sa mukha niya ang pang-aasar. "Ako na lang sasama sa kaniya," pagboluntaryo niya.


"Bakit ikaw?" Hindi ko mapigilang itanong. Baka nakakalimutan niyang muntik niya akong tapusin kagabi. Saka hindi ko maiwasang mairita sa tuwing tinitingnan niya ako ng nakangisi.


“Trust me, you will not have a peaceful time when Hanuis is with you,” he teased.


Tumingin ako kay Hein. Hanuis at mukhang tama siya. Masama ang presensya niya na tila ayaw niya akong makasama. Matalim siyang tumingin gamit ang mapula niyang mata. Napaisip tuloy ako kung saan ba siya sa Calmetic nabibilang.


"Payag na pala ako." Natawa si Hein. Aewe at hinila ako palayo sa mga kasamahan niya.


"T-Teka Hein. Aewe—" tumigil siya at tumingin ng may pagtataka.


"Hindi mo alam kung saan ako pupunta pero kung makahila ka sa akin parang alam mo." Binitawan niya ako at alanganing ngumiti sa akin.


He scratched the back of his head, “Oo nga pala. So where exactly are we going?”


"Sa bahay may kukunin lang ako."


“Mmm—mmm”


"Bakit?" Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin.


“I’m sorry about what happened last night,” he whispered while struggling to look at me directly. 


I couldn’t help but smile while walking with him. “It’s fine.” I gave him a sweet smile when he turned to me.


He stopped as if he were hypnotized by what I said. “Hey. Hein. Aewe? Come on. We’ve only got one hour.” I started walking when he quickly looked away.


Hein. Aewe just kept quiet as we walked. I wanted to take the carriage, but I remembered that I didn't have any money. Hindi ko naman maistorbo itong kasama ko dahil mukhang may  malalim na iniisip.


Napansin kong marami kaming nakakasalubong na Yunic. Ang tawag sa mga naninirahan sa Werzenia ay Werzenian. At nahati ito sa dalawa which is Yunic at Ordihum. Ang Yunic ay isang tao tulad ng Ordihum subalit may pagkakaiba ang dalawang lahi dahil ang Yunic ay may taglay na kapangyarihan samantalang ang ordinary human ay wala. 


DemonxHuman Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon