Chapter 3.2: When I Met You (Part 2)

7 1 0
                                    

Alex's POV

Pumipila kami ngayon ni George sa ticket booth of course, to buy movie tickets.

Pero may napansin  lang ako. Ewan ko ba, siguro sadyang gwapo lang talaga ako. Rumeact insecure! :P

"Dude, hindi mo ba napapansin? Bago pa lang tayo pumila konti pa lang tao. Pero tingnan mo sa likuran natin, ang dami na. Halos chicks pa!" sabi ni George sa akin

"Pansin ko nga. Yun sana sasabihin ko kaso naunahan mo ako! Tsk! Grabe gwapo ko talaga!" sabay kindat sa babaeng nasa likuran ko na nagha-heart shape na ang mata.

"KYAAAAAHHHHH! Kinindatan niya ako girl!" sigaw ng babae pagkatapos kong kindatan

"WAAAAAHHH!!! Oo ngaa, girl! Swerte mo!" sigaw ng kasama nung babae

"OMG! Ang gwapo naman nila! Kyaaaah!"

"Taken na kaya sila? Oh please wag naman!"

"Gosh ngiti pa lang, makalaglag saplot na!"

"Tama ka! Kyaahhh!"

Ilan lang yan sa mga naririnig naming bulong-bulungan ng mga babae sa likuran namin na nakapila din.

"Aware ba sila na hindi Romance o Comedy ang panonoorin natin?" tanong ni George

"Siyempre hindi. I'm the reason kung bakit sila manonuod ng movie  na to. Mas malaki siguro ang kikitain ng mga producers dahil sa akin!" 

"Ang hangin pre! Pero kasalanan mo pag mamaya maririndi tenga natin dahil sa sigaw ng mga iyan!"

"Sus! Di yan! Sanay naman tayong tinitilian eh! Ano pa bang bago doon?" sagot ko naman.

***********************************************

Khris's POV

Ang haba naman ng pila. Baka mamaya niyan di na kami makapanuod... Naku! wag naman po sana...

"Sisihin mo yung dalawang unggoy doon oh!" Grabe talaga tong anak ni Madam Auring!

As in napaka-creepy niya! I wonder paano namin to naging friend. Hay buhay. Pero wait! Ano daw? Dahil daw sa dalawang unggoy? At dahil ako naman si curious, eh tumingin ako.

Aba't walangyang iyan! Mga unggoy nga! At halata naman na nagpapacute sila! As if naman cute sila.

Okay, fine! Cute sila, may itsura of course! Yung isa, cute, matangkad, mestizo, brown ang buhok at maganda ang build ng katawan. Yung isa naman, I admit gwapo siya, matangkad at mestizo din. Pero mas maapeal siya kesa dun sa kasama niya kahit mas maliit yung katawan niya.Hindi naman gaano kalaki ang agwat ng mga katawan nila. At ang smile niya, wow! nakakasilaw at makatunaw bilbil! Pwedeng-pwedeng pang magazine cover at model ng mga brief! 

Aisssh! Kung makatili tong mga kerengkeng na mga babaitang mga ito! 

"Ehem. Ehem. Done checking them out?" naputol ang aking pagngi-ngilay-ngilay (wow! what a term!) dahil sa pag-iinterupt ni Danielle sa akin

I just give her a huh-look.

"I know they're gwapo and hot. But it's not the right time to fantasize them. Mauubasan tayo ng ticket niyan, sige ka..." And she smirked at me.

Alam ko naman kung ano ang gusto niya ipahiwatig eh. She wants me to handle the situation.

Maldita Mode: ON

So I made my way to those jerks. Narinig ko pang nagsabi ng go si Danielle pero hindi ko nalang pinansin.

"Excuse me!"

***************************************************

George's POV

"Excuse me!" sabi ng isang babae

Kaya napalingon naman kaagad kami sa kaniya.

"Hi, babe? Need something?" sabay wink. Babaero talaga kahit kailan. Tsk!

In fairness, maganda yung girl ha at sexy pa. Halatang sosyal dahil sa suot niya. Para ngang model eh.

Hmmm.. May nabinggwit na naman ata na malaking isda tong ugok na to.

"Babe your face! Please, if flirting with these girls here is what you want to do, would you get your ass out of here and find another place? Naabala kami dito! And the last time i check, this is a ticket booth and not a toying booth. So would you excuse me?" tas pumunta na siya sa unahan.

Hindi namin napansin kanina pa pala ang turn namin. Ang dadaldal kasi namin.

Pero, Woah! Sige, sabihin na nating napaka-LR ko pero it's the first time na may gumawa ng ganoon kay Alex.

At ang loko? Ayun, NGA-NGA! Ikaw, ba naman ang dakilang playboy na si Alex Santos ay tinarayan ng isang hot chix! Hahaha Epic fail!

"Paki-sara pre bago pasukan ng langaw." sabi ko habang pinipigilan ang matawa

"Anong tawa-tawa mo diyan ha? Upakan kita, gusto mo?" inis na tanong niya sa akin. Badtrip ang loko!

"Hahahaha! Nakahanap ka ng katapat mo ah!" sabi ko na may patawa-tawa pa

"Psh!" yun lang ang nasabi niya at bumili na ng ticket namin.

*********************************************************

Gab's POV

"Chill lang, France. May problema ata yung isang customer kaya nadedelay." sabi ko kay Frances

Pumunta ako sa  harapan para tingnan kung ano ang problema. Echosera ako eh! Haha

Pagdating ko doon may nakita akong couple na nag-aaway. Ano naman kaya ang reason ng LQ nila?

At dahil may lahi akong chismosa ay lumapit pa ako.

"Bakit ka anu-ano mo baa siya ha?" -boy

"Wala! Ano ba! Para pinasingit lang sa pila eh!" -girl

"At bakit mo naman pinasingit aber?" -boy

"Eh cute naman siya eh! kaya pinasingit ko na." -girl

"Mahiya ka nga! Ang landi mo! Kasama mo boyfriend mo pero sa iba ka tumitingin!" -boy

"Ako pa ang malandi? E ikaw nga diyan kung saan napapadpad yang tingin mo pag may dumadaan na seksi! Napakaseloso mo! mabuti pa, break na tayo!" -girl

"Ha! Salamat naman kung ganon. Ayoko ng girlfriend na malandi!" -boy

At pareho silang nag walk-out. What a show! Grabe naman.

Sino kaya yung pinag-awayan nila?

Pagtingin ko sa harap, may nakita akong lalaking busy sa pagbili ng popcorn. Hindi man lang nag-sorry sa nangyari.

Grabe ha! Siya yung reason kung bakit nag-away at nagbreak ang couple na yon pero parang wala lang sa kanya.

"Hoy, mister!" sabay tapik sa balikat niya.

At unti-unti siyang humarap sa akin....

At ang lahat ay parang naging slow motion...

O-M-G!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan muna for now!

May part 3 pa...

Vomment and follow!

 para alam ko naman po if may nagbabasa ng story ko. :)

When the BOYS Meet the GIRLS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon