FIRST: Titig
Kung meron man akong kinaiinisan sa buhay ko, ay 'yung paggising ng maaga para maghanda sa trabaho ko. Tss.
Aaminin ko, I'm not a morning person. Noong nag-aaral pa 'ko, laging afternoon shift ang pinipili ko para makatulog pa ako ng matagal.
After kong grumaduate, mas pinili ko ng magtrabaho sa isang coffee shop. Wala naman siyang kinalaman sa kursong kinuha ko, pero gusto ko lang kasing magkaroon muna ng experience sa pagtratrabaho bago pasukin 'yung field na napili ko. At saka, para makatulong narin ako sa Nanay at Tatay ko na nagkukumahog na magtrabaho sa dayuhang bansa.
Well, I am living now with my own life. Noong mangibang-bansa ang mga magulang ko n'ung bata pa 'ko, iniwan nila ko sa Lola ko which is Mama ng Nanay ko. Pero n'ung 17 na 'ko, nagkaroon ng malalang sakit ang Lola at binawian din siya ng buhay. Thankful ako kay Lola dahil tinuruan niya ko ng gawaing bahay. Hindi naging mahirap sa'kin ang mamuhay ng mag-isa. Gusto na sanang umuwi ng mga magulang ko, pero sinabing kong kaya ko naman ang mag-isa.
At ngayon, apat na taon na 'kong mag-isa dito sa bahay. Once a year kung umuwi sina Mama at nagkakaroon kami ng Family Reunion kapag umuuwi sila. Syempre, lahat ng mga kamag-anak namin ay luluwas para bumisita.
Bumangon na ako sa kama at agad na nagtungo sa kusina. Tiningnan ko ang oras sa wall clock.
5:45am
Gosh! 7:00 o'clock pa naman ang oras ng pasok ko sa coffee shop. Tapos, 10 minutes pa 'kong kakain, 30 minutes para sa paghahanda ko, at another 30 minutes para bumiyahe pa. WTF!
Kamusta naman ang award na matatanggap ko bilang Best Late Employee?!
Hindi na ako kumain ng agahan. Agad na akong nagtungo ng banyo para gawin ang ritwal ko.
❌❌❌❌❌❌
Martina Café
7:25amPagpasok ko ng Café, dumiretso agad ako sa pantry para mag-in sa bundy clock. Sinuot ko agad ang apron at cap ko. Pabukas na sana ako ng pinto ng bumungad sa akin si Ma'am Leah na nakapameywang at nakataas pa ang kilay. Napakagat nalang ako sa labi.
"Ang aga mo ata, Gona?" Sarkastikong pagkakasabi ni Ma'am.
"S-sorry, Ma'am. Nalate p-"
"Wala ka na bang ibang pwedeng idahilan sa'kin, Gona? Isang linggo mo nang idinadahilan sa'kin na lagi kang late magising! Hindi ba uso ang alarm clock sa bahay niyo? Aba naman, Marigona. Kung laging ganyan ka sa trabaho mo, baka ikatanggal mo na 'yan!" Mahabang litanya ni Ma'am Leah.
Napakamot at napayuko nalang ako. Totoo naman kasi ang sinabi ni Ma'am. Halos isang linggo na 'kong late dahil sa hindi ko paggising ng umaga. Eh, ano namang magagawa ko kung hindi sanay 'tong katawang lupa ko na magising ng maaga? Maryosep naman kasi Gona, eh!
"P-pasensya na po talaga, Ma'am. Bukas na bukas po, maaga akong papasok." Mabilis kong sagot sa kanya. Sana lang talaga ay mapanindigan ko 'tong sinasabi ko.
Napabuntong-hininga naman si Ma'am. "Sige, pagbibigyan pa kita bukas. Pero kapag hindi ka nakapasok ng maaga, isususpend na muna kita, Gona."
Lalo akong napayuko at napakagat sa labi. Kesehodang magdugo pa 'tong labi ko. Nakakahiya naman kasi talaga.
"Opo, ma'am," nahihiya kong sagot at lumabas na si Ma'am ng pantry. Ako naman ay nanatili nalang muna dito.
Nakakainis! Bakit ba kasi may mga weakness ang mga tao? Bakit kasi kailangan pa n'un? Ayan tuloy, ikatatanggal ko pa 'tong pagiging late kong magising tuwing umaga. Kaasar lang!
BINABASA MO ANG
That Tattooed Chinito
RomanceLalaking Chinito na may tattoo at gwapo. Nakakainlove, 'diba?