CHAPTER 2: MEET THE GIRLS
Nandito ako ngayon sa malll. Papunta na akong McDo ng may mahagilap ang mga mata ko. Isang babae umiiyak habang naka-upo sa isang bench. Pinagtitinginan na siya ng mga tao. Nilapitan ko siya at kinuha ang panyo mula sa bulsa ko. I really hate seeing girls crying. TumigiL ako sa harapan niya at iniabot ang panyo ko.
"Use this." I said. Iniangat niya ang ulo niya sabay sabi ng thank you. Nagulat ako ng marealize ko that it was Jenny who is crying. Jenny is my neighbor hindi kami ganun kaclose pero we're friends naman at the same time schoolmates rin.
"Jenny? Is that you? What happened?" tanong ko sa kanya. Instead na sagutin niya ako tinitigan niya muna ako for few seconds bago niya ako niyakap ng mahigpit. I hugged her back.
"Gab, it hurts like hell! Niloko niya ako. Huhuhu" Yan lang ang nakaya niyang sabihin.
"I know. Stop crying. That bastard doesn't deserve your tears." Hindi ko man kilala kung sino ang tinutukoy niya at ang buong pangyayari, alam ko it's about a boy playing with her feelings o kaya pinagpalit siya sa iba. Boys... They are always like that. tsk! Kaya nga ayaw na ayaw ko sa mga boys. They'll only cause you pain. It's not that I'm a man hater. We just don't like them. I, and so with my girls, do HATE them so much. Oo, may pagka-boyish ako pero hindi ko iniidolo ang mga kalalakihan except for one, my father. I hate them for being jerks, arrogants, egocentrics, douche bags and especially for making fun of the girls and making them cry.
"Gabby! Where the- Uh-oh... What happened to her?" Frances asked when she saw Jenny's state.
"Same old school reasons." I said casually. By that, alam na niya ang ibig sabihin nun.
"The nerve! Makita ko lang kung sinong lalaking yan lagot talaga siya sa akin! Grrr!" Nagtataka ba kayo kung bakit ganun makareact yun? Ganoon talaga si Frances Orville. When it comes to boys na nagpapaiyak ng babae, hindi niya mapigilan ang manggigil. She's frank. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kanya. She expresses what she wants to express. Siguro yan ang nagustuhan ng mga boys sa kanya aside from being pretty and sexy. She hates boys but she's a playgirl. She wants to prove that di lang mga lalaki ang marunong manakit ng dadamin. Pinagsabihan na namin siya pero maatigas talaga ang ulo eh, mana sa amin...
*RINGGG*
"Uhmm. Thanks for the company, girls. But I need to go na. Bye!" paalam niya sa amin.
"Bye." Sabay naming sabi ni Frances.
"Tara na? Baka naimpatso na yung dalawa doon sa kahihintay sa atin." yaya ni Frances sa akin.
"Okay. Tara na." at tinungo na namin ang McDo.
"Hoi babae! Saan ka galing aber?" Siya si Khristianne Yap. Maganda, sexy at matalino. Nagmomodel siya paminsan-minsan. Sa ganda niya para kang matitibo. Maldita din ang isang ito pero swear napakabait niya at sweet sa mga taong important sa kanya.
"May nakita kang babaeng umiyak noh?" Siya naman si Danielle Salvador. Sa aming apat siya ang pinakatalented. Maganda, sexy, magaling sumayaw at kumanta at maging sa arts. Pero what's weird about her? Madali siyang makabasa ng isip ng ibang tao. Siguro nalahian ni Madam Auring. Katulad ngayon...
"Pano mo nalaman? Sabagay AB Fortune Telling ka nga pala.."
"Ha-ha. Funeeh! Nadedelay ka lang naman kasi pag may nakikita kang umiiyak diyan s tabi-tabi. Tas nagaala- Prince Charming ka kunyari at aabutan mo ng panyo yung umiiyak. Tss.. Siguro tomboy ka talaganoh?" at nagtawanan silang tatlo.
"Sige tawa lang ng matuluyan kayo!" asar na sabi ko sa kanila.
"IkSaw naman di ka mabiro." Sabi ni Danie.
"Since we're complete. Tara na?" tanong ni Frances
"OK." sagot naming tatlo.
~~~~~~~~~~~~~~~
Just wondering kung may nagbabasa ng story kong ito... hehehe
Vote and Comment guys... :)
BINABASA MO ANG
When the BOYS Meet the GIRLS...
Teen FictionA story of boys vs. girls... The story may sound cliche but sabi nga nila... DON'T JUDGE A BOOK BY ITS COVER... kaya if I were you, basahin nyo muna ang story kong ito before jumping into conclusions.. Enjoy reading.. VOTE and COMMENT Guys...