Chapter 11 - The Summer

391 27 6
                                    

Chapter 11 - The Summer



"What the fuck, Brian?!"



"W-What, anong ginawa ko?"



"Go flaunt your face in front of those ladies! Akala ko ba ikaw ang artista rito? Bakit si Heat na ang pinagkakaguluhan nila?"



It was just the day after we rang the fire alarm and I was already so fed up with it. Ang aga kong nagising dahil sa mga nagtitilian sa labas ng cabin namin!



"Selos ka?" Gusto kong ibalibag sa mukha ni Brian 'yong desk niya nang ngumisi siya sa 'kin.



"Anong—ayoko lang ng maingay sa labas ng cabin!" giit ko at tumawa lang ang siraulo.



"Sorry, I can't do that," mayabang niyang sabi. "I'm taken."



Hindi na ako nakatiis at lumapit sa sofa para damputin ang isa sa mga throw pillows para ibato sa kaniya. Nayamot lang ako lalo nang masalo niya 'yon.



"You wanna get that rest we told you to take before the play starts," he said while casually throwing the pillow back to the couch before going back to whatever he was doing before I barged in the management office. "Sige na," walang lingong sabi niya pa. "Nag-aayos na rin ang mga member ng theater club."



Huminga ako nang malalim. "You're telling me that I have to go back to our cabin?"



"I told you, this town's mayor will be watching the first play so there are guards everywhere right now. You can't go to the forest and the tree house. You can stay here though, if you want. But Precious—my girlfriend—will be here any minute and you don't get to complain about our sweet—" Brian didn't have to finish his bullshit, ako na mismo ang nagkusang lumabas ng office niya.



I guess, there really are moments when having friends matters because I wished I had one at that time. It made me sad, and especially mad, that I had nowhere to go but back to our cabin. Papalapit pa lang ako at natanaw ko ang mga babaeng nagkukumpulan sa pintuan, kumukulo na kaagad ang dugo ko.



"Tabi," madiin kong sabi sa likuran nila at wala ni isang pumasin sa 'kin?! Dire-diretso lang sila sa pagpapa-cute sa roommate kong ni hindi pa yata naghihilamos dahil nagising lang din na nandoon na sila. Bakit ba kasi kailangang i-entertain?!



"Kuya Heat—"



"Sandali lang..." Ang hina-hina ng pagkakasabi ni Heat n'on, pero tumahimik sila. He was just about to lift his arm, and they have already given him the way.



Magko-comment pa lang sana ako sa magkaibang treatment nang maramdaman kong may humila sa braso ko. Hindi ako binitawan ni Heat hanggang sa makapasok ako sa pintuan ng cabin. At talagang pagkalagpas na pagkalagpas ko sa pinto, bumalik din kaagad 'yong mga babae sa dati nilang puwesto. Parang mga tanga.



"K-Kuya Heat... may girlfriend ka na po ba?" one of them asked which made me halt my steps. Napalingon ako ulit sa kanila at bakit ang unang reaksyon din ni Heat ay tumingin sa 'kin?!



I panicked. "Wala siyang girlfriend! Magsibalik na nga kayo sa mga cabin n'yo!" I was trying to close the door when Heat himself stopped me.



"Pero eto ang crush ko!" pahabol niya ro'n sa mga babae habang nakaturo ang isang kamay sa 'kin. Hinampas ko 'yon. "Aray!"



"Kung ano-anong pinagsasasabi mo!" sigaw ko sa kaniya saka tuluyang isinarado ang pinto. Rinig namin ang pagrereklamo ng mga babae sa labas pero wala na akong pakialam. Ang sabi sa 'min, magpahinga. Bakit inuuna nilang lumandi?!



Winter HeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon