PROLOGUE

34 1 0
                                    

***

"Sun,tara walwal tayo!" masiglang pag-aya sakin ni Heather pagkaupo sa tabi ko.

"pass. May aasikasuhin pa ako." tanging tugon ko lamang at muling ibinaling ang tingin sa application form na pinifill-up'n ko.

"Sus, tama na muna 'yan,  madali lang naman magfill-up niyan." gatong naman ng isa ko pang kaibigan na si Kael na syang naghahanap ng pwedeng makain sa ref.

Tama naman sya, madali lang ang magfill-up nitong application form na 'to, pero bakit ba? Eh, sa excited ako e.

Ang aplikasyon na ito ay malaking tulong para matugunan ang pangangailangan ko sa pera.

"Hoy Sun! Ano na? G ka ba?" pukaw nito sa malalim kong pag iisip.

"Oo na, oo na,  magsilayas na kayo rito at iidlip pa ako." iritableng tugon ko at isinalansan ang mga papeles na nagkalat sa mesa.

"Great! O sige idlip ka na muna sa room mo, dito na lang muna kami tatambay,  mamaya na lang kami aalis kapag naumay na kami sa condo mo."

Ayy ang kapal ng mukha ah.

"Heather nakikita mo ba yung librong yun?" tinuro ko ang makapal na libro na nakasalansan sa shelf, nagdadalawang isip naman itong tumango, "mabuti,now get it and compare it to your face. Tingnan nga natin kung alin sa inyong dalawa ang mas makapal?"

Agad naman itong sumimangot at itinaas ang gitnang daliri ."Fvck you." mura nito.

Ngumisi lang ako at naglakad na patungo sa kwarto ko, "Pakiusap huwag niyong ubusin lahat ng pagkain sa ref,  wala na akong budget." pahabol ko pang bilin sa kanila bago isinara ang pinto at agad na humiga sa kama.

Inaantok na ako, alas-tres pa lang ng hapon pero ramdam ko na ang pagod sa aking katawan. Kaya nga naisipan ko na lang na maghalfday sa trabaho para makapagpahinga man lang kahit saglit.

Malalim akong napabuntong hininga at hinayaan ang sariling dalawin ng antok.

...

"Lezzzzzgooooo!!" excited na tili ni Heather ng tumigil ang sasakyan ni Kael sa parking lot ng Bar. Halatang excited ang loka.

Agad naman na kaming lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Sumalubong sa amin ang nakakasulasok na naghalo-halong amoy ng usok ng sigarilyo at mga matatapang na amoy ng pabango, dumagdag pa dito ang nakakabinging tugtog na halos magvibrate na ang buong lugar.

Umikot ang paningin ko sa buong paligid at napairap na lang ako ng makitang nakaupo na ang dalawa kong kaibigan sa couch mula sa pinakagilid na bahagi ng bar  habang may kinkausap na waiter.

Tss.  Di man lang ako hinila.

Naglakad na lang ako patungo sa direksyon nila habang todo iwas na walang mabangga o walang makadikit sa balat ko. Madami kasing nagsasayawan at nagbibiruan sa kani-kanilng mga table at ayaw ko namang mabunggo ako o matapunan ng alak.

No fvcking way-!

"Oh shit!  What the fvcking fvck?!" malutong na mura ko ng may alak na tumilapon sa damit ko. 

Kakasabi ko lang eh!

"I'm sorry." tipid na paghingi nito ng dispensa gamit ang malalim at baritonong boses.

Matalim ang matang binalingan ko ito at handa na sanang suntukin ang mukha nang sumalubong sa akin kung gaano katangkad ang kaharap ko.

Ang tangkad sheesh, talo ako dito pag suntukan.

Napairap na lang ako at pinili na lamang lampasan ito, i shouldn't be wasting my time over this.Baka imbis na ako yung manuntok eh ako pa yung masuntok. Hindi ako makakapayag na masira ang mukha ko.

IT'S FORBIDDEN (Boys LoveStory) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon