SECOND: Epal na Ex

64 3 1
                                    

SECOND: Epal na Ex

Sa wakas, out na namin sa work ni Celine. Sobrang nakakapagod 'tong araw na 'to. Pero masaya naman dahil naging inspired akong magtrabaho kahit puro reklamo ang inabot ko sa customers. Heehee.

5 months na 'ko sa trabahong 'to, pero parang first day ko parin kapag nag-aassist ako. Tsk.

Pero, mas nakaka-distract talaga 'yung may biglang gwapong susulpot at 'di mo talaga alam kung anong gagawin mo. Hayst. First time ko lang maka-experience ng ganun. 'Yung bigla ka nalang matutulala dahil sa angking kagwapuhan niya. Yiiiiiih! Hanggang ngayon kinikilig parin ako kapag naiisip ko siya.

"Sure kang hindi ka sasama?" Tanong sa akin ni Celine habang naglalakad kami papuntang terminal.

"Ano namang gagawin ko dun? Makikita ko lang 'yung bwisit na Baste na 'yon dun eh."

"Ewan ko sa'yo! Mas inaalala mo pa 'yang si Baste kesa sa bonding nating magkakaklase?"

Lumingon ako sa kanya at bumuntong-hininga. Baho. "At sa tingin mo ba maeenjoy ko 'yang bonding natin kung may asungot sa paligid ko?" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. "Hindi syempre! Kaya mananahimik nalang ako sa bahay dahil kailangan kong pumasok ng maaga bukas."

Tinaas naman ni Celine 'yung dalawang kamay niya habang ako ay nagpatuloy sa paglalakad. "Okay, okay. Ang hot mo, eh. 'Di parin maka-move on, 'teh?"

Bumuntong-hininga ako ulit. Naalala ko na naman 'yung lintik na lalaking 'yon. Kung paano niya 'kong niloko at kung paano niya 'kong ipinahiya sa harap ng maraming tao.

Ayoko sanang sabihin na first love ko siya, pero 'yun talaga ang totoo eh.

Fourth year kami nang niligawan niya ako dahil sa tudyo ng mga classmate namin. Crush ko rin siya n'on, kaya wala pang isang buwan ay sinagot ko na siya.

Ang kaso, ang hayop na lalaki, may ibang girlfriend pala sa ibang section.

3 months na kami n'ung nalaman ko 'yon. At ang masakit pa, nakita ko sila sa gymnasium na magkahalikan.

Inaaway ko sila n'ung babae niya, I mean, malandi niyang girlfriend. Kinaladkad ko palabas 'yung babae, at sinabi ko sa buong campus na mang-aagaw ng boyfriend ang babaeng 'to.

'Yun pala, ako ang mang-aagaw.

Tapos, sinabi ni Baste na kaya niya lang ako niligawan ay dahil mapera ako. 'Yung perang binibigay ko sa kanya para pang-dota niya, ipinang-dedate pala nila nang bruhang 'yon sa McDo malapit sa school!

First boyfriend, first heartbreak.

Mabuti nalang at hindi ko pa naibigay ang virginity ko sa kanya ng mga panahon na 'yon. Duhh! Hindi pa 'ko handang ibigay sa hindi deserving na lalaki ang puri ko.

"Sinong babae ang makaka-move on sa ganung klaseng lalaki? WALA." Sagot ko.

Nakarating na kami sa terminal ni Celine.

"Oh, siya. Kung ayaw mo talagang sumama, kwekwentuhan nalang kita bukas." Sabi nito.

"Sige, mag-iingat ka. At kung magtanong man si Baste tungkol sa'kin, sabihin mo patay na. Kalilibing lang kanina." Natawa naman si Celine. "'Wag kang tumawa dyan, seryoso ako."

"Para ka talagang abnormal. Sige na, alis na 'ko." Dagdag pa nito at bumeso sa akin.

Nag-iba ng sinakyan si Celine, habang ako ay sumakay na sa jeep na papunta sa Village namin.

Hindi ko alam kung sineswerte lang ba talaga ako, o nakatadhana talaga kaming magkita. Gosh!

'Yung chinito kanina sa café, kasabay ko siya ngayon dito sa jeep, at katabi ko pa. Ako na talaga!

That Tattooed ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon