CHAPTER 3

5 0 0
                                    

***

"oh bakit?" iritableng bungad ko sa mga kaibigan ko pagkabukas ng pinto.  Kakagising ko lang pero nandito na sila't nambubulabog.

"makikikape lang." saad ni Kael at tuloy-tuloy na pumasok kahit nakaharang ako sa may hamba ng pinto at agad na dumiretso sa kusina.

"o ikaw naman? " baling ko kay heather ng hindi pa din ito pumpasok at nakatingin pang sakin.

"makikitulog lang,  puyat ako kagabi eh.. Pwede ba? " tanong nito pero hindi pa ako nakakasagot nang pumasok na ako at dumiretso sa couch at ihinilig ang sarili doon.

Susmaryosep alas singko palang ng umaga pero binubulabog na ako ng dalawang 'to!

"wala ba kayong kape tsaka kwarto sa mga bahay niyo kaya nandito kayo't binubulabog niyo ako ng ganito kaaga?" sarkastikong tanong ko at namewang sa harap ni Heather.

"mas malapit 'tong condo mo sa bar na pinuntahan namin kaya dito muna kami." sagot ni kael sa kusina habang nagpapalaman ng tinapay.

"tss.  Sino ba kasing may sabing magbar kayo malapit dito sakin?" ungot ko at naupo sa pang isahang sofa.

"eh nagbabakasakali kasi kaming susunod ka. Apakakill joy mo kasi,  inaaya ka na nga pero ayaw mo naman. Tsk! " pairap na sabat ni Heather habang hinihilot ang sintido.

"para ano?  Para ipasabay niyo na naman ako sa kahit sino 'pag nalasing ako? " sumbat ko naman at inirapan din siya.

Medyo naiinis pa din ako sa dalawang 'to eh. Pinabayaan ba naman ako,  among klaseng kaibigan yun.  tsk!  Kaasar!

"eh sorry na nga e.  Lasing nga kasi ako nun tsaka di ko din mahanap yang baklang yan. " sagot nito at ininguso si Kael na humihigop sa kape. " at isa pa kilala ko naman yun e,  di ko lang alam pangalan.  Madalas ko yung nakikita dito sa building na 'to e, diba? " tanong nito kay Kael na parang pinapahiwatig na segundahan ito.

Baliw,  kilala daw pero di alam ang panglan.tsk,tsk.

Napakibit balikat naman ang isa, "aba ewan ko sayo.  Di ko naman nakita kung sino yung kina negotiate mo dito kay Sheen. Bahala ka dyan.  Basta ako, malinis ang konsensya ko. Hinanap ko pa nga siya nung nahimasmasan na ako e,pero sabi mo umuwi na. " naglalaglagan na ang dalawa.

Napailing na lang ako at hinilot ang sintido.  Sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'to.  Paano ko ba natagalan na maging kaibigan sila?

Akala ko blessing sila sakin ni lord pero parusa pala.

Napanguso naman ito at matalim ang mata ang pinukol sa kausap. "eh kilala ko naman kasi yun! Nung sinabi ko yung address ng building ni Sun ay sinabi niya sakin na tiga-dito din siya, nagtiwala naman ako dahil nga nakikita ko siya dito and i know he's telling the truth.  Kaya pinasabay ko na si Sun sa kaniya." napaikot na lang ako ng mata.  Narinig ko na ang rason na yan.

"So lalaki yung pinagkatiwalaan mo?  So paano kung killer yun o kaya holdapper?Edi napahamak pa 'tong kaibigan natin. Tsk.  Isip mo talaga heather bugok na." bwelta naman niya.

Tama naman. 

"E ano naman ngayon kong lalaki?  Eh lalaki din naman si Sun tsaka nakauwi naman--!" napatigil ito sa pagbulyaw kay Kael at nagtatanong natumingin sakin.

"di ka talaga nakauwi? " hindi makapaniwalang muling tanong nito ng maalala siguro ang sagot ko sa kaniya nung nagkita kami sa lobby

Umiling naman ako bilang sagot.

"what the fuck?" hindi makapaniwalang tanong ni Kael sa tinanong ni heather at sa naging sagot ko. Ngayon nya lang din siguro malaman ang nangyare sakin.

IT'S FORBIDDEN (Boys LoveStory) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon