THIRD: The Bitch

49 1 1
                                    

THIRD: The Bitch

Dalawang rason kung bakit ang aga ko ngayon dito sa café; una, dahil gusto kong maabutan si kuyang chinito na magpunta dito. Hanggang ngayon, kinikilig parin ako tuwing maaalala ko siya. Heehee. At pangalawa, dahil sa Baste na 'yon na muntik na 'kong hindi patulugin kakaisip sa sinabi niya.

Putek! Ang lakas ng loob na bumalik ng animal na 'yon! Anong akala niya sa'kin, teleserye na kapag natapos na, abangan bukas? Ang kapal ng mukha! May pasabi-sabi pa siya na ako pala talaga daw ang mahal niya. Wow! Umaabot pala ng years 'yung ganun? Edi, wow!

Dahil ako ang unang pumasok ngayon, nagpunas-punas na muna ako ng mesa para may magawa naman. Nagpaalam naman ako kay Manong Guard na papasok na ako dito sa loob.

"Himala, ang aga mo ata?" Nilingon ko lang si Celine na nasa likod ko. Nagbalik ulit ako sa pagpupunas. "Kapag maagang pumapasok, dapat snob? Matry nga minsan." Pagpapatuloy nito.

Napabuntong-hininga ako at naupo. "Naiinis kasi ako."

Naupo rin sa tapat ko si Celine. "Oh, ano namang kinaiinis mo? Dahil hindi ka nakasama kagabi?" Napangiti ito. "Dapat lang naman talagang mainis ka dahil wala d'on si Baste. 'Yan tuloy, 'di ka nakasama sa napakasayang reunion NAMIN." Dagdag nito at inemphasized pa talaga 'yung namin. Leche!

"Ayun na nga ang kinaiinis ko eh. Dahil 'yung hayop na Baste na 'yon, nagpunta lang naman sa bahay! Kainis, 'di ba?"

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Celine. Dapat lang naman talagang magulat siya. Syempre, limang taong hindi nagpakita ang bruho na 'yon. Tapos bigla siyang susulpot at sasabihing mahal niya daw talaga ko? Edi, nice one! Tss.

Ang huling balita namin sa kumag na 'yon, naghiwalay na sila ni Amanda. 'Yung girlfriend niya na akala ko ay inagawan ako ng boyfriend. Tse! See? Wala talagang forever.

"As in, talagang nagpunta siya d'on?" Gulat parin na tanong ni Celine.

Napairap ako. "Oo nga, 'diba?"

"Eh, ano namang mga pinagsasabi niya sa'yo?"

Bumuntong-hininga muna ako. "Mahal niya daw talaga ako."

Halos lumaki ang ilong, bibig at mata ni Celine sa sinabi ko.

"W-what?! Sinabi niya 'yon sa'yo?" Tumango naman ako. "At ano naman daw ang rason niya?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Ewan. Basta ang sabi niya gagawa daw siya ng paraan para magkabalikan kami. At feeling niya naman ay hahayaan ko siyang gawin 'yon. Duh! Hindi na ako uto-uto gaya ng ginawa niya sa'kin noon!"

Napangiti at napapalakpak naman si Celine. "Amazing! That's Marigona Daza version 2.0. Clap clap clap!"

Napangiti narin ako.

Well, tanga nalang talaga siguro ang babaeng makikipagbalikan pa sa lalaking nanloko sa kanya. Tss.

"Pero, may naisip ako eh," biglang sabi ni Celine kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Bakit kaya hindi mo gantihan si Baste?"

Kumunot bigla ang noo ko. "Ha? Paanong gagantihan?"

"Diba, sabi mo gusto niyang makipagbalikan sa'yo?" Tumango ako. "Edi, 'yun ang gamitin mong panghiganti sa kanya!" Nakangiting sinabi nito.

Napakunot lalo ang noo ko. "Hindi ko talaga maintidihan 'yang sinasabi mo, Celine."

Binstukan ako sa ulo ni Celine. Aray! "Ang slow mo naman, 'teh! Syempre, kapag sinagot mo ulit siya, 'yun ang magiging alas mo sa paghihiganti kay Baste. Kumbaga, mas lalo mo siyang sasaktan at paaasahin." Paliwanag nito.

That Tattooed ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon