Chapter 4 - Some People Don't Have Dreams

520 39 14
                                    

Chapter 4 - Some People Don't Have Dreams



"Winter."



"Ano?"



"May karapatan kang magalit."



"Huh?"



"Ginagaya ng mga bulaklak na 'to ang ganda mo, payag ka no'n?!"



"Galit na 'ko, lumayo ka sa 'kin."



Two weeks had passed but Heat was still going on with his bullshit. Aside from calling me crush every now and then, he had found other ways to carry on with annoying me.



"Winter, look! Ginawa ko 'to para sa 'yo!" And since I agreed to being friends with Precious, hindi niya na rin ako nilubayan. Dalawa na sila ni Heat na punong-puno ng energy at walang pasabing pasok nang pasok sa personal space ko. Magkasundong-magkasundo sila sa kalokohan at akala nila, nakakatuwa sila.



"Precious, tanggalin mo 'yan!"



Both Precious and I were confused when Heat suddenly snatched the flower crown on my head. He was so serious that I thought he was gonna fight her. But I was the one who wanted to fight him because of what he said next.



"Masyado na siyang maganda! Baka maagawan pa 'ko!"



From sitting on the grass, I quietly stood up and looked straight at him. "Three... two..."



Mabilis na tumakbo si Heat papalayo habang parang siraulong tawa nang tawa. Wala lang sa kaniya na pinagtitinginan siya ng ibang campers. Gano'n siya kauhaw sa atensyon.



He was already getting far from where Precious and I are when I realized na para ko na rin siyang pinatakas sa activity na dapat ay magkatulong naming ginagawa. "Teka, bumalik ka rito!" I shouted and he quickly turned and ran back.



"Miss mo naman ako kaagad, crush!"



"Maghukay ka," I told him as I sat on the grass again. "At ibaon mo na ang sarili mo."



Heat just laughed again while Precious gasped, still not used to my words that time.



"How's it going, campers?"



I looked up again when I heard Brian's voice. He was on the other side of the long plant box with freshly bloomed pink carnation flowers. That day's activity was to pick your own flowers to decorate your cabin. Yes, it sucked.



"Hi," Precious greeted him.



I, on the other hand, just nudged Heat. "Lakihan mo ang hukay, may katabi ka pa."



"Ha-ha, Winter," Brian sarcastically said while mocking my expression.



I sighed. "What if I don't want flowers in my cabin?"



"Our cabin," pagtatama ni Heat. Hindi ko na sana siya papansinin pero talagang naghahanap siya ng gulo. "Ah, dapat pala mauna ako sa cabin natin mamaya para sa 'kin ka uuwi."



I closed my eyes and took several, very deep breaths. When I opened them again, I still looked at Brian. "What if I want to kill my roommate?"



"We don't do violence here in—"



"There are non-brutal ways to kill," I said, cutting his famous line.



"And I'm not gonna ask how and why you know them," Brian just said, trying to dismiss me.



"A-Ano..." Naagaw na rin naman ang atensyon naming pareho noong nagsalita si Precious. Napakunot ang noo ko dahil ang saya-saya niya lang ilang segundo ang nakakalipas tapos biglang parang nahihiya na siya. "I-I made bracelets..." sabi niya saka iniabot kay Brian ang isang bracelet na gawa sa pink and white carnation flowers, kapareho ng mga bulaklak na nakaipit sa nakatirintas niyang buhok.



Winter HeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon